Nakauwi na ako dito sa bahay dala yung inorder kong coke float at chicken sandwich pero hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko ung guy sa bank na nakabangga sakin na nagpapangiting ewan sakin hanggang dito sa kwarto ko.
Ken. Yun ang pakilala nya sakin. Naalala ko yung itsura nya. Medyo salubong ang kilay kahit kalmado, matangos ang ilong, moreno, matangkad at yung lang ang alam ko sa kanya. May chance pa kaya na magkita kami? Maybe yes, maybe no. Sa laki ng Pilipinas, ewan ko kung magtatagpo pa ulit kaming dalawa. Lord bahala ka na sa akin. Please.
Teka, bakit ba ganito ako mag isip? I need someone to talk. Tawagan ko nga si Jillian.
"Uhm hello?" sagot ni Jillian na parang nagising ko yata sa pagtulog.
"Ui bessy! May lakad ka bukas? Punta ka naman dito sa bahay. May ikekwento ako sayo." sunod sunod kong sabi.
"Ha? Tungkol san naman yan bessy? Wag mong sabihing may boyfriend ka na?" pangiintriga nya.
"Tongek! Wala pa! Este wala! Basta punta ka dito a? Dala ka na rin food. Ako na bahala sa drinks!" sabi ko naman.
"Ui si bessy naibig na yata? Sino yan? Saan mo nakilala? Gwapo ba?" pangungulit pa nya.
"Ah basta! Bukas na ako magkekwento! At wala akong boyfriend a!" naaasar kong sabi.
"E? Hehe. Sabi mo e. Pero ano muna name?" saad nya ulit.
"Tek naman oh! Matutulog na ako. Bye!" at binabaan ko na sya ng phone.
Nakakainis naman kasi. Magkekwento lang boyfriend ko na agad??!! Urgh! Kabwisit talaga yung unggoy na un.
Di makatulog ngayong gabi sa kakaisip
Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang syang laman ngayon ng isip ko??? Ooohhh...Pwe! At napapakanta pa ako dito. Takenote, binago ko pa ata ang lyrics. Hehe.
Aish! Erase erase! Sino ba sya para isipin ko? Look, we've just bumped. That is all. Nothing special. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Umaga na naman.
Mumukat mukat pa ang mata ko nang may marinig akong parang tunog ng doorbell sa labas. Si Jilian na yata yun. Napatingin ako sa relo ko. 8Am na pala. Tek naman oh! Basta chismis ang aga nitong babaeng ito.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa salas. Dinatnan ko dun ung unggoy na kumakain ng banana! Banana split? Da heck!
"Oh? Aga mo?" bungad ko sa kanya.
"Aba syempre bessy. Basta for you dapat maaga ako. Takot ko na lang sayo. Hihi. " pangaasar pa nya.
"Aga naman nyang banana split mo! Nagbreakfast ka na?" tanong ko.
"Ha? E di pa nga e. Kaso may nadaanan ako kaninang ice cream shop malapit samin kaya napabili na ako nito. Yee! Ya know, favorite ko to." tuloy tuloy nyang sabi habang puno ang bibig nya.
"Yan yan! Kaya madalas sumasakit tyan mo e kasi di ka kumakain ng ayos!" pagsesermon ko.
"Hehe. I cannot help it bessy e! Sorry na! Wag mo kong sasakalin a? Marami pa akong pangarap na lalaki sa buhay!" panloloko pa nya.
"Tsk. Ewan ko sayo! Wait ka na lang muna dyan. Magtitingin ako ng makakain natin. Manood ka muna ng tv dyan." paalam ko.
"Sige bessy! Tsalamat!" sabay buhay nya ng tv namin.
"Ge. At salamat din sa pagaalok mo ng banana split mo!" pangaasar ko sa kanya.
"Gusto mo pala nito? Eto oh." iaabot na nya sakin yung paubos na banana split.
BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...