Chapter 3: First Encounter

8 0 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ko at di ako makapaniwala sa nakikita ko. 1M??!! As in 1M??!! Bakit naman nagbigay sina Ma at Pa ng ganitong kalaking halaga ng pera?

Bago pa ako maging hysterical sa nakita ko e sinubukan kong tingnan pa ang ibang laman ng sobre at tumambad sa akin ang letter from Ma and Pa.

Bunso,

Base sa nakita mong laman ng sobre, nagkakahalaga yan ng 1 million pesos. Napakalaking halaga nyan anak. Ikaw na ang bahalang magdesisyon kung anong gagawin mo sa halagang yan. Malaki ka na anak. Naniniwala kami na alam mo na kung ano ang tama at mali kasi nasa hustong gulang ka na. Lagi mo lang tatandaan na magiingat ka palagi at mahal na mahal ka namin. Andito kami sa isang business trip namin dito sa Cebu. Medyo matatagalan kami anak. Baka maghoneymoon ulit kami dito. Hehe. Ay sya anak, di ka na namin ginising kasi ang himbing ng tulog mo kanina. Napuyat ka yata kakafacebook mo. Alam namin un anak. Pero sabi nga namin sayo malaki ka na. Hanggang sa muli anak. We love you! Mwa! :*

Love and kisses,

Ma and Pa

Hmp! Sina Ma at Pa talaga. Puro kalokohan e. Sinermonan pa ako tsk. Pati ba naman pagffb ko? Stalker lang ang peg ng parents ko? Anyway, wala naman akong maitatago sa kanila kasi kami kami lang naman ang magkakasama sa bahay na ito bukod sa ilang kasambahay namin dito tska tauhan. Tsaka sabi nga nila may tenga ang dingding. E? Bakit super deep ko namang magisip ngayon. Ganun ba ang epekto na mabigyan ng 1M sa isang saglit lang?

Pero sa totoo lang, sanay naman akong binibigyan ako ng allowance ng parents ko weekly. Ngayon lang talaga ako nakaencounter ng ganitong kalaking halaga ang ibinigay sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi, sa loob ng 15 years kong pamumuhay sa mundong ibabaw na ito, masinop ang mga magulang ko. Kapag kailangan lang, saka sila gumagastos. Pero ngayon, it was a little bit different. Parang may something. I wonder.

E? Ano naman kayang gagawin ko sa 1M na to? dapat siguro palitan ko na ang title ng story na ito. Gawin ko kayang the 1M Peso Dillema of Ayako Velasquez? Hehe. Nababaliw na yata ako. Charot. Pero tuloy pa rin ang kwento.

Siguro ilalagay ko na lang muna sa bangko para magamit ko pag kailangan ko. Tutal may tira pa naman akong allowance dun sa binigay sakin last week. Tama! Good idea!

Kahit di pa rin ako makagetover sa laman ng cheke na yun, pinatong ko na lang ito sa bedside table at natulog na ako.

Kinabukasan, 6am nagising ako. Anong himala! Ang aga naman ng body clock ko ngayon. Dati rati around 11 am ako gumigising kasi late bird talaga ako. OO, di ako early bird. Malamang di ba kakasabi ko lang na late bird ako.

Nagstretching muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Routine ko na kasing gawin un kasi sabi nila nakakapagpasexy daw yun. Yung yoga exercises kyeme na un. Basta yun na yun. Kaya kahit sexy na ako e nagpapasexy pa din ako. Aba ang hirap kayang magpapayat. Naalala ko nung 1st year high school pa ako, ang chubby chubby ko. Ilang lunch ang iniskip ko at worth it naman. Eto nga namayat ako.

Naalala ko nga pala. Nagugutom na ako. Bakit ba ganun pag summer? Madalas kang nagugutom kahit wala kang ginagawa? Hay.

Pagdating ko sa kusina may nakahain nang fried rice at omelet. Nagtaka pa ako kung kanino yun at tinanong ko pa yung cook naming si Manang One.

"Manang sakin ba tong nakahain sa mesa? tanong ko.

"Ay oo mam. Sayo po yan. Narinig ko po kasing parang nageexercise kayo sa kwarto nyo kaya pinagluto ko na kayo agad ng agahan." pageexplain nya.

"Ah ganun po ba. Sige po salamat. Tsaka po patimpla na rin ng coffee ko. More creamer and sugar please." utos ko ke Manang.

"Eto na po mam ang coffee nyo." sabay abot nung inutos ko sa kanya.

He loves me. He loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon