One month na ang nakakalipas simula nung pumasok ako sa university na ito. Nagkaroon na rin ako ng maraming kakilala at friends dito at ganun din si Jillian. Un pa! Super friendly nun e lalo na pagdating sa mga boylet! Sa ngayon, nandito lang muna ako sa may bench sa quadrangle para magpalipas ng oras habang naghihintay ng next class. Gusto ko sana sa library tumambay kaso lang di ko masosolo ang katahimikan kasi ang daming makukulit dun na mga boys na nagpapacute sa akin. Grabe ang cute ko talaga! Ganyan ang epekto ng nagkkrimstix. Lumalawak ang imagination! Hoho!
Base nga sa sabi ko kanina, andito ako ngayon sa bench sa quadrangle para magpalipas ng oras. Eh? Paulit ulit na ako? Haha. Nagsscan lang naman ako ng mga notes ko para ready ako sa surprise exams! Oha! Akala ng mga prof na yan mashoshock ako sa pasurprise surprise nila ha? Lelang nila! Girl scout yata to no!
Kasagsagan ng kunwaring pagrereview ko nang marinig kong may inaanounce na pala gamit ang university speakers.
“Attention all students! We will be having our Acquaintance Party on the 20th of July. Kindly proceed to the bulletin board for more details. Thank you and have a nice day.” Announce nung kung sino man yun. Di man lang nagpakilala kung sinong pontio pilato sya.
Napatayo ako sa bench at dumiretso na sa bulletin board. Buti wala pa masyadong estudyante dun kaya di hassle ang pagtingin ko sa mga details regarding the Acquaintance Party kyeme na yon.
Ganitong ganito yung pagkakapost sa bulletin board.What: Acquaintance Party ‘14
When: 20th of July
Where: Makati Palace Hotel
Outfit: Casual Wear
Contribution Fee: 1000php
Note: For those students whom are willing to perform in the party, kindly prepare for your talent and for those who will win gets the awesome prizes! Goodluck! J
Oh well! Casual wear ha? Buti na lang yun ang nirequire na outfit kasi marami ako nun. Hehe. Pero ang problema ko lang ay yung talent na ipepresent. Ano nga ba ang talent ko? E ang tanong, may talent nga ba ako? Tick tock. Tick tock. Tick tock. Ding! Onga pala, marunong pala akong sumayaw. Basta modern dance lang ha? Utang na loob. Wag lang ballroom!
Nahinto yung pagiisip ko tungkol sa talent ko ng bigla akong tinawag ni Jillian.
“Ui bessy! Nakita mo na ba yung post sa bulletin board?” pambungad sakin ni Jillian.
“Yep. I saw it na. Tagal pa naman nun e. 10 days pa bago ang party” sabi ko sa kanya.
“Sinong date mo bessy? Kasi ako meron na” sabay kilig na sabi nya.
“Ano to? Prom na kelangan ng date? Tigilan mo nga ako sa mga kalandian blues mo dyan at baka masapak kita ng isa dyan!” pagrereklamo ko.
“Aray naman bessy e. Masakit yun! Pero maiba tayo, may talent kang ipepresent? Mukha kasing maganda yung prize na ibibigay nila sa winner e. What do you think?” tanong pa niya.
“Hmm, sa tingin ko meron na. Sasayaw na lang ako ng solo. Wala akong kilala na magbabackup dance para sakin e. Tsaka di naman ako interesado dun sa prize. Gusto ko lang talaga magperform kasi di ako maapprove na maging member ng cultural club e” pagsagot ko naman.
BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...