Sampal vs Halik?
By: CatchMe
Teaser
Graziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya.
Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na kaibigan ng pekeng asawa ng pinsan niyang si Dianne ay isinumpa niyang igaganti ang pinsang isang drum yata ang iniluha.
Pero, teka lang? Bakit tuwing sinasampal niya ang nakakatulo laway na mukha ng binata ay agad siyang pinaparusahan ng halik? Ganun nalang ba yun?
Hindi! Hinding-hindi siya makakapayag! Kaya't ubod lakas niya itong sinuntok! Suntok na naging dahilan ng pagdilim ng gwapong mukha ng isang Adan.
"Your big mistake, sweety. Dahil hindi na halik ang bayad sa suntok mo! And you know what is it? Sex! Do you hear me? SEX!!"
Hala! Papayag ba siyang isuko ang kanyang kayamanang matagal ng iniingatan? Dahil lang sa isang suntok na kanyang binitawan?
Sneak Peek & SlumBook
Pagkababa ng taxi, ay mabilis ang mga hakbang na tinungo ng dalaga ang entrada ng hotel. Late nanaman siya dahil sa traffic. Nagmamadali siyang tinungo ang elevator bago pa ito magsara. Ngunit isang empleyada ng hotel ang kanyang nakabanggaan, dahilan ng pagkabagsak ng dala niyang folder. Ganun din ang dala-dalang folders nito na nagkalat din sa sahig ang laman niyon.
"Damn." mahinang mura ng dalaga na mabilis pinulot ang kanyang folder.
"Sorry po ma'am. Hindi ko po sinasadya." apologetic ang mukhang wika ng empleyadang kanyang nakabanggaan.
"Walang anuman. Kasalan ko rin naman, kasi nagmamadali ako." nakangiting sagot niya dito. "Sige, pasinsya ka na rin ha?" dagdag pa niyang tuluyan ng tinalikuran ang empleyada.
"Five minutes, before five." mahinang wika ng dalaga ng sulyapan ang suot na wrist watch. Sakay siya ng elevator patungo sa 3th floor ng hotel. Ayon sa pinsan niya ay sa coffee shop gaganapin ang interview ng kanilang cover guest for May issue ng kanilang magazine.
Pagsapit sa 3th floor ay tinungo niya agad ang coffee shop. Nadaanan pa niya ang ibang guest ng hotel na naliligo sa swimming pool na kanyang nadaanan ng papunta na siya sa itinurong coffe shop ng kanyang napagtanungan. Tuloy tuloy siyang pumasok ng sapitin ang coffee shop at itulak ang glass door. Sumalubong sa kanya ang malamyos na musika, at lamig na nagmumula sa aircon. Inayos muna niya ang sarili at tinungo ang counter.
"Excuse me, can I ask if Mr. Ferrer is still here?" agaw niya sa pansin ng babaeng nakaupo sa kahera.
"Yes, that way ma'am. Nasa dulo po ang kanyang reservation." turo nito sa kanya.
Agad namang nagpasalamat ang dalaga at tinungo ang itinuro nitong mesa. Kung saan ay kukunti lang ang mga costumer sa mesang itinuro ng kanyang pinagtatanungan. Humakbang siya papalapit dito at inihanda ang kanyang matamis na ngiti.
"Good afternoon sir, sorry po at na-late na ako. Sobrang traffic po kasi." agad na humingi ng paumanhin ng dalaga sa lalaking nakasuot ng shade. Napatingin ito sa kanya na agad tinanggal ang suot na shade sa mata ng makita siya.
"--ikaw?"
"--ikaw?"
Panabay na tanong ng dalawa ng makilala ang isa't isa.
"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?" unang nakabawi ang binatang bumalatay sa gwapong mukha nito ang galit para sa dalaga.
"Hoy! Excuse me lang ha. Nandito ako, para sa interview ni Mr. Brandon Berge Ferrer. Hindi para makita ka!" agad na sagot naman niya dito. Ngunit sa kaloob-looban niya ay nakaramdam siya ng takot dahil sa kanyang ginawa sa kotse nito. Well, binasag lang naman niya ang mamahaling wind shield ng kotse nito. Dahil sa pangahas na paghalik nito sa kanya kahapon.
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
RomanceGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...