Sampal vs. Halik?
By: CatchMe
Chapter 14
PAWISAN na ang magandang mukha ni Graziella dahil kanina pa siya nag-aabang ng ibang sasakyan ngunit mailap yata ang mga dumadaan sa kalsadang iyon.
May nakita pa naman siyang extrang gulong sa likod ng kotse ng kanyang kuya. Ang problema nga lang ay wala siyang alam kung paano palitan ang pumutok na gulong.
"Oh God, anong gagawin ko?" napahilamos siya sa kanyang mukha nang makitang pasado alas dos na. Alas dos pa naman magsisimula ang pictorial at siya pa naman ang kukuha ng mga larawan. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi na lang siya sumabay kina Sapphire at Jon papunta sa venue.
Napabuntong hininga na lamang siya na kinuha ang kanyang cell phone para tawagan ang dalawang kasamahan na nauna na sa kanya.
Matapos makausap ang kaibigang si Sapphire ay binalik niya ang cell phone sa kanyang bag. Ipapasundo na lamang daw siya kay Jon kasama ang mekaniko ang sabi nito.
Napapunas siya ng kanyang leeg gamit ang kanyang panyo dahil sa pawis. Masakit na rin ang tama ng araw sa kanyang balat ngunit hindi na niya ininda iyon. Kaya namumula ang kanyang mukha pati na ang mga braso niyang exposed sa suot niyang puting shirt na spaghetti strap.
Napalingon siya nang may makitang paparating na kotse. Nagsalubong pa ang kanyang dalawang kilay nang mapansing iyon ang kotseng sumusunod sa kanya kanina. Bahagya itong nagmenor at kusang huminto sa kanyang harapan kahit hindi naman siya pumara rito.
Ilang segundo pa ay bumukas ang pintuan ng kotse at ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla at pagkabog nang malakas ng kanyang puso nang makilala ang nagmamaneho ng kotseng iyon.
"B-Brad?" nabubulol na sambit niya nang lumabas ang binata at lumapit sa kanya.
At ewan niya dahil hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman ng masilayan ito. Inaamin niya na sa kabila nang bumangon na kaba ay nasisiyahan siya na nakita niya ito muli. At pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman na yakapin ang binata.
"What's wrong?" tanong nito na ang mga mata ay nakatingin sa kanyang kotse.
"H-ha? Ahm, pumutok kasi 'yung gulong ng kotse ko at hindi ko naman alam kong paano magpalit-,"
"May extrang gulong ba itong kotse mo?" putol nito sa sasabihin pa sana niya at tiningnan siya sa kanyang mga mata dahilan para mas lalo pa'ng kumabog ng sobrang lakas ang kanyang puso.
"Ha? O-oo. Meron sa likod," sagot niyang mabilis na tumalikod at pumunta sa likuran.
Damn! Huwag ka ngang magpanic, Graziella! saway pa niya sa sariling kinuha ang extrang gulong sa likuran ng kotse.
"Let me." Nagulat pa siya nang magsalita ito sa kanyang tagiliran at ito na ang kusang kumuha sa gulong at dinala sa harapan.
Paano kasi hindi na niya napansing sumunod pala ito sa kanya dahil naging blanko yata ang kanyang isipan dahil sa galak at kaba na kanyang nararamdaman sa muli nilang pagkikita.
Saka pa siya nakahuma nang magtanong ito sa kanya at humingi ng gagamitin nito sa pagpalit ng gulong na agad naman niya ibinigay rito.
Nakatayo siya habang nakatingin kay Brad na busy sa pag-ayos ng kotse. Patuloy pa rin ang kabog ng kanyang puso habang pinagmamasdan niya ito at inaamin din niyang nasayahan siya dahil nakita niya muli ang binata.
Ngunit hindi niya maalis sa sariling magtaka kung bakit sinusundan siya nito kanina. Gusto sana niyang kausapin ito, pero tila may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan na hindi niya maintindihan. Isa pa, hindi naman siya nito kinakausap.
Ewan nga niya sa sarili niya kung bakit malamig ito sa kanya. Hanggang sa hindi na niya namalayan na tapos na pala ito sa ginagawa kung hindi pa ito nagsalita muli.
"S-salamat, Brad. 'Buti na lang at napadaan ka," aniya nang matapos maayos at maibalik ang mga gamit na ginamit nito sa pagpalit ng gulong.
"No, worries," matipid na sagot ni Brad at muling bumalik sa kotse nito.
"Teka, Brad. S-sandali lang," tawag niya rito.
Napahinto namang lumingon ang binata sa kanya. Nagtatanong ang mga mata kung may kailangan pa siya rito.
"Ahm..." napakagat labi siya nang walang maisip na sabihin. Ano nga bang sasabihin niya rito? Bakit pa niya tinawag ito kung wala naman siyang sasabihin. Naiinis na siya sa kanyang sarili dahil wala siyang maisip na dahilan kung bakit pa niya pinigilan ang binata.
"Why?" humakbang ito pabalik sa kanya.
"Nothing..." iling niyang hindi makatingin ng diretso. "I mean, thank you ulit," dagdag pa niyang napayuko na ng kanyang ulo.
"Okay," simpleng sagot nito at muling tumalikod sa kanya.
Tumalikod na rin siya at akma nang pumasok sa kotse nang tila may tumutulak sa kanya para muling tawagin ang binata. Kaya muli siyang humarap at tinawag ang pangalan nito.
Muli na namang lumingon si Brad sa kanya at talagang nagsalubong na ang mga kilay nito sa pagtataka.
Samantalang siya naman ay nanlalambot ang mga tuhod dahil sa sobrang kaba. Bakit na naman ba niya tinawag muli ang binata? Ano ngayon ang sasabihin niya rito? Dahil nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin ulit sa kanya.
Alangan namang sasabihin niya na masaya siya dahil nagkita muli sila. Na namimiss niya ito ng sobra. Na araw-araw niya itong naiisip. Na palagi nitong ginugulo ang magulo na niyang utak simula ng maghiwalay sila ng landas. Na nasasaktan siya dahil hindi siya nito kinakusap.
At ngayong muli silang nagkita ay gusto niya itong yakapin. Pero wala namang dahilan para gawin niya iyon dahil wala naman silang relasyon. In fact siya pa nga ang nagtulak dito na layuan siya nito.
Napabuntong hininga na lamang siya at tiningnan ito sa mata.
"Ingat ka." Ang tanging kataga na lumabas sa kanyang labi.
Napayuko naman si Brad at sinagot din siyang mag-ingat siya. 'Tsaka ito tuluyang pumasok sa kotse nito at umalis na.
Naiwan naman siyang sinusundan ng tingin ang kotse nitong papalayo sa kanya. 'Tsaka siya nanlulumong pumasok sa dala niyang kotse.
At bakit naman siya nakaramdam ng kahungkagan? Bakit nalulungkot siya nang tuluyan na itong umalis? At bakit siya nasasaktan sa pinapakita nitong kalamigan? Na tila bang hindi sila magkakilala? Sadya na bang kinalimutan na nito ang nangyari sa pagitan nila noon?
Muli siyang napabuntong hininga. Kasunod niyon ay hindi na niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha.
Kung bakit kasi hindi niya maamin sa kanyang sarili na may pagtingin na siya kay Brad. Na simulang mawala ito sa paningin niya mahigit isang buwan na ang nakalipas ay hindi na siya natahimik.
Araw-araw na niyang hinintay na muli silang magtagpo. Na muli itong magpakita sa kanya para galitin siya. Na pati ang hindi mamatay-matay na isyung fiancée siya nito ay lihim niyang inaabangan. Inaabangan niya na magsalita ang binata ukol doon. Na linisin nito ang issue at sabihing walang katuturan iyon. Na iyon ay isang palabas lamang. Pero wala itong sinabi ukol sa issue. Maliban na lang sa sinabi nito sa isang interview na ayaw nitong pag-usapan ang personal nitong buhay sa publiko.
Ilang sandali niyang hinayaan ang sarili sa tahimik na pag-iyak sa gilid ng kalsada. Nang tumahan ay pinunasan niya ang luhang lumandas sa kanyang pisngi.'Tsaka niya inayos ang sarili at binuhay muli ang makina ng kanyang kotse paalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
Storie d'amoreGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...