Chapter 13

12.2K 256 2
                                    

Sampal vs. Halik?

By: CatchMe

Chapter 13

KANINA pa nagtataka si Graziella sa kalamigang ipinapakita ni Brad sa kanya. Simula nang sunduin siya nito sa kanilang opisina hanggang sa restaurant kung saan sila magkikita ng mag-asawang Chan.

Ngingiti lamang sa kanya si Brad at yayakap sa baywang niya kapag kaharap nila ang mag-asawang chinesse. Ngunit kung silang dalawa na lang ay tila mas malamig pa ito sa yelo ang ipinapakita nito sa kanya.

Hanggang sa yayain na siya nito pauwi ay hindi nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang siya na sumunod sa likuran nito.

Mahabang katahimikan ang namagitan kina Graziella at Brad habang nakasakay sa kotse ng binata. Walang may nagsalita sa kanila na tila ba hindi sila magkakilala.

Hanggang sapitin nila ang bahay ng dalaga ay wala pa rin silang kibuan.

"Sige, salamat," wika ni Graziella nang makababa na sa kotse nito.

Tumango lamang si Brad bilang sagot sa kanya. Nang makapasok na siya sa gate ng kanilang bahay ay pinaharurot na rin nito ang kotse palayo. Muli siyang napabuntong hininga na naiwan at matamlay na humakbang papasok sa kanilang bahay.

ILANG araw na ang dumaan ng hindi na nagpapakita si Brad kay Graziella. Hanggang sa ang mga araw ay naging linggo. At ang linggo ay naging buwan. Naging balik sa dating gawi ang buhay ng dalaga. Maliban na lang siguro sa hindi mamatay-matay na rumors na siya ang fiancée ng isa sa mga sikat na myembro ng 'The Rose Emperors' na si Brandon Berge Ferrer.

Hindi na lamang niya pinapansin ang issue. Bagkos ay ipinukos na lamang niya ang atensyon sa kanyang trabaho. Parati na rin siyang nag o-overtime at halos lahat ng mga nakatambak na trabaho sa kanilang opisina ay inoobliga na niya kahit hindi naman related sa kanyang posisyon bilang photographer. Para lang may mapagtuunan ang kanyang pansin. Dahil simula ng maghiwalay ang landas nila ni Brad ay hindi na natahimik ang kanyang utak sa kakaisip sa binata.

"CONGRATULATION!" sabay-sabay na bati ng lahat nang makapasok si Graziella sa kanilang opisina. Salubong ang mga kilay niya ng isa-isang lumapit sa kanya ang kaniyang ka-opisina kasama ang pinsan niyang si Cattleya.

"Job well done! Success ang May issue natin at ang laki agad ng sales ng magazine!" masayang wika ni Ms. J. na niyakap siya. "Let's call this a big celebration! Maghanda na kayo, dahil maglalasing tayo pagkatapos ng trabaho," ani pa nitong itinaas ang hawak na magazine.

Ang kanilang May issue kung saan ang cover ng Soeursbelle Magazine ay ang larawan ng nali-link sa kanyang myembro ng 'The Rose Emperors' na si Brandon Berge Ferrer.

"Congrats, Graz. Nang dahil sa'yo, lumaki ang sales natin ngayon," masayang bati ng pinsan niyang si Cattleya.

"Thanks Cat," flattered niyang sagot.

PAGKATAPOS ng trabaho ay nagtuloy ang lahat sa Wild West Saloon. Ang sikat na bar na pinagtutulong-tulongan nilang magpinsan na itayo dalawang taon na ang nakalipas. Kung saan ay mas lalo pang sumikat dahil sa pinsan nilang singer na si Noel.

"Cheers!" masayang nakipag-cheer ang lahat. Bumaha ang maraming inumin sa kanilang mesa na sagot naman ng kanilang boss na si Ms. J.

"Atensyon muna guys, please," mayamaya ay napatayo ni Ms. J. "Gusto kong magpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng Soeursbelle Magazine. Sa lahat ng writers natin, columnist, make-up artist, photographer, editor at sa lahat-lahat, thank you so much for your help and loyalty. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi natin makamit ang tagumpay. Kaya buong puso akong nagpapasalamat sa walang sawa niyong pag o-overtime. Lalong lalo ka na Graziella." baling nito sa kanya. "Kung hindi dahil sa'yo ay hindi tataas ng ganito ang sales natin. You made a lot on this month issue. Ang pag interview kay Mr. Ferrer, sa kanyang pictorial, sa event ng 'Bal des Rosas' kung saan ay nakuha mo lahat ng mga importanteng kaganapan sa event na iyon. At ang lahat ng myembro ng Rose Emperors na perfect na perfect ang mga anggulong nakuha mo sa bawat litrato ng myembro. And take note, nakunan mo pa silang lahat ng litarato na bihira lang mangyaring lahat na myembro ng 'The Rose Emperors' ay ma i-feature sa isang magazine. And that's the reason why we succeed for this month issue. Graz, Thank you, so much for putting so much time and effort for this magazine. I am proud of you, and thank you," madamdaming wika ni Ms. J na sinalubong naman nila ng masigabong palakpakan.

Napilitang tumayo si Graiella para tugunin ang bati ng lahat sa kanya. "Salamat po sa lahat, lalong lalo na sa'yo Ms. J. Pero, hindi lang naman dahil sa akin kung bakit tumaas ang sales ng magazine sa market. Kundi dahil na rin sa ating lahat na talagang binigyan ng oras at panahon ang issue na ito. Lalo na si Friah na talagang nag sayang ng laway para maturuan ako ng aking gagawin sa event," natatawang baling niya sa kaibigan. "At kay Cattleya, na siya naman talaga ang naka-assign para ma interview si Brad," wika niya na biglang matigilan nang kanyang banggitin ang pangalan ng binata. "I mean, ni Mr. Ferrer pala." Pagtatama niya."Dapat po sila ang pasalamatan natin, dahil sila ang gumagawa at sumusulat ng issue na nakapan-loob sa magazine. Dahil ang aking naitulong lang naman ay mga litratong bahagi naman talaga ng aking trabaho. Kaya, ang tagumpay na ito ay hindi dahil sa akin. Kundi ito ay dahil sa ating lahat. Dahil sa pagkaka-isa natin at pagdadamayan sa oras ng ating pangangailangan sa loob ng kompanya," mahabamg wika niya na sinalubong naman ng malakas na palakpakan ng kanyang mga kasamahan.

Matapos siyang magpasalamat sa lahat ay nakangiti pa rin siya na muling umupo nang may mahagip ang kanyang paningin. Ang pamilyar na mukha na ilang araw rin niyang inaasam na makita muli.

Brad..,

Mahinang bulong niya sa sarili nang makitang tumayo ito mula sa counter. Sinundan niya ito ng tingin na patungo sa exit door ng bar hanggang sa tuluyan na itong makalabas at mawala sa kanyang paningin.

NAPATINGIN si Graziella sa rear view mirror ng minamaneho niyang kotse. Sa kuya niya iyon na hiniram muna niya para hindi na siya mahirapan sa 'byahe. Meron siyang pupuntahang pictorials at nauna na ang iba niyang mga kasamahan.

Napakunot ang noo'ng nilingon niya ang kotseng nakasunod sa kanya. Kanina pa niya iyon napapansin na tila sinusundan siya. Kaya mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho sa kotse dahil nakaramdam siya ng kaba.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang hindi n aniya makita ang kotseng nakasunod sa kanya kani-kanila lang kaya muli siyang nag-menor sa pagmamaneho.

"Baka nagkataon lang na pareho ang tinatahak naming daan," kibit balikat niyang wika sa sarili.

Ilang sandali pa ang dumaan nang mapatampal siya sa sariling noo. "No, please, not now," kagat ang labing sambit niya nang pumutok ang gulong ng kotse ng kanyang kuya.

Napilitan tuloy siyang huminto at lumabas sa kotse. Napabuga pa siya ng hangin nang makita ang umuusok at amoy sunog na gulong ng kotse.

NAPILITANG huminto pansamantala sa tabi ng kalsada si Brad sa pagmamaneho ng kanyang kotse. Inis siyang napahampas ng kanyang kamay sa manibela.Dahil nahalata siguro ni Graziella na may sumusunod dito kaya mas lalo pa nitong binilisan ang pagpatakbo ng kotse nito.

Napabuntong hininga siya at napasandal. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mariing minamasahe ng kamay ang kanyang noo.

Mahigit isang buwan nang hindi sila nag-uusap ni Graziella.. Hindi rin siya nagpapakita rito dahil iyon ang hininging kasunduan nito noon kapalit ng pagpanggap nitong fiancée niya sa pagharap sa mag-asawang Chan.

Kaya heto siya at daig pa niya ang isang stalker na lihim sinusundan si Graziella kahit saan man ito pumunta.

God!

Hindi na yata niya kayang hindi ito lapitan. Pero wala namang dahilan para lapitan niya ang dalaga. Hindi naman sila close at mas lalong hindi naman sila magkaibigan.

Inaamin niyang nasaktan siya sa sinabi nito noon na kalimutan na nila ang anumang nangyari sa pagitan nilang dalawa. At lalo siyang nasaktan nang sabihin nitong hinding hindi na siya magpapakita rito.

God!

Kung alam lang nito na tila mababaliw na siya sa pagmamasid rito mula sa malayo. Gustong gusto na niyang lapitan at yakapin ito. Gusto niyang maangkin ulit ang labi nito. Pero wala namang dahilan para gawin niya iyon. Dahil hindi naman niya ito nobya.

Marahas siyang humugot ng malalim na hininga at bumuga ng hangin. Na tila ba sa ganoong paraan ay mabawasan ang nararamadaman niyang pagkalumbay dahil sa sobrang pagkamiss sa dalaga. Kailangan na talaga niyang kalimutan ito bago pa siya mawala sa tamang katinuan.

Pero paano?

Kung palagi namang bumabalik sa kanyang utak ang halikang namagitan sa kanila? Ang malambot na katawan nito na ramdam pa rin niya kahit mahigit isang buwan na ang nakalipas. At ang amoy ng leeg nitong tila nagpapabaliw sa kanya tuwing maaalala niya.

"Damn, you're crazy Brad!" aniya sa sarili at napailing.

Ilang sandali pa ay muli niyang binuhay ang makina ng kanyang kotse at umalis na.

Sent from my iPhone

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon