Chapter 9

12.7K 336 18
                                    

Sampal vs Halik?

By: CatchMe

Chapter 9

PINIPIGILAN ni Graziella ang sariling huwag paliparin ang palad sa mukha ni Brad. Kaya minabuti na lamang niyang talikuran ito. At talagang nauubos na ang pasinsya niya. Kung bakit pa kasi magkapareho ang event na kanilang dinaluhan. Nasira tuloy ang gabi niya.

Napabuntong hininga siya habang patuloy sa paglalakad. Mas mabuti pa sigurong lumabas na muna siya sa event hall para makasagap ng sariwang hangin.

Ngunit nang maalalang magsisimula na ang pag papakilala sa lahat na myembro ng 'The Rose Emperors'ay napahinto siya. Pumihit siya para bumalik sa kanyang pinanggalingan.

At ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang pagpihit niya ay mabangga siya sa matigas na dibdib na pagmamay ari ng binatang iniiwasan niya. Si Brad.

"Sinusundan mo ba ako?" galit na tanong niya nang makabawi sa pagkaka-gulat.

"I'm sorry, nagbibiro lang naman ako kanina. Masyado ka namang-,"

"Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo sa akin. Just please, get lost!"

"Zielle, I'm sorry. I did'nt meant to offend you. Nagbibiro lang talaga ako kanina." Muli siyang sinundan ni Brad. Ngunit hindi na niya ito pinansin na mas lalong binilisan ang paglakad.

Dahil sa pagmamadali ni Graziella ay hindi sinasadyang nakabangga niya ang isang waitress. Bumuhos sa kanya ang iba't ibang alak mula sa hawak nitong tray.

Halos hindi siya makagalaw sa kanyang tinatayuan na napapikit pa ng kanyang mga mata dahil sa sobrang hiya. Agad naman siyang dinaluhan ni Bradat tinulongan sa pagpunas sa nabasa niyang damit.

"I'm sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya."

Namumula ang mukha ng waitress na humingi ng paumanhin sa kanya. Inayos nito ang mga natumbang wine glass at iba pa sa hawak na tray. Si Brad na rin ang kumausap dito hanggang sa iwanan na sila ng waitress. Buti na lang at malayo sila sa karamihan. Wala masyadong nakapansin sa nangyari sa kanya.

Muli niyang tiningnan ng masama si Brad at ubod lakas na sinampal sa mukha.

"Why?!" gulat na napahawak sa mukha nito kung saan natamaan ng kanyang palad. Napalingon ito sa kanilang paligid kung may nakakita sa kanyang ginawa. Nang mapansing may iilang mga besita ang nakatingin sa kanila ay dumilim din ang mukha nito.

"Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ako mabubuhusan ng alak! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa akin," wika niya na pilit pinatatag ang sarili sa nakikitang galit sa mukha ni Brad.

Ngunit hindi ito sumagot sa kanya. Bagkos ay nagagalawan ang pangang hinawakan siya sa braso at hinila palabas ng event hall.

"Hey, ano ba. Bitiwan mo nga ako. May trabaho pa ako, Brad." pilit niyang bawi sa kanyang braso. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya. "Hoy! Bingi ka ba? Bitiwan mo ako sabi!" hinampas niya ito sa likod ng hawak niyang maliit na bag.

Biglang napahinto naman si Brad at inagaw ang kanyang bag. "Talagang inuubos mo ang pasinsya ko ha?" madilim pa rin ang mukhang sabi nito.

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan eh. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana nabangga ang waitress!"

"So ako pa ang sisihin mo?"

"Natural. Alangan naman sisihin ko ang lahat ng myembro ng Rose Emperors! 'Tsaka, bitiwan mo nga ako. Marami pa akong gagawin sa loob. At hindi ko pinapangarap na masisante nang dahil lamang sa kapabayaan ko sa trabaho!" napataas na rin ang kanyang boses.

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon