Chapter 1

17.5K 292 15
                                    

Sampal vs. Halik?

By: CatchMe

Chapter One

HINDI maipinta ang mukhang nang gagalaiti sa galit si Graziella. Nasa restaurant sila ng Golden Crown Hotel, kasama ang pinsan niyang si Sabrina Rose. Ikinuwento nito sa kanya ang dahilan nang pag-uwi ng pinsan nilang si Dianne dito sa Maynila. Tatlong buwan lang ang nakalipas nang magulat silang lahat sa balitang pagpakasal ni Dianne ng biglaan.

Ni hindi man lang nila nakita ang groom nito. Dahil civil lamang ang naganap na kasalan at sa condo pa ng groom nito ginanap. At ngayon, umuwing luhaan ang kanyang pinsan dahil sa panloloko ng lalaking minahal nito kasabwat ang magaling nitong mga kaibigan na sina Francis at Brad daw umano ang pangalan.

"Hay naku Sab, ang sarap talagang baliin ang leeg ng mga lalaking ganyan!" inis na wika ni Graziella sa pinsang si Sabrina.

"Wala na tayong magagawa pa, dahil nangyari na 'yun," malungkot na tugon ng dalaga. " At saka, huwag mong sabihin sa iba ang tungkol sa fake na kasal ni Dianne ha? Ayaw niya muna kasing magsalita ukol diyan. Lalo na kina Tita Malou at Tito Marcelino."

"Kung bakit kasi may mga taong manloloko rito sa mundo! Sarap sa kanila itapon sa Iraq o di kaya sa Libya at Yemen para ibala sa kanyon! Hay, naku, naku, naku, kapag nakita ko lang ang mga 'yun ay igaganti ko talaga si Dianne!" galit at napabuntong hiningang napasandal siya sa kanyang upuan.

"Grabe ka naman Graz. Huwag namang ganoon, sayang kasi 'eh. Ang gwapo pa naman nil--a," natigilangsambit ni Sabrina na nakatingin sa kanyang likuran.

"Oh? Bakit natulala ka at parang nakakita ka ng mala-adonis na Adan diyan?" kunot ang noo nawika niya saka nilingon ang direksyong tinitingnan nito.

And, oh shalala! Mala adonis na Adan nga!

Lihim siyang napasinghap na sinundan ng tingin ang lalaking pumasok sa restaurant.

Halos nakaawang na rin ang kanyang labi habang gusto namang lumuwa ng kanyang mga mata sa mala-Enrique Iglesias na mukha ng lalaki. Sa matikas na katawan nitong bakat sa suot na mamahaling shirt. Sa taas nitong mala-Richard Gomez.

Oh my! Siya na nga! Siya na nga ang pinapangarap kong papa!, hiyaw ng kanyang utak na sinundan ng tingin ang gwapong lalaki na naupo sa isang bakanteng mesa.

Napabalik sa reyalidad ang kanyang utak nang tapikin siya ng pinsang si Sabrina.

"Tara, alis na tayo."

"Ha? Teka, saglit lang," nagdadalawang isip na sagot niya na pinigilan ang pinsan sa pagtayo nito.

"Bakit?"

"Basta, mamaya na lang tayo umalis," nakangiting sagot niya na muling binalingan ang gwapong binata sa kabilang mesa.

Sino kaya ang hinihintay niya? May girlfriend na kaya siya? Sana wala pa! Sana, may pag asa pa ako!

Lihim na napatawang wika niya sa sarili nang mayamaya ay may lumapit na tatlong lalaking naka business suit at may edad na babae sa inuupuan nito. Nakahinga siya ng maluwag nang isa-isang kinamayan nito ang kakarating lang na mga bisita nito.

Siguro may business meeting. Haayy, wish ko lang wala pa siyang girlfriend.

"Ano bang tinitingin mo sa lalaking 'yan?" sita ni Sabrina.

"Ha? ahm, ang gwapo kasi eh. Na love at first sight yata ako sa kagwapohan ng Adan na 'yan," natatawang biro niya nang biglang umasim ang mukha ng kanyang kaharap. "Bakit? Type mo rin? Sige na nga, magpaparaya na lang ako para sa ikakaligaya mo!" kunyaring nasasaktan na sambit niya.

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon