Chapter 15

13.4K 323 9
                                    

Sampal vs Halik?

By: CatchMe

Chapter 15

NAPABUGA ng hangin si Brad nang tumakbo na ang kanyang kotse. Pinagmasdan pa niya ang dalaga mula sa rear view mirror na nakatayo sa tabi ng kotse nito. Nakasunod ang tingin nito sa papalayo niyang kotse.

Hanggang sa unti-unting lumiit ang anyo nito at mawala sa kanyang paningin. Minabuti na niyang huwag itong kausapin. Dahil hindi niya alam kung hanggang saan niya mapigilan ang sarili.

God knows kung paano niya napigilan ang kanyang sarili kanina dahil gustong gusto na talaga niyang yakapin ang dalaga kanina.

Ayaw pa naman niyang kamuhian siya nito at tuluyang magalit sa kanya kung mangahas siyang gawin iyon ng walang dahilan.

Muli siyang napabuga ng hangin nang maalala ang pagtawag nito sa kanya na wala namang masabi kung bakit siya nito tinawag. Na parang gusto siya nitong pigilan sa pag-alis niya. Na para bang may sasabihin ito sa kanya na hindi naman nito masabi. Posible kayang...

"Shit! Bakit 'di ko naisip 'yun kanina?" biglang preno niya sa kotseng minamaneho dahil sa naisip.

Posible nga kayang na-miss siya ng dalaga dahil tinawag siya nito ng dalawang beses? Na wala namang sasabihin kundi simpleng thank you at ingat ka?

Mabilis siyang lumabas ng kanyang kotse nang mapagpasyahan na aabangan na lamang niya ang dalagang dadaan din kung saan niya pansamantalang hininto ang kotse.

Kailangan niyang makausap ito. Kailangan niyang malaman kung ano ang gusto nitong sabihin sa kanya.

Bahala na kung magalit man ito sa kanya dahil sa kakulitan niya basta ang importante sa kanya ngayon ay marinig niya at malaman ang gusto nitong sabihin sa kanya kanina. 'Tsaka niya nakita ang kotse nitong paparating.

Bahagya itong nagmenor nang makita siya. Hanggang sa tumigil ito sa unahan ng kanyang kotse. Nagtataka ang anyo ng magandang mukha nito nang lumabas sa kotse at lumingon sa kanya. 'Tsaka siya humakbang at sinalubong ang dalaga.

"Bakit, Brad? May problema ba?" tanong nito.

Hindi na niya sinagot ang tanong nito. Bagkos ay mahigpit niya itong niyakap nang tuluyan na siyang makalapit kay Graziella.

Ramdam niya ang pagkabigla nito nang bahagya siya nitong itulak palayo sa katawan nito. Ngunit mahigpit ang kanyang pagkakayakap rito. Kasunod niyon ay ang pagkabigla nito sa kanyang ginawa---ang pag-angkin sa labi nito nang walang paalam.

HINDI nakagalaw sa kanyang kinatatayuan si Graziella dahil sa pagkabigla nang angkinin ni Brad ang kanyang labi.

Tila tumigil ang inog ng mundo at sandali siyang nawala sa kanyang katinuan. Nalilito siya sa kanyang gagawin. Kaya hindi niya namalayang kusa na palang gumalaw ang kanyang labi para gantihan ang pag angkin nito sa kanyang labi.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng kamay nito sa kanyang likod at agad na ipinulupot ang braso nito sa kanyang baywang at mas lalo pang inilapit ang katawan niya sa katawan nito.

'Tsaka pa siya napapitlag at pilit na inilayo ang sarili mula sa binata nang marahan nitong kagatin ang kanyang labi. Ngunit mahigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sa baywang niya kaya hindi siya nakawala sa matipunong braso nito.

"B-Brad..." mahinang sambit niya nang sandali nitong pakawalan ang kanyang labi para makasagap ng hangin.

Pakiramdam kasi niya ay kinapos siya ng hininga dahil sa tila uhaw na pag-angkin nito sa labi niya.

Napayuko pa siya dahil nag-iinit ang kanyang mukha at hindi niya kayang salubongin ang mata nito.

Ano na lang ang iisipin nito gayong gumanti siya ng halik dito?

"Zielle..." paos ang tinig na bulong ni Brad sa kanya na muling hinapit ang kanyang baywang padikit sa katawan nito nang bahagya niya iyong ilayo.

Umakyat ang isang kamay nito sa kanyang pisngi at marahang hinaplos iyon. Samantalang ang isa ay nanatiling nakayakap sa kanyang baywang.

"B-Brad, what are you doing?"

"Honey, I'm sorry. But I can't take this anymore. I miss you," wika nito at muling inangkin ang kanyang labi habang yakap-yakap pa rin ng braso nito ang maliit niyang baywang.

Hindi niya ipinagkaila sa kanyang sarili na nakaramdam siya ng kasayahan nang marinig ang sinabi nito kaya't napayakap siya rito ng mahigpit at hinayaan niya ang sariling gantihan ng mapusok na halik ang kapangahasahan nito. Na tila ba sa ganoong paraan ay maiparamdam niya sa binata na ganoon rin siya rito.

Ilang minuto silang nasa ganoong ayos at hinayaan na lamang nila na ang mga labi nila ang mag-usap at kusang nagkaunawaan ang kanilang sarili sa kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Hindi pa sana nagkahiwalay ang kanilang labi kung hindi pa sila muling kinapos ng hininga.

"Brad," habol ang hiningang sambit niya nang muli na naman nitong inangkin ang kanyang labi na tila natatakot itong mawala siya. Kaya't hinayaan na lamang niya ito at muling naghinang ang kanilang mga labi na sabik sa isa't isa.

Bigla silang naghiwalay nang marinig ang malakas na busina ng isang bus na paparating. Mahinang napatawa si Brad habang siya naman ay napa-kagat labi't napayuko. Saka lang siya nag angat ng tingin nang hinawakan ni Brad ang kanyang kamay at hinila patungo sa kotse nito 'tsaka pinasakay.

"Brad..." mahinang sambit niya nang makaupo sa kotse nito. "May-,"

"Sshhh..." pigil nito sa sasabihin pa sana niya at muling inangkin ang kanyang labi na hindi naman niya tinanggihan.

Bakit pa siya tatanggi kung pareho lang sila ng nararamdaman? Iisa lang naman ang ibig sabihin nang ginagawa nito sa kanya. Na mahal din siya ni Brad kahit hindi pa nito sinasabi iyon. Ika nga, action speak louder than words.

Ilang sandali pa ang halikang nagaganap sa loob kotse ni Brad nang pakawalan nito ang kanyang labi.

"Honey, I'm sorry kung masyado akong mabilis. Pero, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hindi ko na kasi kayang umiwas sa'yo. Hindi ko na kayang tingnan ka mula sa malayo 'cause god knows how much I tried, na huwag kang lapitan. But, I can't...and I failed.Sinunod ko naman ang gusto mong layuan kita at kalimutan ka. Pero hindi ko talaga kaya," mahabang wika ni Brad na hinawakan ang kanyang kamay at marahang hinalikan iyon. "Zielle, I love you. Maniwala ka man at sa hindi, pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko para hindi ka mawala sa aking paningin. Zielle, please, bigyan mo naman ako ng chance para patunayan ko sa'yo na totoo ang sinasabi ko. Na seryoso ako sa'yo at handa akong patunayan iyon. Graziella, honey, please..." dagdag pa nitong tila nagsusumamo sa kanya.

Napaawang ang kanyang labi sa kumpisal nito. "Brad..." sambit niyang napailing nang walang katagang lumabas sa kanyang labi.

Tama ba ang narinig niya? Na mahal siya ng binata? O nanaginip lamang siya? Mulisiyang napailing.

"Zielle, honey, please. Give me a chance to show you how much I love you, please?"

"Brad.. I don't know what to say," mayamaya'y wika niya sabay tulo ng kanyang luha at siya na ang kusang yumakap sa binata.

Walang kasing-higpit ang yakap na ibinigay niya rito. Na tila ba sa ganoong paraan ay masagot niya si Brad kung gaano rin niya ito kamahal.

At naramdaman na lamang niya na gumanti rin ito ng mahigpit na yakap sa kanya. Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Staring at her with full of love on his eyes.

"Zielle, please say you love me."

"Brad, I don't know how it happens, and how it started. But since you left me, I realized how much I missed you. How much I wanted to see you, to embrace you, and to kiss you again. 'Cause I found out, that I already loved you," naluluhang wika ni Graziella sabay yakap muli sa binata.

"Wait, you mean...mahal mo rin ako?" hinawakan siya ni Brad sa kanyang magkabilang pisngi na halata sa mukha ang kasiyahan nang marinig ang kanyang sinabi.

"Yes, I love you. I love you so much, Mr. Brandon Berge Ferrer," masayang tugon niya nang muling inangkin ni Brad ang kanyang labi dahil sa sobrang kaligayahan.

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon