Chapter 5

10.6K 182 3
                                    

Sampal vs. Halik?

By: CatchMe

Chapter Five

NANLAKI ang mga mata ni Graziella nang hablutin ni Brad ang hawak niyang folder. Kinakabahan siya na mabilis binawi iyon na ikinabigla rin ng binata.

"Pwede bang huwag mong pakialaman ang questioner ko? Sinusunod ko lang ang nakasulat dito. Kaya sagutin mo na lang ang mga tanong ko!" paasik na wika niya na hindi ipinahalata na kinakabahan siya.

"Okay, so can we proceed to the next question?" si Brad na tila na-aamuse sa kanya.

Napatikhim muna siya at tumingin sa kanyang sinusulat. "Describe your self in one sentence.

"I'm loving, loyal, and honest person."

Napataas ang kanyang kilay sa sagot nito. "Really?"

"Of course! What do you think of me-,"

"Nevermind!" putol niya sa sasabihin pa sana nito."Describe your daily routine."

"I don't want to share my daily routine with everyone 'cause that was my personal life and I'll keep it as my privacy."

Lihim siyang napataas ng kilay sa sagot nito. Kaya muli siyang humirit ng tanong. "What are some words or phrases you use most?"

"Nothing!"

"Alam mo, ikaw?" turo niya kay Brad. "Nahahalata na kita na ayaw mo sagutin ang mga tanong ko."

"Of course not! Tama naman ang sagot ko ah? 'Tsaka totoo ang lahat ng mga iyon."

"Totoo..." hindi naniniwalang ulit ni Graziella sa sinabi nito. "How about your favorite color?"

"I like red and white," sagot nito. "By the way, I think alam ko rin kung ano ang favorite color mo."

"Ano?" curious naman na tanong niya.

"White," nakangiting sagot nito na nakatingin sa suot niyang white satin sleeve less blouse na merong tatlong butones.

"How did you know that?"

"Cause you're always wearing a white clothes. And you know what is the meaning of white?"

"A-Ano?" napakunot noo siya nang mapansin ang mapaglarong ngiti nito sa labi.

"Purity. And I'm sure, your still a virgin," kapangisi na sagot ni Brad.

"Bastos!" malakas na nasampal niya ang mukha ng binatang nabigla. "Kahit kailan napakarumi talaga ng utak mo!" aniya nang makita ang pagdilim ng mukha nito. Bigla niyang naalala ang huling eksenang pananampal niya rito kaya sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib.

Wala sa sariling napatayo si Graziella at akma na sanang humakbang palabas ng restaurant para makaiwas sa maaring gawin sa kanya ng binata ngunit mabilis siyang napigilan ni Brad sa kanang braso.

"Why in a hurry, huh?"

Napatingin siya sa paligid at napahiya na muling napa-upo nang makitang nakatingin sa kanila ang mga customer na naroon sa coffee shop.

Matalim niyang tinapunan ng tingin ang binatang madilim pa rin ang mukha.

"Just go, on. At mamaya ko na sisingilin ang pananampal mo sa akin," dagdag pa nitong mas lalong nagpaliit ng kanyang mata. Napilitan man ay muli niyang binuksan ang kanyang folder at ipinagpatuloy ang tanong.

"What is your favorite music?"

"Lahat ng kanta ni Enrique Iglesias."

(Note: Dear Children, akalain niyo, pati si Brad Ferrer, eh, adik din sa mister kong si Enrique, hahaha! -CatchMe)

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon