Sampal vs. Halik?
By: CatchMe
Chapter 6
GULAT AT PAGKABIGLA ang bumalatay sa gwapong mukha ni Brad nang mahulog si Graziella sa swimming pool. Kasunod niyon ay ang pagkaramdam niya ng pagkabahala at kaba para sa dalaga.
Nang dahil kasi sa galit niya rito ay hindi rin niya napansin na wala na palang maa-atrasan pa ang dalaga. Gusto sana niyang hilahin ito para hindi ito mahulog ngunit bag lang nito ang kanyang nahawakan at si Graziella naman ay tuloy-tuloy na bumagsak sa swimming pool.
"Hey! Are you okay?" nag alalang tanong niyanang muli itong lumubog sa tubig na tila nahihirapan. Kaya hindi na siya nag aksaya pa ng segundo. Agad siyang tumalon sa tubig para sagipin si Graziella. Iniyakap niya ang kanyang braso sa baywang nito at hinila ito palapit sa gilid ng pool. "Okay ka lang ba?"
Napakapit ito sa kanya nang pihitin niya ito paharap at nakita niya sa mukha nito ang takot. Sunod-sunod pa rin ang pagsagap nito ng hangin para makahinga at nanginginig pa.
"I'm sorry, I did'nt meant it. C'mon,"aniyang hinila ito at tinulungang makaahon.
Nakaramdam pa siya ng pagkailang nang masilayan ang malusog na dibdib nito na bumakat sa nabasang suot nito. "Damn," mahinang mura niya na inilapit ang dalaga sa kanyang katawan para itago ang katawan nito mula sa maraming mga matang nakatunghay sa kanila.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang agad silang sinalubong ng life guard na naka-assign sa swimming pool at binigyan ng dalawang malaking towel na puti. Agad niyang ibinalabal ang isang towel sa katawan ni Graziella. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Gusto mong dalhin kita sa clinic?"
Napailing lamang ito habang habol pa rin ang paghinga. "I-I can't breathe," nahihirapan na wika nitong napahawak sa puso.
"Shit! C'mon, dadalhin na kita sa hospital,"nagpapanic nang wika niya na akmang buhatin ang dalaga. Ngunit pinigilan siya nito at hinanap ang dalang bag nito.
Agad naman niyang kinuha ang bag ni Graziella n anasa gilid ng pool at ibinigay rito. Pinaupo niya ito sa isa sa mga upuan habang may kinuha naman itong inhaler sa bag nito. Agad nitong dinala sa labi nito ang inhaler at huminga ng malalim. Pagkalilipas ng sampung segundo ay napabuga ito ng hangin at napapikit ng mata.
"Sir, gusto niyo ba'ng dalhin na lang natin sa clinic ang kasama niyo?" wika ng lifeguard na rumisponde sa kanila.
Binalingan niya si Graziella at tinanong kung gusto nitong dalhin sa clinic ng hotel pero umiling ito at sinabing okay lang ito. "Sigurado ka ba na okay ka lang?"
"O-Oo."
Sandali niyang kinausap ang lifeguard bago humarap muli kay Graziella. "C'mon, kailangan mo munang magpalit ng tuyong damit. Baka kung mapaano ka pa sa basang damit na suot mo," aya niya na inalalayan patayo si Graziella. Hindi naman ito nag reklamo at agad na sumunod sa kanya.
NAGTATAKA si Graziella nang pumasok sila sa isang room ng hotel. Sumalubong sa kanya ang malamig na temperaturang nanggaling sa nakabukas na aircon. Agad namang pinatay ni Brad iyon nang mapansin nito ang paghigpit nang hawak niya sa towel na nakabalabal sa katawan niya at iginaya siya nito patungo sa banyo.
"Maligo ka muna. Kukuha lang ako ng maisusuot mong damit," anito. Siniguro muna nito kung talagang okay na siya bago nito isinara ang banyo at naiwan naman siya sa loob.
Pagkalipas ng sampung minuto ay narinig niya ang boses ni Brad sa labas at ang mahinang pagkatok nito sa pinto.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at may iniabot ito sa kanya na bagong damit. Tinanggap niya iyon at muling isinara ang pinto. Agad naman siyang nagpunas ng katawan at isinuot iyon.
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
RomanceGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...