Sampal vs. Halik?
By: CatchMe
Chapter 11
"OH GRAZ, mukhang inaantok ka pa ah?"Salubong ng mga kasamahan sa trabaho ni Graziella nang pumasok siya sa opisina.
Well, tama ngang inaantok pa siya. Dahil napuyat siya sa kakaisip sa mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng binatang si Brandon. Kung bakit kasi ayaw mawala sa kanyang isipan ang muntikan ng mangyari sa kanilang dalawa. Dahilan nang pagkapagod ng kanyang utak sa kakaisip rito.
Napailing na lamang siyang ngumiti sa mga kasamahan. "Napuyat kasi ako."
"Halata nga, eh. Kasi nauna pang dumating ang fiancé mo rito, kaysa sa'yo." Si Friah na biglang sumulpot sa kanyang likod. Naglalaro sa labi nito ang mapanuksong ngiti.
"Fiancé? Sinong fiancé? Boyfriend nga wala ako, fiancé pa kaya?"
"Hush! Napakadenial mo talaga. Ito, ano 'to?"mahinang hampas nito sa kanya ng hawak na tabloid.
"Bakit? Ano naman 'to?" nagtatakang kinuha niya ang tabloid. "What!" napabulalas siya nang makita ang sarili sa tabloid kasama ang binatang si Brad na nakapulupot ang braso sa kanyang baywang. Kausap nila ang mag asawang Chan na nakangiti ang mga mukha sa litrato. "No! Hindi totoo ito," pailing na sambit niyang tumingin sa kaibigang si Friah.
"Anong hindi? Eh mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang ebidensya na may relasyon nga kayo ni Mr. Ferrer," sagot ni Friah na kinuha muli ang tabloid mula sa kanya at binasa. "Brandon Berge Ferrer, one of the famous member of The Rose Emperor's revailed his fiancée during the 'Bal des Rosas'event," basa nito sa nakasulat sa tabloid. "Oh see?" nakangiti pa'ng kinurot siya sa tagiliran. "Kung ako sa'yo, pumasok ka na sa opisina ni Ms. J., at kanina pa naghihintay ang fiancé mo sa loob," dagdag pa nito.
"Teka nga lang. Ang ibig mo'ng sabihin nasa loob si Brad?"
"Yup! Kaya bilisan mo riyan at baka naiinip na 'yun," sagot nito na mahina siyang kinurot sa tagiliran bago tinalikuran.
KINAKABAHANG kumatok si Graziella sa opisina ng kanilang boss na si Ms. J. Nang marinig ang boses nitong pinapapasok siya ay pinihit na niya pabukas ang pinto.
At mas lalong dumoble ang nararamdaman niyang kaba nang magtama ang paningin nila ni Brad na agad tumayo at lumapit sa kanya nang makita siya.
"Oh, Graz. 'Buti at nakarating ka na."
Sasagot pa sana siya sa kanyang boss nang bigla siyang gawaran ng halik ni Brad sa labi na ikinatigagal niya.
"What are you doing?"
"Naku, Graz. Okay lang 'yan. Hindi mo na kailangang itago pa ang relasyon niyo ni Mr. Ferrer. Naexplain na niya sa akin kung bakit niyo inilihim ang inyong relasyon," nakangiting agaw ni Ms. J.
"Ha? Ahm..." namumula ang mukha at hindi niya alam ang sasabihin sa kanyang boss. Lalo na't nalilito pa siya at kinakabahan sa anumang pinagsasabi ni Brad sa boss niya. Lihim niyang matalim na tiningnan ang binata bago binalingan ang nakangiti niyang boss. "Pasinsya na po, Ma'am. Pero-,"
"No, you don't have to explain, Graz. That's your personal life at 'pwede mong gawin ang anumang gusto mo. We don't have a right para paghimasokan ang inyong relasyon. As what I've said, Mr. Ferrer already explained everything." agaw ni Ms. J. nang magpaliwanag pa sana siya. "Anyway, salamat nga pala sa pagsagot sa questioner Mr. Ferrer at sa paghatid mo rito sa office. This will be a big help for our magazine."
Nagtataka man sa ibig sabihin ng kanyang boss ay napalingon siya sa nakangiting si Brad. Paanong inihatid nito ang nasagutang questioner? Eh nasa kanya ang ginawa niyang interview sa binata? "Ma'am, anong questioner? I mean, nasa akin pa po ang ginawa kong interview kay Mr. Ferrer," nagugulohang sabat niya.
"Ha? Hindi ba ito 'yung questioner na ginawa ni Cattleya? 'Tsaka may sagot na lahat nang ibinigay ni Mr. Ferrer ito," abot nito ng folder sa kanya.
Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa pagkapahiya nang makitang may mga sagot nga ang questioner na nasa folder. At malayong malayo ang mga katanungang nakasulat sa questioner kaysa sa mga katanungang ibigay niya kay Brad ng kanyang interview-hin ito.
"Ahm...honey, naiwan mo kasi itong folder mo sa kotse. Tinawagan nga kita pero naka-off ang cell phone mo. Kaya inihatid ko na lamang dito sa office niyo para hindi ka na mahirapan pa," agaw naman ni Brad.
"Ha? G-ganoon ba," sagot niyang napangiwi. Sinakyan na lamang niya ang drama nito, kaysa sa mas lalo siyang mapahiya.
"Anyway Graz, samahan mo na lang si Mr. Ferrer sa studio. Ngayon na rin natin gagawin ang photo shoot niya para sa cover ng next issue ng magazine natin," wika muli ni Ms. J. "Mr. Ferrer, si Graziella na muna ang bahala sa'yo. Siya na rin ang kukuha ng mga larawan mo sa studio. Then after the photo shoot ay 'pwede mo na siyang isama," baling naman nito sa binata.
"Po?" nagsalubong ang kanyang mga kilay na humarap sa kanyang boss.
Isasama? Saan? Ano bang pinagsasabi ng boss niya?
"Ipinag paalam na kita para kumain sa labas. 'Di ba may foursome date tayo with Mr. Chan?" agaw ni Brad na matamis ang ngiting inakbayan siya.
"Naku Ma'am, pasinsya na po talaga. Pabigla-bigla naman itong..." tiningnan muna niya ang binatang nakangiti sa kanya bago itinuloy ang sasabihin. "...fiancé ko," nag-iinit ang mukha na pagpatuloy niya.
"Ano ka ba Graz, huwag mo nang intindihin 'yun,"natatawang sagot ni Ms. J.
"Sige po, Ma'am, sa studio na po muna kami," paalam niya sa kanyang boss at hinila si Brad sa kamay palabas.
Ngunit mas lalong namula ang kanyang mukha nang paglabas nila ay sa kanila nakatutok ang mga mata ng karamihan sa kanyang mga katrabaho.
"Hello, everybody!" bati naman ni Brad na malawak pa rin ang ngiti sa labi.
Natahimik lamang itonang tapunan niya ito ng matalim na tingin at muling hinila sa kamay papunta sa studio kung saan gagawin ang photo shoot nito.
"Ano bang ginagawa mo rito? At anong pinagsasabi mo sa boss ko? My god Brad! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!" sunod sunod na tanong niya nang maisara ang pinto sa studio.
"Nothing. Inihatid ko lang ang questioner na ibinigay sa akin ng staff ng hotel. Then tinanong ako ni Ms. J. kung totoo ang kumakalat na rumors dahil tayo ang laman ng tabloids. Hindi ko naman 'pwedeng sabihin na hindi dahil nakacapslock ang pagkaka-sulat sa tabloid na fiancée kita. Kaya sinabi ko na lang na totoo ngang fiancée kita para wala ng issue. So 'yun, tumahimik at hindi na nagtanong ulit 'tsaka ka naman dumating," mahabang paliwanag ni Brad.
Mariing napapikit ang dalagang napahawak sa noo.
Damn! So alam na pala nito na gawa-gawa ko lamang yung questioner nung interview-hin ko siya?
Sambit ng kanyang utak. Inis na lamang niyang tinalikuran ito para itago ang pagkapahiya. "Tara! Maupo ka na roon para makunan na kita ng litrato," turo niya sa hindi kataasang silya na nasa harap ng camera.
"Ganyan ka ba kuma-usap sa guest ninyo? How sweet and accommodating you are, huh?" asar nitong sagot ngunit sumunod naman sa utos niya.
"Teka, magpalit ka muna ng damit. Kailangang naka business suit ka. Then formal attire at casual," pagkuwa'y pigil niya rito na hindi pinansin ang sinabi nito 'tsaka tinungo ang isang maliit na kwarto. Kung saan meron silang iba't ibang klase ng damit na ginagamit tuwing may photo shoot na gagawin sa kanilang model na ife-feature sa magazine.
"Okay na ba ito?" si Brad na lumabas ng kwarto. Suot ang pares ng amerikanang ibinigay niya.
Lihim naman siyang humanga at titig na titig sa binata. 'Tsaka pa niya mabilis na inalis ang paningin dito nang mapansin niya ang kakaibang ngiti nito sa kanya. "Ahm, okay na 'yan," iwas niyang tumalikod at inihanda ang camera.
Inaayos niya ang lens habang si Brad naman ay nakaupo na sa mataas na stool. Nang humanda na siya at itinutok na ang camera rito ay napansin niyang hindi maayos ang necktie nito. Kaya nilapitan niya ito at kusang inayos iyon.
"Brad?" nagtatakang napatingin siya sa mukha nito nang pigilan nito ang kanyang kamay.
"Zielle..." paos ang tinig na sambit nito habang nakatitig sa kanya at nagulat na lamang siya nang mabilis na inangkin nito ang labi niya.
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
RomanceGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...