Sampal vs. Halik?
By: CatchMe
Chapter 7
Note:
Hindi ko alam kung bakit putol ito. Alam ko hindi ito ang simula ng chapter na ito..pero di ko makita ang karugtong ng naputol na halik nina Brad at Grasa sa drafts ko kung saan ay hinatid pa ni Brad si Grasya... hahaha! Pero okay lang yon, at dito na lang tayo magsimula hahaha!
QUARTER to eight na nang dumating sina Graziella at Friah sa Palazzo Contreras.
She was wearing a black satin dress that hugged her perfect body. Haltered strap iyon at medyo mababa ang neckline, exposing her proud cleavage.
It was a seductive dress, yes, pero hindi naman iyon bastusin. Her sexy feet was wearing a silver stilettos, it was accentuated along with one of her shapely legs through a teasing slit on the left side of her knee-length dress.
Meron din siyang maliit na bag na tanging maliit niyang digital camera lamang ang laman niyon na siyang gagamitin niya para kumuha ng litrato sa lahat ng mga emperors na dadalo sa event na iyon.
"Tara na," anyaya ni Friah.
Agad naman na sumunod si Graziella sa kaibigang si Friah. Sumabay sila sa mga besitang papasok ng hotel. Sumalubong sa kanila ang napakalaking ice sculpture sa lobby ng hotel, na may isang babaeng tila diyosang nakaupo sa gitna ng napakaraming bulaklak. May hawak itong rosas sa kamay. Napa-wow sila sa malaking ice sculpture.
Kaya kinuha niya ang dalang digital camera sa kanyang bag at kinunan iyon ng larawan. Sa likuran ng iskulturang yari sa yelo ay ang engrandeng marble staircase ng hotel.
Muli silang napa-wow nang masilayan ang chandelier na nakasabit sa itaas ng grand staircase. Maging sa animo'y prosisyon ng mga tao, ang mga babaeng nakasuot lahat ng mamahaling gowns, at mga nakaka-mulagat ng mata sa kinang na mga alahas na suot ng mga ito ay halatang mula lahat sa alta-sosyedad. Habang ang mga lalaki naman ay mga makikisig sa suot nilang tuxedos.
"Graz, nakita mo iyun?" turo ni Friah sa mga nag uumpukang mga binata. "Sila 'yung mga members ng 'The Rose Emperors'," kinikilig na bulong ni Friah.
Lihim naman siyang napasinghap dahil sa kakisigan ng mga ito. Lahat ay puro mga gwapo. Wala kang mapagpipilian sa mga nag uumpukang mga binata. Ito na yata ang tinatawag nilang 'It's raining men' napangiti sa sariling naisip si Graziella.
Lumapit na sila sa head butler ng party na naka-pwesto sa tuktok ng hagdanan, sa may gawing entrance ng grand hall. Sinabi ni Friah ang kanilang pangalan sa head butler na siyang nag a-announce ng mga pangalan ng bisita sa buong grand hall.
Pagkatapos tawagin ang kanilang pangalan ay sabay silang humakbang ng kaibigan sa hagdan. Nakaramdam pa siya ng kaba nang sinundan sila ng tingin ng mga bisita.
Lalong lalo na ng mga makikisig na kalalakihan na myembro raw umano ng 'The Rose Emperors'. Feeling niya tuloy ay kasing-ganda na niya si Cinderella dahil sa pag agaw nila ng atensyon ng mga panauhin. Lumapit sila sa bakanteng mesa na naka-pwesto sa likuran.
"SHIT!" muling napamura si Brad ng ilang beses na niyang tawagan si Graziella ay out of coverage pa rin ang cell phone nito. Sinubukan ulit niyang tawagan at akmang idayal ang number nito nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid niyang si Colby.
"Where the hell are you?" bungad nito nang sagutin niya ang kanyang cell phone.
"I'm coming," tanging nasagot niya sa naiiritang boses ng kanyang kapatid at agad na ini-off ang cell phone.
Tiningnan niya ang kanyang orasang pambisig. Quarter to nine na at nasa Golden Crown Hotel pa rin siya na pag aari ng pinsan nilang si Carmilo.
Inuubos talaga ng babaeng 'yun ang pasinsya ko! Pagsisihan mo ang ginawa mong ito, Graziella!
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
RomanceGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...