Sampal vs. Halik?
By: CatchMe
Chapter 8
"MR. CHAN, how are you? Nice to see you here,"nakangiting bati ni Brad nang makalapit na silang dalawa sa mag-asawang Chan. Kausap ng mga ito ang iba pa'ng mga kilalang business tycoon sa bansa.
Nakaramdam tuloy ng pagkailang si Graziella sa kanilang kaharap lalo pa't naalala niya ang ginawa niyang pananampal sa binata sa harap ng mga ito noon. Lumakas lang ang kanyang loob nang marahang pinisil ni Brad ang kanyang palad bago siya nito binitiwan at nakipag-kamay sa mag-asawang intsik.
"By the way, meet my fianceé, Graziella Arnaiz." pakilala nito sa kanya. "Honey, they are Mr. and Mrs. Chan," baling din nito sa kanya.
"Hi, I'm glad to meet you Sir, Ma'am." nakipag-kamay siya sa mag asawa.
"Nice to meet you, too," nakangiti naman na sagot ni Mr. Chan. Malugod ding nakipag-kamay ang misis nito sa kanya. Nagulat pa siya nang humalik ito sa kanyang pisngi.
"You're so pretty, Ms. Arnaiz. And you know what? I've seen my daughter in you, sambit pa nito. "You look a like of her, right hon?" baling pa nito sa asawang si Mr. Chan.
"Yeah," nakangiting sang-ayon din nito sa asawa. "When I saw you in the restaurant of that hotel five days ago, I though you're my daughter," ani pa nitong napa-iling habang nakangiti sa kanila.
Bigla siyang namula nang maalala ang kanyang ginawa noon at ngumiti na lamang siya para itago ang hiyang naramdaman.
"Thank you for the compliments Sir, Ma'am. You too. I mean, both of you are so perfect. A handsome and a beautiful, gorgeous, and elegant woman. I'm sure that your daughter is beautiful as you Ma'am," sincere na puri ni Graziella. "And I'm glad as what you have said, that I'm looked a like her. 'Cause it means, I'm beautiful too, like you," biro pa niya sa asawa nitong si Mrs. Chan at natawa naman ang mga ito sa kanyang biro.
TUMAWA rin si Brad sa sinabi ni Graziella. Alam niyang joke lamang ang sinabi nito. Pero kahit hindi pa idaan ng dalaga sa isang joke ang salitang maganda itoay totoo namang napakaganda nga nito. Lalo na sa suot nito ngayon.
Hindi niya inakalang ganito kaganda ang dalaga pag naayusan. Nang makita niya ito kanina ay hindi niya napigilan ang sariling inspeksyunin ang kabuo-an nito mula ulo hanggang paa. Napahinto pa ang kanyang paningin sa naka-expose na clevage nito. At hindi niya napigilang mapalunok ng laway.
Nakaramdam tuloy siya ng pagnanasang damhin ang bahaging iyon. God! Kung alam lang nito kung paano niya kontrolin ang sarili kanina na huwag itong yakapin at hilahin palabas ng event hall.
Napailing na ibinalik ni Brad ang pansin sa dalaga na ngayon ay magiliw na kinakausap ni Mrs. Chan.
"Oh anyway, why don't we have a lunch together tomorrow? A foursome date with the special woman in our life." si Mr. Chan na humarap sa kanya.
"That would be great. What do you think, hon?"baling naman niya kay Graziella sabay pulupot ngkanyang braso sa maliit na baywang nito.
"Y-yeah, sure. Why not?" sang-ayon naman nito.
Marami pa silang pinag usapan kasama ang mag-asawang Chan. Ilang sandali pa ay nag excuse ang mga ito sa kanila nang may lumapit at kuma-usap sa mga ito na iba pang kilalang tao sa mundo ng pagnenegosyo.
NAPABUGA ng hangin si Graziella nang makatalikod na sila sa mag-asawang Chan. Agad niyang inalis ang braso ni Brad na kanina pa naka pulupot sa kanyang baywang. At kanina pa siya tila naku-kuryente dahil sa braso nitong nakadikit sa kanya. Ngunit mahigpit nitong iniyakap pa ang braso sa kanyang baywang.
"Why?" napakunot noo ito.
"Anong why, why ka riyan?" mahinang singhal niya. "'Pwede mo nang alisin ang kamay mo sa katawan ko dahil hindi na natin kaharap ang kliyente mo. Kung maka-pulupot 'yang kamay mo ay daig mo pa ang sawa."
"Part pa rin ito ng ating deal."
"Hey Graz, kanina pa kita hinahanap."
Kapwa sila napalingon sa kaibigan niyang si Friah na natigilan at nagtataka. Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Brad na nakapulupot sa kanyang baywang. Pilit niyang inalis iyon na napilitan ring bitiwan ng binata nang tingnan niya ito ng masama.
"Hello, Mr. Ferrer." si Friah na makahulugang ngumiti sa kanya. "I'm Friah Cipriano," pakilala pa nito sa sarili.
"Hi, nice to meet you," nakangiti naman na nakipag-kamay ang binata rito.
"Can I talk to her for a while?" turo nito sa kanya.
"Yeah, sure," sagot naman nitong bumaling sa kanya. "Just for five minutes. Bumalik ka kaagad sa tabi ko" bulong pa nito sa kanya.
"Five minutes lang? 'Di ka rin demanding ano?
"Deal is a deal," anito bago siya tinalikuran. Inis namang sinundan niya ito ng tingin. 'Tsaka pa niya pinansin ang kaibigan niyang si Friah nang hilahin siya nito papunta sa likuran.
"May relasyon ba kayo ni Brad?"
"Ano? Kami? May relasyon? Hindi ah!" mabilis na sagot.
"Denial ka talaga, Graz. Halos naka-yakap na nga siya sa'yo, tapos sasabihin mong wala kayong relasyon? Ikaw Graz, ha. May inililihim ka sa amin."
"Of course not! Wala talaga kaming relasyon."
"E, ano ang ibig sabihin ng yakapan portion na nakikita ko aber?"
"Basta, mahabang kwento kung bakit siya nakayakap sa akin," ani na lamang niya.
"'Di nga? Denial ka pa, eh."
"I swear, wala kaming relasyon."
"Ows? Huwag mo ng ideny, lalabas din ang katotohan," muling wika ni Friah. "At in fairness, ang sosyal mo Graz ha? Si Brad pa ang nabingwit mo. Magiging Rose Empress ka na yata niyan ah," kinikilig na dagdag nito.
"Anong Rose Empress ka riyan?"nagugulohang sagot niya.
"If ever na kayo ang magkakatuluyan ni Brad. Natural lang na magiging Rose Empress ka, dahil member ng 'The Rose Emperors' si Brad. Kaya huwag ka ng denial. Be proud of it girl!"
"Ano? Teka, teka lang. You mean, isa sa mga member ng 'The Rose Emperors' si Brandon Berge Ferrer?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi na rin nagawang makasagot ng kanyang kaibigan sa kanyang tanong nang muling lumapit si Brad sa kanila at hinila na siya nito. "Hey! Ano ba? May kausap pa ako!" piksi niya.
"Your five minutes is up."
"Wala akong pakialam kung tapos na ang limang minuto mo. Nandito ako, hindi dahil sa'yo. Kundi nandito ako dahil parte ito ng trabaho ko. So please, let me go. Kailangan ko pang gampanan ang trabaho ko."pagtataray pa ni Graziella.
Tiningnan siya ng binata bago binalingan ang kanyang kaibigang si Friah na hindi makapaniwalang sinagot sagot niya ang binata. "Are you a columnist?"
"Yes, Mr. Ferrer," napayukong sagot ni Friah.
"Columnist din naman pala siya eh. Hindi mo naman kailangan interview-hin ang mga bisita rito ng paisa-isa," muling baling nito sa kanya.
"I'm not a columnist, siya lang ang columnist sa aming dalawa." Pagtatama niya.
"Hindi ka columnist? Ano ka? Paparazzi?"
"Nagpapatawa ka ba? It's not funny."
"Ahm, she's our photographer," singit ni Friah.
Nagsalubong ang mga kilay na muli siyang tinitigan ni Brad. Sinipat nito muli ang kanyang kasuotan at pinadaanan ng tingin ang kanyang cleavage. "Ganito na pala ngayon ang outfit ng mga photographer?"
Mas lalong nainis si Graziella sa tinuran nito. "Natural! Dahil malaking event ito at required ang formal attire. Alangan namang magsusuot ako ng bikini papunta rito!" Napupuno nang sagot niya sa binata at tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Sampal vs Halik? (Complete)
RomanceGraziella, isang palaban. Ayaw na ayaw niyang inaalipusta. Minamaliit, at inaapakan. Hanggang kaya niya ay lalaban siya. Lalong lalo na para sa mga taong mahal niya. Kaya ng makilala niya ang mala Adonis na Adan na si Brandon, na siyang matalik na k...