Chapter 10

11.6K 279 8
                                    

Sampal vs. Halik?

By: CatchMe

Chapter 10

MABILIS na pumaibabaw si Brad sa katawan ni Graziela nang matumba ito sa kama. Agad niyang inangkin ang labi nito na kanina pa nagpapabaliw sa kanya. She's trying to push him, pero mas lalo lang niyang idiniin ang kanyang katawan sa malambot na katawan nito.

At lalong sumidhi ang nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga ng dumaiti ang malusog na dibdib nito sa kanya.

Mababaliw na yata siya sa kagandahan ng alindog ni Graziella na nasa kanyang harapan. Agad niyang ipinasok ang sariling dila sa labi nito nang akmang sisigaw ito.

Ginalugad niya iyon na tila ba may hinahanap siya na kung ano. Nang magsawa ay gumalaw muli ang kanyang labi pababa sa leeg nito.

Amoy na amoy niya ang mabangong leeg ni Graziella na nagpapatakam sa kanya. Hindi na yata niya kaya pang kontrolin ang sarili.

Gustong gusto na talaga niyang angkinin ito ngayon din. At nang maramdaman niya na hindi na lumalaban ang dalaga ay bumaba ang kanyang kamay sa dibdib nito.

Dinama niya iyon na tila ba ngayon lang siya nakakahawak sa bagay na 'yun. Ilang sandali niyang pinagsawa ang sarili at muling umakyat ang kanyang labi pabalik sa labi nito at muling inangkin iyon.

Pinaliguan niya rin ng halik ang mukha ng dalaga. Ngunit bigla siyang natigilan nang malasahan ang maalat na likidong lumandas sa pisngi nito.

Kasabay niyon ay ang mahinang paghikbi ni Graziella. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at biglang nahimasmasan sa pagnanasang kanyang naramdaman para rito.

"Shit! Dammit!" napamura siya at napaupo sa kama mula sa pagkakadagan kay Graziella.

Napasuntok pa siya sa malambot na kama para doon ibunton ang galit na nararamdaman niya. Galit, hindi para sa dalaga, kundi galit para sa sarili niya.

Habang ang dalaga ay yakap ang sariling nakahiga pa rin sa kama. Patuloy lamang sa mahinang pag iyak.

"I'm sorry, Zielle. I'm really sorry." bakas sa mukha ang pagsisi na hinarap niya si Graziella.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at tinulungang makaupo. Agad niya itong niyakap habang paulit-ulit na humingi ng sorry.

Napahagulgol naman si Graziella habang yakap-yakap niya ito. Ilang sandali pa ay tumahan na rin ito habang yakap niya at masuyong hinahagod sa likod. Kumalas ito mula sa pagkakayakap niya at napayuko.

"G-gusto ko ng umuwi, Brad," sabi nitong hindi tumingin sa kanya.

"Zielle, I'm really sorry...I did'nt meant it, I swear, nabigla lang ako. I mean..." napabuntong hininga siya na hindi itinuloy ang sasabihin pa sana sa dalaga.

Ano ba ang dapat niyang sabihin? Na nasakop lamang ng pagnanasa ang kanyang kaisipan kaya nagawa niya iyon?

He shook his head and took a deep breathe.

Muli niyang nilingon ang nakayukong si Graziella. Hinawakan niya ito sa mukha at iniharap sa kanya.

"Zielle, please forgive me. I did'nt meant it, I swear. Nadala lang ako sa nararamdaman ko para sa'yo. I don't know, but I think..." nahihirapang wika niya na tinitigan ang dalaga sa mata. "I think...I like you,"patuloy niya at binuntotan pa ng malalim na buntong hininga.

"BRAD..." mahinang sambit ni Graziella. Totoo ba ang naririnig niya mula sa labi ni Brad? Na gusto siya nito?

No. He's lying!

Napailing siyang hindi makaharap ng diretso. "Gusto ko ng umuwi," Ani na lamang niya.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila. At hindi na rin kumibo si Brad nang walang matanggap na reaksyon mula sa kanya sa sinabi nitong gusto siya nito.

Ilang sandali pa ay tumayo na rin ito at inalalayan siyang makatayo. 'Tsaka siya hinatid ni Brad pauwi sa kanila.

NINE o'clock na nang makababa si Brad sa lobby ng hotel. Ang Golden Crown Hotel na pag aari ng pinsan niyang si Carmilo Calsado. Kung saan ay may sarili siyang room sa hotel na iyon at isa rin siya sa mga stock holder ng naturang hotel.

Dito na siya tumuloy kagabi matapos ihatid ang dalagang si Graziella. Hindi na rin siya bumalik pa sa Palazzo Contreras dahil magulo ang kanyang utak.

"Excuse me, Mr. Ferrer."

Napalingon siya nang marinig ang pagtawag ng receptionist sa kanya. Lumapit naman siya rito na agad naman siyang binati ng iba pang mga empleyado.

"Good morning, Sir. May iniwan po kasi ang isa sa mga employee ng hotel na folder. Hindi kasi niya alam kung paano ibalik sa nakabanggaan niyang guest ng hotel noong isang araw. Pero nang makita niyang nakasulat ang pangalan niyo na nakapaloob sa folder ay nakisuyo na lang na ibigay sa inyo," wika ng receptionist sabay abot ng folder sa kanya.

"Thanks." nakangiting tinanggap niya ang folder. Binuklat niya iyon nang tumalikod na siya at gano'n na lamang ang pagkunot ng kanyang noo nang makita ang laman ng folder. Kalauna'y mahina siyang napatawa at muling lumakad palabas ng hotel.

Babalik siya ngayon sa Palazzo Contreras para kunin ang kopya ng ginawang coverage kagabi sa event. May sarili din siyang room sa Palazzo Contreras kung saan ay madalang lamang niyang gamitin iyon.

Muli niyang tiningnan ang hawak na folder nang makasakay na sa sariling kotse.

So, ito pala ang totoong questioner. Meaning, 'yung itinanong niya sa akin noon ay gawa-gawa lamang niya?

Tanong niya sa sarili at muling napangiti.

Silly...

Sent from my iPhone

Sampal vs Halik? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon