Introduction

171 4 3
                                    

Introduction

Sabi nila, kapag may nangyari daw na slow motion sa iyo katulad ng nangyari kina Patchot at Ivan, yung tipong bumabagal yung oras at ang tanging naririnig mo na lang daw ay yung mabilis na pagtibok ng puso mo, ibig sabihin daw niyon ay maaring umiibig ka na.

Kaso sabi ni Patchot, ang epekto ng Slow Motion sa kanya ay iba, kapag bumabagal daw ang oras ay parang nakakaramdam siya ng takot dahil tuwing nagkakaroon siya ng slow motion, ang tanging ibig sabihin lang nun ay may hindi magandang mangyayari.

Pero ano nga ba talaga ang meaning kapag nagkakaroon ka ng slow motion kapag may kasama kang iba lalo na kapag hindi mo ganoon kakilala? Pag-ibig na nga ba iyon katulad ng kina Patchot at Ivan o isang nagbabadyang masamang pangyayari lang?

Mas pipiliin mo na lang din bang manatili sa Slow Motion na iyon habang buhay o gusto mo ring mag-fast forward dahil gusto mong malaman kung ano yung hinaharap niyong dalawa? Kahit hindi mo alam kung ano nga ba ang nagbabadyang mangyari sa inyo sa hinaharap?

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon