Steph:
Bes anong nangyari? Di ba siya naniwala?Violet:
Bes, gusto niya akong lumipat sa condo niya.Steph:
:O so naniwala siya?Violet:
SiguroSteph:
Nasan ka ngayon? Ba't di ka pa bumabalik sa desk mo?Violet:
Na sa labas lang ako ng building, nagpapahangin.Steph:
Sige, sasabihin ko muna to kay Zoe.Violet:
Okay.Bakit parang inexpect niya na tong mangyari? Kanina, habang sinasabi ko sa kaniyang buntis ako at siya ang ama, di man lang siya nagulat o nag tanong kung siya ba talaga ang ama ng batang ito.
Steph:
Besssssss, Kinikilig ako! Wahhh kailan ka lilipat? Excited ako para sa'yo - Zoe 😉Violet:
Di ko pa alam bes,. Sabi niya lang kasi kanina "Live with me".Steph:
Sheytt! Nakakakilig. Parang nobela naman tong istorya niyo. Tapos magkaka developan. Tapos magiging happy family. -Zoe 😉Violet:
Wag kang ambisyosa te. May girlfriend yung tao.Steph:
Ano?!? Si steph na to.Violet:
May girlfriend na nga siya.Steph:
Baka fake news yan!Violet:
Tanga to. Habang nag uusap kami kanina,may tumawag sa kaniya. Tatawagin kaya niyang 'Babe'yun kung di niya syota yun?Steph:
Baka naman aso niya yun. Baka kapatid niya lang na Babe ang pangalan. Or di kaya mommy niya.Violet:
Di rin ako bingi teh. Nag "I love you too Babe, see you later" pa nga.Steph:
Wag ka nang tumuloy sa condo niya.Violet:
Bakit?Steph:
Violet baka pahirapan ka lang nung girlfriend ng mokong na yun. Nababasa ko to sa mga libro . Trust me,wag ka nang tumuloy.Violet:
Parehas lang kayo ni Zoe. Puro mga romance novel ang na sa isip.Steph:
Wala ka bang tiawala sa instincts ko?Violet:
Kung di naman masyadong obvious ,hindi.Steph:
Aba! Pasalamat ka buntis ka. Halika na nga dito sa loob. Lunch time na. Sabay na tayo sa cafeteria.Violet:
Dito muna ako.Steph:
Violet, wag ng matigas ang ulo. Kailangan mong kumain. Kung ikaw lang, pwedeng pwede kang mag skip ng meals, pero bes naman dalawa na kayo diyan. Tara na.Violet:
Sige na nga. Kulit kasi.
BINABASA MO ANG
Soon to be Appa | Lai Guanlin
Short Story"I'm pregnant" Series no. 1 (In this story,Lai Guanlin is already in the right age to marry, So please ,no hates just Love😂) #69-short story #190-short story #231-short story #266-short story #309-short story #597-short story #803-short story #967...