Chapter 29 •

159 6 1
                                    

(cont. Sa nangyari sa chapter 27)

Guanlin's P. O. V.

"Umupo ka muna sa sofa, tatawagan ko lang ang secretary ko "

Kararating lang namin ni Violet sa condo ko. Pinauwi ko na sila hyung kasi nahanap ko na si Violet.

"Uy wag mo na siyang istorbohin, 12 am na oh baka tulog na yun"-Violet

"Violet basta para sa inyo ni baby, di pwedeng ipagpabukas"

"Hello sir? "-Gia

"Gia, sorry to disturb you. Pero gusto ko sanang mag pa hatid ka ng carrot milk sa condo ko"-Ako

"sige po sir, ipapadeliver ko nalang po diyan. Sir para saan nga po pala yung carrot milk? Okay lang naman po kung di niyo sagutin ,di naman po talaga kay-..... "-Gia

"For my wife"-Ako

"Ahh sige po sir, bye po. "-gia

Napatingin ako kay Violet at nakitang namumula siya.

"Uhmm tungkol sa sinabi ko kanina kay Gia"

"Ah okay lang, alam ko namang dahil lang kay baby kaya mo yun nasabi"-Violet.

"Hindi, hindi yun dahil don. "

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Siguro nga ito na ang taamng panahon para umamin ako sa'yo"

"H-huh? Anong umamin?? "-Violet

"Violet",tawag ko sa pangalan niya habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Gusto kita, dati pa. Ayh mali, mahal na pala. Alam kong maaring di mutual ang feelings natin para sa isa't isa pero gusto ko lang na malaman mo na nandito lang ako para sa'yo"

🍀

Violet's P. O. V.

Napanganga ako sa confession niya. Di talaga ako makapag salita.

"Okay lang naman kung di mo rin ako gusto, di naman kita pinipilit",sabi niya at yumuko.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa nakarinig ako ng hikbi.

Umiiyak ba siya?

"Kahit ngayon lang Violet dito ka muna sa tabi ko"-Guanlin at hinawakan ang kamay ko.

Kitang kita ko ang mga luhang lumalabas sa mga mata niya .

Pinunasan ko iyon at ngumiti.

"Bakit ba ang drama mo? Tinanong mo na ba ako kung mahal rin kita? "

"Wag na, alam ko na yung sagot mo."-Guanlin

"Tanungin mo muna kasi ako"

"Mahal mo rin ba ako? "-Guanlin

Nahihiya man, pero tumango ako.
Bigla niya na lang akong binuhat at inikot-ikot.

"Akala ko talaga ma rereject ako! "-Guanlin habang ngumingiti ng sobrang lapad .

"So paano ba yan, tayo na ba? "-Guanlin at inilapit ang mukha niya sa akin.

"U-uh e-ewan ko. "

"Yhiee nauutal pa siya, kinikilig si mommy mo baby oh"-Guanlin

"Tumigil ka nga",sabi ko pinalo at dibdib niya pero tinawanan niya lang ako.

Pagkatapos ng tawanan, napalitan naman ito ng katahimikan. Jusko Lord, nakatingin lang naman kami sa isa't-isa at dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin habang nakatingin sa mga labi ko.

Sobrang lapit na talaga, konting-konti nalang. Pinikit ko ang mga mata ko.......................... At biglang may nag doorbell.

Napabitaw kami sa isa't-isa.
"Uhmm, titingnan ko muna kung sino yung nag doorbell "-Guanlin .

Kainis naman to! Malapit na eh😭😭ang landi ko talaga😂😂

"Babyy nandito na ang carrot milk mo! "-Guanlin.

Napangiti ako ng makita ang dala-dalang carrot milk ni Guanlin.

"Wag mo nga akong tingnan habang umiinom"

"Mahal kita"-Guanlin

"Ano ba yan Guanlin, kanina ka pa ah"

"Gusto ko kasing lagi mong maalala na mahal kita"-Guanlin.

"Ano ba! .... Kinilikig ako"

"Aigoo ang cute naman ni mommy"-Guanlin.



Soon to be Appa | Lai Guanlin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon