Guanlin's P. O. V.
Dumating ako sa condo ko pero wala akong narinig na ingay. Wala ba dito si Violet? Asan na naman kaya 'yon?
Binuksan ko ang kwarto niya at nakita siya so sulok ng higaan niya, nakayakap sa teddy bear niya habang umiiyak.
Nilapitan ko siya at umupo sa kama niya.
"Mommy, sorry na. Eto na oh! Dala na ni linlin ang fries mo",sabi ko at ipinakita ang plastic na hawak-hawak ko.
"Ayoko na sa'yo! Di mo na ako mahal! "-sigaw ni Violet.
"Mommy, di yan totoo. Alam mo naman kasi na di healthy ang fries para sa'yo"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay mas umiyak pa siya ng malakas. Agad naman akong nataranta at sinubukan siyang yakapin.
"Tingnan mo na!! Di mo na ako mahal eh!! ",sigaw niya at pinagtulakan ako palabas ng kwarto niya. Sinubukan kong pumasok ulit pero naka lock na.
Kahit na may susi ako, di ko na muna siya inabala.
Ang moody naman pala ng mga buntis.
Ano na bang gagawin ko? Kailangan kong manghingi ng tulong sa mga hyung ko. Siguradong alam nila ang gagawin.
Kukunin ko na sana ang phone ko para ma chat ang group chat namin ng may nag doorbell.
Binuksan ko iyon at nakita ang isang delivery boy ng Cafe ni Youngmin hyung.
"Delivery po "-DB (delivery boy)
"Sorry, baka nagkamali ka ng pinuntahan. Wala akong pinapadeliver na........... ",at sinilip kung ano ang nasa loob ng plastic na dala niya.
"Fries po sir, Delivery for Ms. Violet Min from Mr. Samuel Kim"-DB
Samuel?? Siya na naman? Bakit niya ba to ginagawa?
"Di na namin kailangan niyan. Ikaw nalang kumain niyan"
"Pero sir, binayaran po kasi to ni Mr. Kim para kay Ms. Mi-..... ",di ko na siya pinatapos at agad binigyan ng pera
"Babayaran ko na lang ang binayaran niya basta ibalik mo lang yan sa kaniya",sabi ko at sinara ang pinto.
Talaga ha? May pa deliver pa siyang nalalaman. At talagang di niya man lang inisip na di makakabuti ang junk food sa buntis!
Kung iniisip niyong naseselos ako, well oo! P*tcha! Selos na selos na ako!
"Hindi na ako mahal ni linlin!!! ",rinig kong sigaw ni Violet sa loob ng kwarto niya habang umiiyak pa rin.
Kailangan ko na talaga ng tulong.
*************
Vote vote vote po and comment kung may gusto kayong sabihin😂
BINABASA MO ANG
Soon to be Appa | Lai Guanlin
Short Story"I'm pregnant" Series no. 1 (In this story,Lai Guanlin is already in the right age to marry, So please ,no hates just Love😂) #69-short story #190-short story #231-short story #266-short story #309-short story #597-short story #803-short story #967...