Chapter 48 •

136 5 0
                                    

(After 2 years)
Violet's P. O. V.

"Mommy",sabi ni Graye at itinuro ang ice cream shop. Alam ko na kaagad na gusto niyang kumain ng icecream.

2 years ng nakakalipas at bumuti na ang kalagayan ng baby namin ni Guanlin. Kung dati premature siya, ngayon ay isa na siyang malusog at masayahing bata na nag bibigay tuwa sa lolo at lola niya.

Pinangalanan namin siyang Eduard Graye Lai.  Eduard kasi 'Edward' ang English name ng papa niya, pinalitan lang namin yung 'w' ng 'u' para maiba naman. At yung Graye, kasi 'G' nagsisimula yung pangalan ni Guanlin tiyaka gusto ko rin na color ang pangalan ng anak ko, dinagdagan ko lang ng 'e' sa huli.

Kung inaakala niyong kasal na kami ni Guanlin, well sadly hindi pa.

Yung plano nga diba?  Pagkatapos ko dapat manganak kami magpapakasal,pero kasi napa aga ang panganganak ko kay Graye kaya di napaghandaan. Tiyaka di namin inisip yun noong  nakaraang 2 years dahil focus kami sa pag aalaga kay Graye.

Mukhang wala na ding balak mag propose si Guanlin. Kasi bumabalik na naman siya sa dati na palaging late umuuwi. Ngayon, duda na talaga ako kasi wala na si Bea tiyaka tinanong ko si Appa Lai pero sabi niya na di niya naman binibigyan ng maraming trabaho si Guanlin para late ng maka uwi sa condo.

Pag uwi namin ni Graye sa condo ni Guanlin ay agad siyang dumiretso sa mga laruan niya. Nag bonding kasi kami kanina kaya lumabas at namasyal kami.

Narinig kong bumukas ang pintuan at nakita si Guanlin na sobrang stress.

"Okay ka lang ba? ",tanong ko sa kaniya.

Pero tinanguan niya lang ako at dumiretso sa kwarto namin.

Sinilip ko siya at nakitang tulog na siya.

Mukhang pagod na pagod siya. Saan ba kasi siya nanggaling?  Eh sabi naman ng guard ng companya nila na kanina pa daw umalis si Guanlin sa office niya pero ngayon lang siya umuwi.

Hayyss!  Tumigil ka na nga sa kakaisip ng mga negative Violet.

Soon to be Appa | Lai Guanlin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon