Violet's P. O. V.
Pag katapos mag end ng call ay agad kong pinuntahan si guanlin na naka upo sa sofa at halatang pagod na pagod.
"linlin, bakit ang tagal mo na naman? ",tanong ko sa kaniya at nag pout.
(5pm kasi ang uwian sa office nila at 6 na ngayon)
Tinabihan ko siya sa couch at niyakap siya. Nagulat ako ng bahagya niya akong itulak.
"Bakit lin? May problema ba? "
"Wala",sabi niya at dumiretso sa bathroom para mag shower.
Pinulot ko naman ang polo at pants niya na nakalatag lang sa labas ng bathroom.
Nagulat ako ng makita ang marka ng lipstick sa polo niya. Madami akong naiisip na baka nga nag balikan na sila ni Bea . Hindi, di yan magagawa ni linlin sa akin, mahal niya ako.
Paglabas niya sa bathroom ay agad ko siyang tinanong.
"Bakit lagi ka nalang late umuuwi? "
"Sabi ko naman sayo diba na kailangan kong mag over time "-Guanlin na medyo naiirita na.
"Pero wala ka ng time sa akin pati kay baby"
Di lang siya umiimik at humiga sa kama habang nag lalaro sa phone niya.
"Guanlin ano tong lipstick sa polo mo? "
Halatang nagulat siya pero agad na napalitan ito ng pagka irita.
"Bakit ba lahat na lang tinatanong mo? "-Guanlin
"Guanlin naman, sino bang hindi kung medyo nakakaduda na yang mga kinikilos mo"
"Ikaw lang naman nagiisip niyan"-Guanlin
"Sabi ni Zoe ,nakita ka niya kasama si Bea"
"Trabaho lang yun"-Guanlin
"Pero bakit di mo sinabi sa akin? "
"KAILANGAN BA LAGI LAHAT SASABIHIN KO SAYO?! "-sigaw niya.
Gulat na gulat ako ngayon at di maka paniwalang sinigawan ako ni Guanlin. Pero mukhang wala lang sa kaniya yun kasi patuloy pa rin siya sa paglalaro sa phone niya.
Kinuha ko ang bag ko, wallet at phone ko. Umalis ako sa condo niya at pinuntahan sila Zoe.
Iyak ako ng iyak sa taxi, para akong tanga dito. Kung alam ko lang na magiging ganito pala kami, di nalang sana ako pumayag na maging kami.
"Nandito na po tayo maam"-Taxi driver.
Bumaba ako sa taxi at nakitang na sa labas ako ng isang karaoke bar.
BINABASA MO ANG
Soon to be Appa | Lai Guanlin
Conto"I'm pregnant" Series no. 1 (In this story,Lai Guanlin is already in the right age to marry, So please ,no hates just Love😂) #69-short story #190-short story #231-short story #266-short story #309-short story #597-short story #803-short story #967...