Guanlin's P. O. V.
Inalalayan namin si Violet papunta sa baby's section.
Naka sakay siya wheelchair habang ako naman ang nagtutulak.
"Dito na po yung baby's section sir",sabi nung isang nurse at binuksan ang pinto para maka pasok kami.
"Ano nga po yung surname niyo? "-nurse
"Min",hinang hina man pero sumagot pa rin si Violet.
"Maam sorry, pero wala pong baby Min dito. "-Nurse
"Subukan mong hanapin gamit ang Lai",sabi ko.
"Dito po"-nurse
Sinundan namin ang nurse at bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot at guilt nang makita ko ang batang na sa loob ng incubator.
Maliit siya kumpara sa normal na batang ipinapanganak .
Di ko namalayang umiiyak na pala ako.
Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang katumbas.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang ama kung makita ang anak niya na nasasaktan.
Napatakip ng kaniyang bibig si Violet at patuloy na umiyak.
"A-ah iwan ko lang muna po kayo s-sir"-Nurse
"Kasalanan ko to, di ko siya inalagaan ng maayos "-Violet
"Hindi mommy, di mo kasalanan yun. Ako yung may kasalanan. Kung di lang ako masyadong nalulong sa trabaho ko"
"Alam ko namang ginagawa mo lang yun para sa amin."-Violet
Di na siya galit sa akin kasi bago kami pumunta dito, inexplain ko muna sa kaniya na trabaho lang yung kay Bea at lahat ng dapat niyang malaman.
"Di deserve ng anak natin na magka ganito"-Violet
Niyakap ko nalang siya dahil wala na akong masabi.
BINABASA MO ANG
Soon to be Appa | Lai Guanlin
Short Story"I'm pregnant" Series no. 1 (In this story,Lai Guanlin is already in the right age to marry, So please ,no hates just Love😂) #69-short story #190-short story #231-short story #266-short story #309-short story #597-short story #803-short story #967...