36: Queen

344 32 40
                                    

Nanginginig ang mga kamay ni Ken. She couldn't bring herself to hit him. How could she, when her heart was beating wildly in protest?

Muli niyang tinaas ang kanyang kamao para tuluyan nang suntukin si Sage pero sa lupa pa rin ito tumama. Sinubukan niyang sumuntok sa ikatlong pagkakataon pero hindi niya ulit pinatama 'yon sa mukha ng binata.

Mabilis namang hinarang ni Sage ang palad nito sa lupa at doon pinatama ang pangatlong suntok ni Ken. "Stop hitting the ground. You'll injure your hand." He winced at the pain of catching Ken's most recent blow.

"Muntik na siyang mamatay!" Ken growled, forcefully pulling her hand away as she stood up. Her knees were shaking.  Agad ring tumayo si Sage pero humakbang si Ken palayo sa binata.

"Hindi ko sinasadya, I didn't know she was allergic," Sage replied, trying to soothe her.

"It's also my fault... Pinamigay ko lang sa iba 'yong binigay mong chocolates dati pero hindi ko sinabing allergic siya sa nuts." Her voice trembled. Hindi na napigilan ni Ken ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. "Pa-paano na lang ku-kung hindi siya..."

Hindi na maituloy ni Ken ang pagsasalita. The anxiety from Lily's unfortunate allergic reaction and the not being able to hit Sage frustrated her too much. Tuloy-tuloy na ang ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata at sinipon na rin siya.

"Hey, it's not your fault." Sage said, running a hand through his hair as he exhaled sharply. Palingon-lingon ang binata, halatang hindi alam kung anong gagawin sa kanyang palakas nang palakas na ang iyak.

Napaupo si Ken sa damo. Yumuko siya habang sinusubukang punasan ang mga luha. But the tears won't stop falling and her both hands were already damp. Gagamitin niya na sana ang damit niya pamunas ng luha at uhog pero napatigil siya nang hawakan ni Sage ang pulso niya. "'Wag kang dugyot."

She looked up and saw Sage squatting in front of her. Hinawi nito ang buhok mula sa kanyang mukha at inalok siya ng panyo. Hindi niya kinuha ang panyo, tinitigan niya lang ito.

Sage clicked his tongue. He began to wipe her cheeks with the handkerchief. She was too shocked at his actions to move away.

* * *

She was the one crying but why was Sage the one feeling helpless? The guilt made his intestines twist. Kung 'di niya lang sinubuan si Lily ng cake, hindi iiyak nang gano'n si Ken.

Hindi pa rin tumitigil ang pagluha ni Ken nang sabayan ito ng langit. Kumulog, kumidlat at naging ulan na ang ambon. Naghanap si Sage ng masisilungan pero wala siyang nakita kundi ang malawak na damuhan.

Ken seemed unbothered by the rain as it mixed with her tears so Sage transferred his beanie on her head, grabbed her right hand and ran towards his Aventador. Nakaramdam siya ng deja vu.

Thankfully, nakapasok sila sa kotse bago sila matamaan ng kidlat. Humina na ang pag-iyak ni Ken pero hindi pa rin ito tumitigil. Inabot niya ulit ang panyo sa dalaga. "Ang pangit mong umiyak," he said. It wasn't true though, parang 'di naman magiging pangit si Ken kahit anong gawin nito. Pero ayaw niyang nakikita itong umiyak.

Ken hesitantly took the handkerchief. "Ikaw nga, 'di na kailangan umiyak eh, natural lang na pangit," sagot nito habang nagpupunas ng luha.

"Talaga, pangit ako? Naiinis ka na ba sa deep, adorable dimples ko?" Nakangising sagot ni Sage. Natuwa siyang sumasagot na si Ken."That's exactly how you described them, by the way."

Inirapan lang siya nito sabay palit ng subject. "Bakit nasa 'yo 'tong kotse ko?"

Kumunot ang noo ni Sage. "Anong kotse mo?"

She's the Real ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon