Ara's POV
(Continuation)
Pagkatapos nung game inaya kami ni Jeron kung gusto namin sumama sa team dinner nila okay lang naman daw kay coach Juno. Pero ayoko, itong mga bullies naman pumayag pano gutom. -_- Kahit gutom na rin ako, ayoko pa rin sumama wala ako sa mood makipagusap o makitawa at mambully. Pumunta kami dito sa MOA kasama yung team pero hindi ko pa sinasabi na ayoko. Magiisip muna ako ng dahilan bago ako magsalita. ^_^
"Daks, ayaw mo ba kumain kasama ang team?" -Mika
"Oo nga Arsy libreng kain ayaw mo nun?"- Cienne
"Ayoko eh. Wala akong gana." Sabi ko tapos sad face.
"Nagiinarte ka lang eh..."-Carol
"-_- Ayoko nga sumama. Gets nyo? Alis na ko, pakisabi na lang kay coach Juno may pupuntahan lang ako, okay? Paki congrats na rin ako sa GA. Okay? Bye bullies enjoy!!" Sabi ko sabay talikod. Tapos wala lang silang pakielam pumasok na sila sa resto kung saan nandoon ang buong team. Hmp!
Mika's POV
Pagkatapos nung pagdadahilan ni Ara tumalikod na lang sya sabay alis hindi na rin kami nagsalita dahil gutom na rin kami. Hehe. Wala sa mood si Ara kaya siguro ganun, siguro red tide sya ngayon? Haha. Bully!
"Girls asan na si Ara?" -Coach Juno
"Ah... Coach may pupuntahan daw po sya." -Kim
"Ah ganun ba? Oh sige upo na kayo." -Coach Juno
Hindi man lang ba tatanongin ni Thomas kung nasan si Ara? Ay. Oo nga pala. May Arra na ulit sya, syempre pag ang lalaki kapag may bestfriend syang girl sweet sya dito, pero pag dumating na yung time na nagkaroon na sya ng girlfriend, ang kinalabasan, no time for his bestfriend na girl. Wawa naman si daks. Huhuhu.
Pagkatapos namin kumain nagusap-usap muna kami ng mga Archers. Sila coach at yung mga staff ay lumabas muna para magpahangin.
"Bullies, san pumunta si Ara?" -Thomas. Nagtinginan naman kami ng bullies at nagbigay sa isa't isa ng 'kilig' look.
Ara's POV
Eto ako ngayon naglalakad-lakad sa MOA baka may mahanap akong bagong lablayp! Haha. Manhunt? Siguro. Tumitingin ako sa mga store baka may mabili ako, nang may kumuha ng atensyon ko. Si Arra ba yun? Ay, hindi baka kamuka lang. Hindi talaga eh si Arra yun! Oh knowssss.... May kasamang guy, pogi, magkasing tangkad sila, maputi, at si Arra naman nakakapit sa braso ni guy na parang linta. Kabit ba nya to? Baka naman kapatid lang or cousin? Wag akong mag assume baka mali lang. Hindi ko alam kung sasabihin ko to kay Thomas. Wag na lang kaya? Baka naman talaga ay cousin/kapatid nya lang yun eh.
"Miss, sinong tinataguan mo dyan?"
"Ayy!" Sigaw ko. Nak ng, seryosong-seryoso ako dun eh tapos gugulatin lang ako. Aba matinde. -_-
"Okay ka lang?"
"Ha? Ah... ehh..." Wala akong masabi nakita nya kong nagtatago sa likod ng isang poste?
"I-O-U? Haha. Sabi ko kung okay ka lang ba Ara?"
O.O Kilala nya ko? Baka fan ko lang? Pero ang FC eh.
"Hehe. Okay lang. Do I know you?" Tanong ko sa kanya. He looks familiar though I can't even remember him. Or maybe he just looks like someone I know.
"Uhm. I think so. I'll introduce myself, I'm Bryan Mendoza [A/N: Gawa-gawa ko lang po. Hehe.] ang kababata ni Victonara Galang. *smiles*"
Kaya pala...
"Bryan! OMG! Di kita nakilala hindi ka naman kasi nagpakilala eh. Hehe. Sino kasama mo?" -Me
BINABASA MO ANG
Never Shall We Fail (an Ara Galang/Thomas Torres FF)
FanfictionA love has been created when two person met each other. And they promised that their love shall not fail.