Chapter 2

41 5 0
                                    

Katie

"Hi Miss Acquaintance, I'm Mr. Wrong Number."

Napailing ulit ako na para bang yung thought na yun ay dumapo lang sa ulo ko at mawawala pag tinaboy ko.

Narinig kong tumawa ng mahina yung lalake sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya, pero halata mo na pinipigilan niya yung tawa niya. Grr!

Hinihintay ko nalang matapos ang English time. Finally, narinig ko na ang bell na tumunog. Nasira lang siguro kanina kaya hindi siya nagring.

Mabilis pa sa alas kwatro ay naglakad ako palabas. Nagpunta agad ako sa office namin ng team ko. Wala akong balak umattend ng afternoon classes ko. Bibilinan ko nalang si Celine na ipalista ako sa Photography.

Hindi ganun kalaki yung office namin. May mahabang table for 8 people. Air conditioned din ang room namin. May malaking white board sa pader at projector sa ceiling nakatapat sa white board na yun. May dalawang computers din kami sa separate tables na may drawers din. May drawer din kami kung saan nandun yung nga folders namin since 2nd year. May printer/xerox machine din kami.

Nasa mesa na yung pinakabago naming folder. Pinagaralan ko agad at nakaisip agad ako ng pictures na mailalagay ko sa newsletter.

Nilabas ko yung laptop ko at nagsearch sa iba pang ideas. And since lunch time ngayon, nasa office nila sila Rian at may inemail siya sakin.

From: rianata.journalism@gmhoo.com
Subject: Acquaintance Month, theme, needs

Good afternoon,
as the head of the Journalism Team, I remind you of the theme for this month, as well as the reminder of the head of the Student Council. That you will have to be having at least three new members of your club or else we will have to point that job of making newsletters, etc. to the Journalism Team.
There will be performances from each representative of each grades. Each grade will have 3 representatives. And you will have to take pictures and reports about it. Angeline will be reporting in the Washi Entertainment Patrol in our channel.
I will be collecting your reports before this week ends. As well as the names of your new members.

Thank you!
Rianata Ciasco

Naibagsak ko ang ulo ko pagkatapos kong basahin ang email niya. Totoong hindi namin kakayanin to. Tinignan ko yung notebook ko. At naalala ko yung mga homeworks namin sa Math at Filipino. At yung kailangan i-advance read kasi recorded ang Pre-Test namin sa Filipino at Math. At alam ko din na kahit na anong review ko, kung hindi kami bati ng Math, hindi kami bati! 

Pumasok sa loob si Frank kasama si Calvin.

"Dito ka na muna, yung sinabi namin sayo ha, kung saan ka nakatoka. Di ko na talaga mapigilan eh." sinasabi niya yun habang iniipit niya yung dalawa niyang hita. Tumingin siya sakin at inayos ang salamin niya. "Ikaw na muna bahala Kate." at tumakbo na siya palabas.

Umupo si Calvin sa harap ng upuan ko at nilapag dun ang laptop, folder at tumbler niya.

"Researcher ka?" tanong ko.

Tumango naman siya. Tinuro ko yung monitor na walang stickers at walang washi tape yung keyboard.

"Dun ka uupo. Dun ka magrresearch. Nirrecord ng monitor na yan lahat ng gagawin mo. At lahat ng irresearch mo. Graded lahat ng gagawin mong tama at may deduction naman pag ginamit mo yang computer na yan sa hindi kailangan. Kagaya ng pagf-facebook et cetera." mahaba kong paliwanag. Tumango naman siya.

5 days of TortureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon