Katie
As expected, hindi ako napili bilang Muse dahil sa bayad na binigay ko sa mga kaklase ko. Si Almira naman tuwang tuwa at kung makatingin sakin ay akala mo Miss Universe yung sinalihan niya.
Natapos ang araw nang hindi ako nagsasalita. Nang hindi ko kinakausap yung gunggong kong katabi. Walang kwenta.
Kasalukuyan na akong nagbabasa ng libro. Tapos ko na yung book 1, at book 2 na yung binabasa ko which is entitled,
A Series of Unfortunate Events: The Reptile Room
Nagbabasa ako nang biglang tumawag si Amyr.
"Huy, ano ba problema mo? Sagutin mo na, tol." sent via voice message.
Tol mo mukha mo. Wala kang kwentang kaibigan.
Hindi ako lumalaban sa babae mas lalo pa't pisikalan tapos pinanuod niya lang ako? Alam niya ba kung gaano kasakit yung hawak sakin ni Almira kanina? Tss.
Tinignan ko yung pasa ko sa braso.
I hate you Almira. I hate you too Amyr. I hate you both.
Tinuloy ko lang ng pagbabasa ko hanggang sa makatulog na ako.
Napakaantukin ko naman!
Z
Z
Z
z
z
z
z
.
.
..
.
.
.
.
.Umaga na nang magising ako. I did my daily routine. Took a bath, dressed up, ate, brushed my teeth, then went to school.
Pag dating ko sa school, ang sama ng tingin sakin ni Almira.
Pag upong pag upo ko naman, dumating si Sir Nelson for an announcment bago magstart ang Filipino class namin.
"So class, ang intrams ay mags-start na 2 weeks from now. And since the whole NLC is here, I want you to get ready na. You know what to do, okay?"
"Yes sir." sagot naming lahat though hindi sabay sabay.
"And another announcement, wala si Bb. Angheles niyo kaya wala kayong klase sa Filipino. Sa mga sasali sa intrams, mag practice nalang kayo muna for the time. And sa mga cheerleaders din magrehearse. Sa NLC may meeting tayo sa media center. The rest, I declare this your freetime or time para gumawa ng homeworks niyo sa ibang subject." pumalakpak siya ng dalawang beses sign na tapos na siyang magsalita at yung mga inatas niyang gagawin samin ay kailangan nang simulan.
Kinuha ko ang bag ko then went to the Media Center with Frank and Calvin. Magkakasama sa likod namin sila Mara, Celine at Angeline. Magkasabay naman sila Doodle at Amyr.
Pag dating namin sa Media Center, nandun na si Sir Nelson. Nakaupo sa meeting table.
Umupo na kami sa table.
"Okay, kaya ko kayo pinatawag is because kayo ang magt-take over ng intrams ng buong highschool. Hindi kayo papakealaman ng Journalism Team kasi ang hawak lang nila ay college. May tiwala sa inyo ang principal natin dahil siya ang nagrequest sa akin nito. I hope I wouldn't be disappointed. Mas lalo na ang principal natin. Makakaasa ba ako sa inyo?" tanong niya.
"Yes sir." sagot namin.
"Okay, ako na muna ang magl-lead sa inyo. Ayos lang ba sa inyo yun?" tumango kami.
Si Sir din naman talaga ang nagagree sa pag buo ng NLC at isa siya sa mga sumosuporta nito hanggang ngayon. Kasama siya sa pag-angat namin so kung tutulong man siya, hinding hindi kami tatanggi.
"Okay, Katie, sa photography ka right? Amyr, sa photography ka din?" tanong niya.
"Sa videography po siya Sir." sagot ko bago pa man makasagot si Amyr.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Teen FictionKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...