Katie
Ginising ako ng alarm clock ko.
Naligo agad ako then nagbihis. Bumaba para kumain. Umakyat ulit para magayos at magready ng gamit. Kailangan kong makaalis bago magising sila Kelsie at Ken or else papagalitan nila ako.
Papunta na sana ako sa motor ko, kaso tumawag si Amyr.
"Yo! Sa court sa kabilang village ha!"
"Yea, yea." tinatamad kong sagot. Medyo inaantok pa kasi ako.
"Anong sasakyan mo?" Tanong niya.
"Motor."
"Ngek, hindi na susunduin na kita."
"Sira, malayo pa to. Tsaka mabilis lang naman ako magmotor eh."
"Sure ka ah?" tumango nalang ako as if he'll be able to see it. Then binaba ko na yung tawag.
Nagmotor na ako papunta sa court ng isang member nila. Nagpapapasahan na sila ng disc nung dumating ako.
"Guys! Nandito na special guest natin!" sigaw ni Amyr.
"Uy, diba ikaw yung kasali sa NLC?" nice, may nakakaalam pala ng club na yun.
"Yep, gusto mong sumali?" Tanong ko.
"Wala akong hilig sa ganyan eh, btw I'm Jonas." nakipagkamay siya sakin.
"Start na ng game guys!" sigaw ng isa pang lalake. "Hi, ako si Mark." Nangindat siya.
"Okay." dumeretso na ko ng paglalakad papunta kay Amyr. Siya lang naman ang kakilala ko dito kaya wala akong ibang masamahan kundi siya.
"So, ako muna ang magl-lead." pumunta si Mark sa harap at nagsalita. "Bago tayo maglaro magw-warm up muna tayo. Jonas, ikaw ang magl-lead ng warm up. Then after warm up we'll start basic practice then drills, then after that, Ultimate Frisbee na."
"Ultimate Frisbee?" tanong ko.
"Yun yung mismong game." sagot ni Jonas.
Nagstart na kami ng warm-up. Some stretchings lang naman. Then nagpractice na kami. Since may tatlong disc, may tatlong circles. Kasama ko si Amyr sa circle namin. Apat kami sa circle namin. Kumbaga 12 kami lahat. 12 kaming absent HAHAHA!
"Sigurado ka bang di ka magaling?" tanong ni Amyr. Wala pa kasing disc na nabato sakin na sumablay ng salo.
"Tsamba lang lahat ng yun." sagot ko sabay salo ng disc na binato ni Mark sakin at binato yun kay Jonas.
"Tsamba? Tignan natin yan sa game." yun ang huling sinabi niya bago niya ituloy ang pagppractice.
After ilang bato-salo ehersisyo, pinapila ulit kami ni Mark.
"Okay, jog 20 lapse!" sabay pito niya. Ngayon ko lang napansin na may pito siya.
Nakakapagod tumakbo, I hate it. Grr. Tas bawal pang bilisan kaya mas nakakapagod.
Nung tapos na kami sa 15 lapse biglang nagsalita si Mark.
"For the last 5 lapse, sprint na." so ayun, mas mabilis na nga kami unlike earlier.
Maya maya pinaupo muna kami but no water. Wow, parang nasa actual training naman ako.
After 3 minutes, pumito si Mark. Senyales na kailangan na naming tumayo.
"Okay, yung 3 circles kanina, line up as groups. We'll run suicide. Ang pinakamabilis na grupo ay pwedeng uminom ng tubig." pumila na si Mark sa grupo namin.
Ako sana yung pinakahuli kaso pumunta si Mark sa likod ko. Nauna si Jonas.
Grabe ang bibilis nila! Pero pangalawa lang si Jonas sa pinakamabilis. I wonder who that fast guy is. Hindi ko naman kasi kilala yung mga nandito.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Teen FictionKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...