Katie
Nagising ako ng masakit ang leeg ko.
Teka lang, asan ba ako?
"WHAT THE HELL, AMYR??!!!!" nagising silang lahat dahil sa sigaw ko, pati na si Amyr na natutulog sa driver's seat.
"What the-- Katie ang ingay mo naman." reklamo ni Doodle.
"Oo nga, bro, may natutulog pa." dugtong naman ni Calvin.
Tinignan ko yung paligid ko for the second time. Kinurot ko pa yung sarili ko, pero hindi ako nananaginip.
Umaga na, tinignan ko yung relo ko. It's already 6:52. Mags-seven o'clock na. Good thing it's Friday yesterday.
Magkakatabi kami nila Celine, at Mara. Si Angeline nasa passenger's seat na maayos naman ang pagkakaupo sa upuan habang natutulog, thank goodness. Si Celine nakasandal sakin, si Mara naman nakasubsob yung mukha sa bintana. Yung tatlong lalake sa likod ang may pinakamasahol na pwesto. Nagkatinginan naman kami ni Amyr, dahil kaming dalawa palang ang may pinakadilat na mata dito.
Lumabas muna ako since nasa tabi naman ako ng pintuan, pinalabas ko din siya.
"Where the heck are we?" tanong ko. We stopped by some kind of abandoned road.
"Napagod kasi akong magdrive kagabi. So lumiko ako sa papuntang dead end na road then stopped by here. Kumbaga pag dineretso mo yan dead end na." sabi niya then nag-inat.
"Hindi naman tayo nawawala, diba?" tanong ko habang nakatingin sa paligid. Naniningkit pa yung mata ko kasi hindi talaga pamilyar tong place na to.
"Of course not. Inaantok na din kasi ako kagabi, kaya ako huminto. Mas okay na yun kaysa naman mabangga tayo diba?"
"Sa bagay." yun nalang ang nasabi ko then I walked towards the car. "Sa ngayon bumili nalang muna tayo ng pagkain."
"Anong gagawin mo sa loob?" tanong niya.
"Papasok, duh? Alangan namang lakarin natin diba?" tanong ko pero nanlumo nang mabuksan ko yung pintuan ng kotse.
Nasakop na nila Celine at Mara yung upuan.
"Ano? Papasok ka pa?" tanong ni Amyr sa nakakaasar na tono.
Hindi naman ako nakapagsalita agad. Kaya kinuha ko nalang yung bag ko at lumabas. Natawa naman sakin si Amyr at pumunta sa pintuan ng driver's seat para kunin yung wallet niya. Ganun nalang din ang ginawa ko at binalik yung bag ko sa loob ng kotse. Nilabas ko yung phone ko para itext si Ken kung bakit hindi ako nakauwi pero drained na yung battery. Kaya napairap nalang ako at binaling ang atensyon ko kay Amyr.
"Lalakarin natin?" tanong ko.
"May choice pa ba tayo?" tanong naman niya.
"Kabisado mo ba yung daan?" tanong ko ulit.
"Isang deretso lang to, malalaman mong nasa labas na tayo pag nakita mo na yung kalsada. Karera?" paghahamon niya.
Napatingin naman ako sa kanya. Then napangiti.
Nagwarm up lang ako saglit by jogging in place then jumping jacks then did some stretchings then....
"On 3. 1...2....3!!!!!!" halos magkatabi lang kami sa unang part ng race namin pero nauuna ako.
May paliko sa kaliwa and since nasa kaliwa si Amyr, naunahan niya na ako ngayon.
Nagkaron ng another turn papuntang kanan kaya nakabawi ako. But in the end, halos sabay lang kaming nakarating sa dulo, pero naunahan parin niya ako.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Teen FictionKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...