Katie
"Ma'am Kate, may pinadala daw po sa inyo." sabi nung katulong namin pero tumakbo lang ako palabas.
I'm currently getting my way out of the house papuntang school, kailangan kong agahan ngayon dahil may ia-announce daw si Sir Nelson before he go kasi may meeting siya sa Malaysia bukas at kailangan niya na umalis this morning para makapaghanda sa flight niya tonight.
Kasi naman, bakit hindi naghanda kahapon o kaya nung nakaraang araw? Nako naman Sir!
"Sign it for me, Kels!" sumigaw ako sabay takbo sa labas at nag-abang ng taxi.
Good thing meron agad at pinagbuksan na ako agad ng pinto ni Kuya. Nako kung ito lang yung parang ibang driver na nagtatanong pa kung saan ako pupunta nako lang.
Bumaba ako sa school at binigay sa driver yung bayad ko. I ran to our classroom at wala pa ata si Sir Nelson pagdating ko kaya naupo na ako sa upuan ko.
Ang pinagtataka ko lang, bakit puro class officers lang ang andito? Representative ako ng fund raising sa classroom namin at ako ang bahalang magisip kung paano magkakapera ang classroom namin for the upcoming events such as the foundation week, araw ng wika, Christmas program, etc.
I was still thinking about what could that thing be. That thing that Dad got for me.
After a few minutes, dumating na si Sir Nelson.
"Okay, ang konti niyo but at least the class officers are here. Kailangan ko nang umalis after this announcement so Secretary, isulat mo yung mga sasabihin ko and the class president will announce it to the chole class later."
"Okay sir." sagot ng class secretary namin na si Joy.
"Okay, we'll be conducting a research about our topic. Kayo na ang mag grupo sa sarili niyo kasi alam ko namang hindi kayo makakagawa ng maayos pag hindi niyo kasama yung mga kaibigan niyo."
Oo nga pala, foundation week na. At kailangan gumawa ng mga clubs ng kanikanilang booths and stands.
"Friday after the foundation week, all of the groups will present it to me just for 15 minutes. So, apat na grupo ang kailangang magpresent for the whole hour. I want you to do best for this project and the more effort you put in, the more plus you get." nagtanguan naman kami. "Nakuha ba yun, Joy?" tanong ni Sir.
"Yes Sir." sagot ni Joy.
"Okay, and don't forget to get ready for the foundation week."
~~
"Katie, ano nga palang plano sa foundation week?" tanong ni Celine.
"Anong booth gagawin natin?" tanong ni Doodle.
"Hindi ko din alam eh. Wala pa din kasi kaming plano sa Frisbee Club." sabi ko.
"Oo nga pala! May Glee Club pa ko." biglang sabi ni Angeline.
"Pano yan? May iba iba pa kayong clubs aside from NLC?" tanong ni Mara.
"We're gonna have a meeting tomorrow. Siguro after lunch." sagot ko.
"Tara na, baba na tayo. Kanina pa nagsimula lunch time eh." alok ni Amyr na nasa kanan ko.
"Tara na." pagsang-ayon ni Doodle then sabay sabay na kaming bumaba.
Habang pababa ako nag message sakin si Alicia, kasama ko siya sa frisbee club na dati ko na ding kasama sa Photography Club.
From: Alicia Jimenez
Yow, Katie! May meeting daw tayo after class sabi ni coach about sa booth na itatayo natin para sa Foundation Week. Sabi niya it's important kasi may kinalaman daw sa fund raising na kanina lang daw sinabi sa kanila ni Mrs. Madrid.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Teen FictionKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...