Katie
"Yeah I know, I know it's over but I guess that's just the way it has to be~"
Nagsuklay ako habang kumakanta. Sobrang aga palang, 6:15am palang yata. 8:30am ang start ng foundation week at may movies na ipapalabas sa auditorium kaya dun lang kami hanggang 1pm. 1pm ang start ng booths kaya bago matapos yung huling movie ay lalabas na ako para ihanda yung mga pagkain.
"Sometime in the future maybe we can get together, maybe share a drink or talk a while~"
Kinuha ko yung yung phone ko at hinum ang kasunod na lyrics at tinext si Amyr.
To: Amyr
Papunta na ko jan.
Tumayo ako para i-check yung emails ko. Since wala naming pinakabago, nilagay ko na yun sa bag ko at nilagay sa kama ko dahil ready na. Nagsapatos na ako at tinali ko na yung buhok ko.
"Kate? Ang aga mo naman." tanong ni Ken habang nagkakamot ng mata kasi kakagising niya lang.
"Pupunta pa ako sa bahay ng kaibigan ko para i-ready yung kimchi na gagamitin ko mamaya."
"Ohh, pupunta ako sa booth niyo mamaya oki?"
"Okay. Ngayon mo dalhin yung mga kaibigan mo kasi ngayon ko sila kailangan. And also, magpunta din kayo sa booth ng NLC."
"Bakit? Ano bang booth niyo dun?"
"Photobooth yun."
"Really? Sige pupunta ako."
"Sige na, aalis na ako."
"Hindi ka mag aalmusal?"
"Hindi na, magd-drive thru nalang ako."
"Wait, anong sasakyan mo?"
"Uhm, tricycle? Halos magkatabi lang naman yung village natin at ng kaklase kong yun eh."
"Wag ka nalang magpakita sa mga guards na magt-trike ka."
"Okay." sagot ko at bumaba na.
Lumabas na agad ako ng pinto ng mansion at lumabas sa likod para pumasok sa secret gardeb at lumabas ulit sa subdivision nila Amyr. Hindi ako sumakay sa motor ko, nilakad ko lang papunta kela Amyr since malapit lang naman yun dito.
Nag doorbell ako sa gate at lumabas naman agad si Tita Cynthia para pagbuksan ako.
"Good morning po."
"Good morning din ija, nag almusal ka na ba?"
"Uhm..."
"Saktong sakto! Nag aalmusal palang si Amyr, sabayan mo na siyang kumain."
"Okay po."
Pag pasok namin sa bahay nila ay kumakain nga si Amyr.
"Hi, Katie ija! Kain!"
"Salamat nalang po--"
"Hindi pwede ija. Hahandaan ko lang siya Irish dahil hindi pa daw siya nag aalmusal."
Tita wala po akong sinabi.
"Nako Katie, alam mo bang walang papasok jan sa ulo kung walang laman ang tiyan?" sambit ni Tita Irish.
Nawala naman ang ngiti ko nung naalala ko si daddy kasi siya ang madalas magsabi sakin niyan. Silang dalawa ni mom.
"S-sige po." yun nalang ang nasabi ko at umupo na sa tabi ni Amyr.
Binigyan ako ni Tita Cynthia ng plato at sinandukan ako ni Amyr ng French toast. Binigyan naman ako ni Tita Cynthia ng orange juice kaya nagsimula na akong kumain.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Fiksi RemajaKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...