Katie
"Oy! Ano na gagawin ko?" tanong ni Amyr.
We're currently inside the office, naghahanda para sa intrams.
"Grabe, palapit ng palapit, patoxic ng patoxic." reklamo ni Calvin.
"Sinabi mo pa, boy." pagsasangayon ni Frankie.
"Ano na? Sino na magaassign?" tanong ni Angeline.
"Okay, mga researchers, you'll work together. Frank and Doodle, you'll plan together din. Angeline and Calvin, magp-practice din kayo sa pagrereport. Mara, yung sa newspaper, magsabi ka lang samin kung may kailangan ka. Amyr, you'll work with me with the photography. Yung mga inassign ko, kayo na bahala kung saan kayo magt-trabaho. Dismissed." napapalakpak naman si Celine and then nagmadaling lumabas.
Lumabas na din ako after that. Uwian na, and sasabay ulit ako kay Amyr.
Bumaba na ako, nauna na ako papuntang kotse niya. It's been a week after I've talked to them about Rian. And my work has been a lot easier, as expected.
Nagpunta na akong parking lot, ramdam ko naman na nakasunod sa likod ko si Amyr. Kaya pagdating ko sa kotse niya, pinabuksan ko agad yung passenger's seat door.
Pagpasok namin sa kotse. Nagstart agad siya ng engine.
"Sakin ka na ba laging sasabay? Ang hassle eh!" pag iinarte niya.
"Ang arte mo!" banat ko sa kanya sabay irap.
"Bakit ba di mo gamitin yung motor mo?" tanong niya.
"Walang may alam na ginagamit ko yun." sagot ko.
"Ngek! Eh bakit hindi ka magdrive? Imposibleng isa lang ang kotse niyo." nabadtrip na ko sa pagrereklamo niya kaya binuksan ko na yung pinto at akmang bababa pero hinatak niya yung braso ko. "Uy joke lang! Eto naman! Di mabiro!" natawa siya sa sarili niyang 'biro'
"Oh? Saan na tayo magt-trabaho?" tanong ko.
"Sa bahay nalang namin, kung okay lang sayo." sabi niya habang palabas kami ng gate. Sumaludo naman siya sa guard.
"Okay." yun nalang ang nasabi ko then he drove to our village.
"Anong oras?" tanong niya.
"Bukas na. Mga 10am."
"10am? Kakagaling ko lang sa training niyan." pag iinarte niya ulit.
"Oh, ano naman?" tanong ko.
"Syempre marami pa akong gagawin! Maliligo pa ko, tapos magbibihis. Tsaka magisa lang ako sa bahay bukas."
"Ano naman? Bawal na ba magpunta sa bahay niyo ng magisa ka lang?" tanong ko.
"Hindi naman."
"Hindi naman pala eh." nanahimik na siya pagkatapos nun.
Pagdating namin sa mansion, nasa labas ng gate si Ken. Hinihintay siguro ako.
"Alam ba ng kuya mo na ako kasabay mo?" tanong ni Amyr.
"Mm. Pero di ka niya kilala. Asarin mo nga yan." sambit ko sabay ngisi.
"Asar? What do you mean?" kinindatan ko lang siya then lumabas na ng kotse.
It looks like nagets ni Amyr yung sinabi ko kasi binuksan niya yung bintana ng kotse niya.
"Sunduin nalang kita bukas." sabay kindat. Napangisi naman ako.
"Sure." sabi ko then pumasok ng gate.
Kita ko naman sa sulok ng mata ko na napataas ng kilay si Ken sa sinabi ni Amyr at napanganga sa sinagot ko.
BINABASA MO ANG
5 days of Torture
Teen FictionKatie Ostrin. Maganda, mayaman, walang arte, simple lang ang buhay(?) will meet a guy na makakapaglabas ng lahat kanyang sama ng loob and will eventually be her best friend. Will this friendship will stay as it is, will go up another level or will b...