Chapter 12

17 0 0
                                    

Katie

"Luh? Ngayon na ba yon?!" tanong ni Anj.

Nasa loob kami ng office ngayon at we're talking about Amyr at kung nasan siya.

"Oo, ano ba Anj! Nunuod tayo later!" excited na sabi ni Celine.

"Eh? Paano yung mga gagawin natin?" tanong ni Mara.

"Luh, Mara? Kaltukan kaya kita? Di natin pwede mamiss yung laro ni kupal!"

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Doodle.

"Oo nga, alam mong tayo lang kailangan nun para mapawi pagod niya eh!" natawa na naman kami sa pagbabakla baklaan ni Calvin.

"Ang galing mo jan Cal! Qualified ka na maging beki!" pang-aasar ni Celine sa kanya.

"Wag na uy! Sayang lahi!" natawa kami lalo sa sinagot niya.

"Ano oras ba game ni Amyr?" tanong ni Frankie.

"3pm pa. Tapusin niyo muna mga ginagawa niyo para bukas, puro plano nalang about sa Miss Campus--" hindi natapos yung sinasabi ko nung pinutol ni Dood.

"De, pinalitan na. Miss MH na daw." napairap naman si Anj sa pagputol ni Frankie and then sinenyasan ako na i-continue yung sasabihin ko.

"Yes, para bukas makapagplano nalang about sa Miss MH and mapagtulungan na yung contest ng lahat ng clubs."

Nag-agree naman silang lahat and then we continued on our works.

~~~

"AKALA KO BA MANUNUOD KA?!" sigaw ni Amyr from the other side of the line.

Natawa naman ako sa pagmamaktol niya.

"Bakit ba yun?"

"Sabi mo manunuod ka ng game?"

"Bakit? Nagstart na ba?" tanong ko at parang natigilan naman siya.

"Hindi pa."

"O, hindi pa pala eh."

"Eeee, bat wala ka pa dito?"

"May tinatapos pa kasi ako! Manahimik ka na muna jan oy."

"Oo na! Pag natapos ang game to na wala ka pa di na kita papatawarin!"

"Baliw ka ba? Dahil lang dun?" tanong ko.

"Joke lang! Basta kelangan umabot ka ah! Kelangan namin ng tips in strategizing from you."

"Kayo kayo parin ba magkakakampi?" tanong ko.

"Oo, hindi daw kami pwedeng magkakampi ni Yuan kasi kaming dalawa ang captains from the two teams. Ang team daw na manalo this time ay ang maglalaro sa interhigh."

"Pano kung may mga pabuhat sa team na nanalo, tsaka pano yung pinaka magaling sa team na natalo, walang balak gawin si coach about that?" tanong ko.

"I'm not sure, baka mapagusapan pa. Pero since kami naman ang namili ng teammates, basically ganun na nga. Ang team na mananalo ang maglalaro."

"Okay, baka mamaya ako makakapunta. I need to finish this, bye!"

"Bye!!!" he ended the call and then I continued on what I'm doing.

After typing, umalis na ako ng office para magpunta ng canteen pero paglabas ko palang, nakaabang na sakin si Almira.

"Balita ko, ikaw daw ang pambato ng club niyo sa Miss Intrams?" tanong niya.

What the heck? Saan niya nakuha yun? Tsk! Makikichismis na ngalang di pa ayusin!

"Grabe ah!" napacross arms siya. "Natalo na nga kita sa botohan sa room but still you're trying to find ways para kalabanin ako?! Ano ba ang gusto mong mangyari?!"

5 days of TortureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon