Chapter 5

26 2 0
                                    

Katie

"Katie, kamusta na yung newsletter para sa last week's event? Kailan natin siya ire-release?" tanong ni Ange. Talking about the acquaintance party.

"Amyr, yung videos nung acquaintance party, pag okay na send mo sakin para mareview ko then irerelease ko na." sabi naman ni Cel.

"Frank yung design ipprint ko na mamaya! Kailangan ko na yun dalian mo na!"

"Nagddrawing pa ako Dood wag kang taranta!"

"Guys ang ingay niyo." saway ni Mara.

"Cel, kailan ba ang intrams?" tanong ni Calvin.

"Angeline! Okay na ba yung clips na nasend ko sayo kagabi?"

Tuloy tuloy lang silang nag ingay dito sa office. It's been 2 weeks. 2 weeks since the night Amyr and I went to Mom. 2 weeks na.

Nagtryout ang grupo nila Amyr sa frisbee, nakapasok sila Amyr at Jonas. Parehas sila Jonas at Amyr na bagong students dito this year pero si Jonas galing na siya dito noong 2nd year siya kaya kilala niya na yung ibang Frisbee Members.

Puro lessons lang ang naganap sa dalawang linggong nagdaan.

Amyr and I? We're good. Better than before. Nagaaway kami sa mga mabababaw na bagay pero unlike before na nagkakainitan talaga kami. We're good friends.

Napatingin naman ako sa office, ang ingay nila, puro sila sigawan.

Binagsak ko yung soda na hawak ko sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit yun nakagawa ng malakas na ingay na nakapagpahinto sa kanilang lahat eh karton lang naman yun. Siguro dahil kamay ko yung tumama sa mesa.

"Wala tayong magagawa kung ganyan kayo." nagkatinginan naman sila at umupo sa mesa. Kahit sila Calvin, Frank, Doodle at Celine umupo sa lamesa.

"So ano nang gagawin natin?" tanong ni Celine.

"Edi pagusapan ng mahinahon." kinuha ko ulit yung blueberry soda at sumipsip dun ulit at tinuloy ang pageedit ng picture sa laptop ko.

Nabalot kami ng katahimikan. Then tinignan ko si Angeline,

"Ano yung tanong mo kanina sakin, Anj?" panimula ko.

"Yung newsletter about the acquaintance party, kalian natin i-re-release?"

"Bukas." sagot ko.

Nagsimula na silang magtanungan but this time, isa isa na. Mas payapa na ang pamumuhay ko dito sa mundo.

Papunta na ako ngayon sa main entrance ng school kung saan ako sinusundo nila Ken pero tinawag pa ako nila Angeline.

"Kate!" lumingon ako. "Agahan mo bukas ha! Kailangan kumpleto tayo sa morning practice para sa intrams. Pag hindi tayo kumpleto magsesermon na naman si Sir at matatagalan bago magsimula. Konti lang mappractice natin." tumango nalang ako sa kanya. Wala akong gana masyado makipagusap. Pakiramdam ko ang dilim ng paligid.

Kung makapagalala sa intrams kala mo may sinalihan. Eh kung tutuusin kaya naman naming magpractice sa office kung tungkol sa NLC yung tinutukoy niya.

Nasa sasakyan na ako ngayon kasama ang mga kapatid ko. Naka earphones at di pinapakinggan yung mga sinasabi nila.

Nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa makarating sa mansion. Pag dating ko sa mansion, umakyat agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Di na muna ako naligo kasi pakiramdam ko nilalamig ako. Ginawa ko nalang muna yung mga homeworks ko then tinapos ko na yung Newsletter. Sinend kay Angeline then slept.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Z
z
z
z
z
z

Nagising ako maya maya. Pero laking gulat ko nang magising ako ng 10pm na.

5 days of TortureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon