That Sweet 16th Wish

152 8 12
                                    

That Sweet 16th Wish

This book is based on pure fiction. Any resemblances to real names, places, or organizations are coincidental and are based on the author's imagination.

Revised.

—————

Nykei's P. O. V

"Talaine! Sa'n ba kasi tayo pupunta? Kanina pa ata tayo naglalakad eh!" Reklamo ko sa babaeng nakaalalay sa likod ko.

She's Talaine Mikey Sanders, Tala for short, is one of my best friends. She is a sorceress. Matalino siya at may magandang sense sa fashion. Their family owns boutiques here in Unyx. So sabihin na nating mayaman siya, pero kuripot si gaga.

"Shh, malapit na— tska hoy! 'Wag mo sabing tanggalin 'yan. Ang hirap itali!" Sabi niya pagkahampas sa kamay ko. Sinusubukan ko kasing tanggalin yung piring sa mata ko. Napanguso na lang ako. Ang daming pakulo ng babaeng 'to eh.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pag-bukas ng pinto at bulungan sa loob ng isang kwarto.

"Shh! Eva naman eh."

"Ba't ako? Ayan si Rogue oh."

"Nananahimik kaya ako dito."

"Eva 'wag ka ngang makulit."

"Manahimik nga kayo! Tss."

I think I know what's happening...

Pumasok kami ni Tala sa tahimik— but for some reasons na taglay ng mga kaibigan ko nagawa nilang maingay, na kwarto.

"Okay! Nandito na tayo! Pwede mo Na tanggalin yung blindfold sa mata mo." Pagkasabi niya nu'n ay tinanggal ko na ang nakapiring sa'kin.

Sinalubong ako ng mga lobo na nagliliparan. I looked around and was amazed kung pano nila napaganda ang dorm namin. Maraming dekorasyon na nakasabit at may pa-confetti pa sila. My eyes landed on my six friends that are in front of me.

"Happy Birthday, Nykei!" Masayang bati nila sa'kin. Napangiti ako.

Yes, it's my birthday. I already told them na ayaw kong mag-celebrate, yet they still made an effort and tried to surprise me. I admit, it made me really happy.

"Nag-effort talaga kayo?" Nakangising tanong ko habang tinitignan ang mga decoration sa paligid. Our place looks nice and cute.

"Did you like it?" Tanong ni Aize na malaki ang ngiti. Sobra, Aize.

Aizekiel Montenegro, ang "pinakamabait" sa'min. What I mean by mabait is, she knows how to behave well. May pagkalutang at times pero mabait 'yan. She is also a sorceress like Tala.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, "Of course I do. I appreciate the effort guys."

"Syempre naman! Friends stay forever eh!" Tinaasan ni Charlotte ng kilay si Eva, "Anong connect?"

Nagkibit-balikat naman siya, "Dunno. Bluetooth I guess?"

"Mais, Eva. Mais," Irap ni Rogue.

Eva Jilgiane Palem, sabi nga ni Rogue, mais. Corny 'yan magjoke pero sinusubukan lang naman talaga niya kaming patawanin kahit siya lang natatawa sa jokes niya. If you ask me, siya ang pinakamakulit sa tropa namin. She is a werewolf like me.

Charlotte Jigs Calista, ang warfreak ng tropa. Pag bumuka bibig niyan akala mo nakalulon yan ng speaker. Halos araw-araw ding World War III kapag nagbabangayan sila nina Eva at Rogue. Pero kahit ganyan siya, maaasahan niyo talaga siya bilang kaibigan. 'Though she is a fairy, she is not in her fairy form right now kaya hindi siya kasing liit ng mga fairies na alam niyo.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon