CHAPTER 2

68 7 7
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 2

—————

3rd Person's P. O. V

"Just wear it!"

"Ayoko nga sabi! Sapakin kita eh."

"As if masasapak mo ako habang nasa katawan ako ni Aize," irap ni Charlotte kay Rogue. Pinasusuot niya kasi ng shorts si Rogue. Ito raw kasi ang signature style niya.

"I thought you agreed to this? Bakit ayaw mo 'ko sundin?"

"Di ko naman alam na pati pala sa pagdadamit kailangan mabago ang style natin. 'Di ba p'wedeng magkaron ng bagong style?!" Napabuntong hininga si Charlotte dahil do'n. Wala na siyang magagawa kaya tumango na lang siya.

"Tsk, fine! The way I do things then—"

"No, sweetie... I got that already. Sa araw-araw ko ba naman kayong kasama hindi ko pa makakabisado mga kilos niyo?" taas kilay na tanong ni Rogue habang naka-cross arms.

Napanganga si Charlotte dahil sa kinilos ng kaibigan. Napatango siya't napakamot sa ulo, "O...kay. You got it then. Pero ganyan ba talaga ako mag-salita?!"

Tumango si Rogue kaya napabuga siya ng hangin, "Okay. Mamaya na lang natin i-practice yung—"

Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya nang nakangising lumipad si Rogue habang may hawak na wand. Nagtransform din siya bilang isang fairy kaya bigla siyang lumiit, "You see, I already got that covered."

"Aish! Fine! Dun na nga ako kay Aize, tsk!" Irap niyang muli bago lumabas ng kwarto niya at iniwan si Rogue sa loob. Pinuntahan niya si Aize na kasama ni Tala.

"Straight body, Aize," utos ni Tala habang naka-upo at naka-cross legs. Tinuturuan niya si Aize kung pano siya lumakad.

Umupo si Charlotte sa tabi ni Tala. Tinignan siya nito't umirap, "Wag ka nga muna dito. Nadidistract si Aize sa 'yo eh."

"Eh anong gagawin ko? Katawan ni Aize 'to eh!"

"Mamaya ka na bumalik, do'n ka muna kena Eva. Shupeh!" Sabi pa niya't tinulak si Charlotte palayo. Napanguso ang dalaga at pumunta na lamang sa kinaroroonan nina Donna.

"Heyya!" Masayang bati sakanya ni Rogue na ngayon ay bumalik na sa kanyang normal na anyo.

"Okay, stop it. Kapag tayo-tayo lang, p'wede bang wag niyo i-akto yung ginagawa ng may-ari ng katawan na tinitirhan ng kaluluwa niyo?" masungit na sabi ni Donna. Napatikhim muna sila bago tumango.

"So... ang lagi mong aasarin ay... tayong magkakaibigan, hehe. Pero syempre tatargetin mo sina Charlotte at Eva— pwedeng yung nasa katawan nila or sila mismo," pagbibigay alam ni Rogue kay Donna na tumango-tango lamang. Magiging madali naman iyon dahil parehas nilang binabara ang mga nakakasalamuha nila.

"Yun lang. Tapos na ako dito, matutulog na ako," sabi nito't pumunta na sa sariling kwarto. Naiwan naman sina Charlotte at Donna na sabay na pumunta sa kwarto ni Eva nang makarinig sila ng nagsisigawan sa loob.

"No!"

"Wala kang magagawa. That's my body and you have to be and act like me," nakangising sabi ni Eva sa nakangusong si Nykei.

"Bakit kailangan pati ako mag-fangirl diyan sa crush mo?! No way!"

"Well, ayoko namang isipin niya na si Donna ang may gusto sakanya 'no." Napaisip naman si Nykei dahil do'n.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon