CHAPTER 7

41 5 26
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 7

—————

3rd Person's P. O. V

Agad na kumatok ang dalawa sa pinto. Napagkasunduan na kasi nilang ngayon na gawin ang pinlano nila noong nakaraang araw. Kaya heto si Aize at Charlotte ngayon, nakatayo sa harap ng pintuan ng dorm ng kakambal niya.

Makalipas ang tatlong minuto ay agad din naman itong binuksan ng isang babae kaya nabigla ang dalawa.

"Sino ka?!" Magkasabay pa nilang tanong. Inirapan sila ng babae, "What is it to you, huh?"

Kumulo ang dugo ng dalawa. Kung makapag-salita naman kasi ang babae ay akala mo kung sino. Walang sabi-sabi ay pumasok na sila sa loob ng dorm ng mga lalaki at binunggo pa ang babae kanina.

"Trevor Art Montenegro! You jerk! Bakit ka nagdadala ng babae sa dorm niyo?!" Galit na sigaw ni Aize habang hinahanap ang kakambal niya. Kusot-mata naman itong lumabas ng kaniyang kwarto na walang suot na pang-itaas.

"Damn, you don't have to shout my whole name."

Natulala naman ang dalawa pero agad ring nakabawi.

"Mag-suot ka nga ng damit! Wala ka namang ibabalandra eh!" Sabi ni Charlotte at binato ang dala niyang prutas sa lalaki. Sa kasamaang palad ay sa ulo nito tumama ang mansanas na ibinato niya.

Dinampot ito ng lalaki at tinignan siya ng masama, "Oh, it's on!"

Tumakbo ito papunta sa kusina at kumuha ng itlog sa refrigerator. Ibinato niya ito kay Charlotte kaya ginantihan siya nito at nambato naman ng saging.

"'Yan! Para magkaro'n ka naman!"

Napa-facepalm naman si Aize sa pag-aaway ng kakambal at kaibigan niya. Mali nga sigurong nag-punta pa sila dito.

"And who are you?" Napatigil siya nang marinig ang boses ng babae. Humarap siya sa babae, "Wala ka na do'n. What you need to know is kung saan ka dapat lumugar."

The girl gasped and slapped Aize. Napatigil naman sa pagbabatuhan si Charlotte at Trevor. Napatigil din sa paglalakad papasok ng dorm si Night. At nanlilisik ang matang tinignan ni Vort ang babae.

Marahas niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya palayo kay Aize, "Get the fuck out."

Natakot ang babae ngunit hindi siya nagpatinag, "B-but Vort you said—"

"I said get out!"

Tinignan muna niya nang masama si Aize at lumabas na ng dorm. Lumapit si Vort sa nakatulalang Aize at hinila ito papunta sa kwarto niya.

"Ngayon ko lang nakitang ganun si Vort," sabi ni Charlotte na nagpa-tango naman kay Trevor. Ngumisi si Night, "Ganun pa rin naman siya."

Nagtatakang tumingin ang dalawa sakanya.

"He still cares for her," ang tanging sinabi nito bago pumasok sa sariling k'warto.

"What's with him?" Tanong ni Charlotte.

Nag-kibit balikat si Trevor, "Dunno."

Ibinalik ni Charlotte ang tingin sa lalaking wala pa ring damit na pang itaas, "At bakit ka nagdadala ng babae sa dorm niyo? Bawal 'yon ah!"

Ngumisi ang lalaki, "Si Vort ang nagdala sa kaniya hindi ako." Binato naman niya si Charlotte ng slice ng cake at saktong napunta ito sa mukha niya.

"Trevor!"

—————

Chapter 7
Will You Be My Date?

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon