CHAPTER 20

18 2 15
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 20

—————

Rogue's P. O. V

Umaakyat ako ng hagdan papunta sa classroom namin dahil may pasok na ulit. Napatigil naman ako nang makita ko si Nash na nakatambay at nakabusangot na nakaupo sa isang step.

Anong ginagawa ng lalaking 'to? Wala ba siyang pasok?

Nilapitan ko siya at kinalabit. Tinignan niya ako sandali bago muling bumusangot. 'Luh?

Tinignan ko muna ang oras sa phone ko. I looked around at wala naman masyadong tao ang dumadaan, so I decided to sit beside him.

"Hoy, anong binubusangot mo diyan?" tanong ko.

"I don't think our plan is working," sagot niya na lalo ko namang ikinataka. Ano ba kasing plano yon?

"Why? Anong nangyari?" tanong ko na lang para kunwari alam ko diba. Di ko naman pwedeng sabihin na "anong plano?", edi nagtaka rin siya.

"Rogue doesn't talk to me anymore. I don't think she's ignoring me intentionally, pero lagi niya rin kasing kasama si Kurt," nguso niya. Duh? 'Andito ako. Ako kaya kausap mo.

"And?"

He looked at me at lalong siyang sumimangot, "Imbis na siya yung nagseselos, ako yung nagseselos ngayon."

Nagseselos? Bakit naman ako magseselos?

"Tigilan na lang kaya natin yung pagpapanggap na nililigawan kita? Hindi naman kasi gumagana eh. She doesn't even care," he sighed.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. I tried connecting his words at hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa nalaman ko.

So nagpapanggap lang silang nagliligawan just to make me jealous?

Anong iniisip ni Charlotte?!

Tumayo siya bago magpagpag ng pang-upo. Inalok niya sa akin ang kamay niya at tinignan ko lang ito.

"Tara na, baka malate tayo sa mga klase natin," sabi niya. Hindi ko hinawakan ang kamay niya at tumayo na lang mag-isa. Mukha naman siyang nahiya at pinangkamot niya na lang iyon sa ulo niya.

"Uhm, ano... Thank you for trying na tulungan ako," nahihiya niyang sambit. I reamined silent dahil wala akong masabi sa nalaman ko.

Nagsimula na siyang maglakad palayo pero agad kong hinawakan ang laylayan ng uniform niya. Napatigil naman siya't tumingin sa 'kin.

Shit! Anong sasabihin ko? Bakit ko ba ginawa yun? Huhu!

"Bakit?"

"You..." huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy, "Do you still like, Rogue?"

Nakita ko ang pamumula ng tenga niya. Saglit siyang nag-iba ng tingin bago ako ngitian, "Yes. I do."

"Kahit nireject ka na niya noon?"

Tumango siya, "Yeah. I understood what she told me before, and she's not wrong. I can be a little shy, but that's only because siya ang kaharap ko. I don't get shy around other people but her."

I was left speechless again dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam. Akala ko natural lang na boring siyang kasama. I should've just asked him why.

"Gusto ko rin 'yong baguhin sa sarili ko. That's why I wanted to try again, pero wala eh. Tumitiklop agad ako sa kanya."

"Then what about me?"

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon