CHAPTER 11

29 4 5
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 11

—————

3rd Person's P. O. V

"Olea!" Tawag ni Rogue sa babae. Nakalapit na siya rito. Hinigpitan niya ang hawak sa kandilang itinatago niya sa likod niya. Humarap ang babae sakanya na may ngiti sa labi.

"Oh! Hi, Charlotte! Thank you at pumunta ka sa birthday ko. I have to rest now. Enjoy!" Sabi ni Olea at tumalikod na muli.

"W-wait!" Hinawakan ni Rogue ang braso ng babae ngunit tumagos lamang ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya't tinignan muli ang babae. It's a hologram of the real Olea.

"Charlotte!" Lumingon siya upang tignan ang lalaking tumawag sakanya ngunit biglang namatay ang mga ilaw. May nagtakip ng panyo sa ilong niya. Sinubukan niyang lumaban pero huli na at tuluyan na niyang naamoy ang nakakahilong pabango.

—————

Chapter 11
Something from the Past

—————

Nykei's P. O. V

"So..."

Hindi na ako nag-abala pang humarap. Alam ko na naman kung sino ang dumating. Tsk.

Palihim kong minumura si Tala sa isip ko. Bakit ba kasi niya ibinigay ang lokasyon ko sa lalaking 'to?

Naramdaman ko ang pag-lapit ni Night sa likod ko. Humarap ako sakanya na salubong ang kilay.

Night placed his hands on the balcony's railing, cornering me with his arms, "You weren't good at being Eva."

"I don't know what you're talking about," walang emosyon kong sambit. Night chuckled.

"Really?"

Kumunot ang noo ko at tinulak siya palayo, "What do you want?"

"I want to help."

Mula sa ngisi niya ay naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko natuloy ang dapat sasabihin ko nang makarinig ng mga tilian. I looked below and saw people running hysterically away from the ballroom. Nagkatinginan kami ni Night.

We ran together to the ballroom. I need to find them. Baka kung ano na ang nangyari sa mga 'yun—

I cursed myself for thinking that way. But what could I do? I'm just concerned for my friends.

We entered the room and saw how chaotic it became. People were frantically trying to escape. Food and plates were scattered. Shattered pieces of glass were on the floor— it was a total mess!

May tao pa kaming nakabunggo kaya nag-tanong na ako, "Mister, ano pong nangyari dito?"

"B-bigla na lang n-namatay yung ilaw. Ta's nakita na lang namin nagsasapakan na sila," sabi niya't tinuro ang grupo ng mga lalaki, "M-may baril din yung mga naka-itim! Sabi nila magpapaputok sila ng bomba!"

Nanlaki ang mga mata namin ni Night. Tumango ako at nagpasalamat. Bakit ba kami nadamay sa gulong 'to?

My eyes scanned the room for any sign of the girls and I saw Nash punching a guy's face. We rushed over to their direction and saw Trevor and Sid doing the same. Sumugod na rin si Night para tulungan sila.

I pressed the button on my earpiece, "Girls, asan kayo?!"

"Why? What happened? Pabalik na kami ni Kurt. Bakit may mga nagtatakbuhan?" sunod-sunod na tanong ni Donna. I still searched for the others, but I can't see them anywhere.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon