END

13 1 7
                                    

That Sweet 16th Wish

Just like how the sun shines the brightest after the rain,
All your problems will be resolved.
Do not be afraid to lean on your friends for support.
They are with you for a reason.

—————

Nykei's P. O. V

"P're, ang tagal mo!"

"Teka lang kasi diba? Nag-aayos pa ako eh!"

"Aize yung mga torotot?!"

"Hala naiwan ko sa dorm!"

"Shh! Ang ingay niyo! Malapit na sila!"

Nagkatinginan kami ni Eva at kapwa natawa dahil sa mga kaibigan namin. Wala na. Sira na ang surprise namin.

"I knew it," Eva chuckled as she put her arm around my shoulder. I held her arm na nakaakbay sa 'kin habang naglalakad kami.

"Just pretend to be surprised," I told her. Mas lalo siyang natawa at tumango na lang.

Nang makarating na kami sa gitna ng forest ay sinalubong kami ng mga paru-paro. We looked around and smiled nang makita ang lima naming kaibigan na nakaupo sa mga nakalatag na kumot sa may damo na lupa. May mga suot silang party hat sa ulo at may mga balloons din na nakasabit sa ibang mga puno.

"Happy birthday, Eva!" they all shouted— kaso hindi pa sabay-sabay. I nudged Eva's side kaya medyo napaaray siya at bumitaw sa pagkakaakbay sa 'kin.

"Woah! Nagulat ako! Parang maiiyak ako sa surprise niyo," kunwaring gulat na sambit ni Eva. May patakip-takip pa siya sa bibig at ang isang kamay niya ay pinapaypayan ang sariling mata. Parang timang, diba?

"Tsk, 'wag ka na magkunwari. Alam naming narinig niyo kami," irap ni Charlotte at nagcross-arms pa. Rogue glared at her bago hilahin ang rubber ng party hat ni Charlotte at bitawan rin ito ng mabilis. Charlotte hissed because of the pain and massaged the part where the elastic hit her.

Gaganti pa sana si Charlotte sa kaniya kaya agad siyang pinigilan ni Aize, "'Wag kang gaganti, baka masunog 'tong forest."

Napahalakhak naman kaming lahat nang manahimik na lang si Charlotte.

"Hala sige, pagtawanan niyo ako!" naiinis niyang sabi.

"Ikaw, gurang ka," itinuro niya si Eva, "sa susunod hindi na ako sasama sa birthday mo!"

Eva raised an eyebrow, "Did I even invite you?"

"Aba talagang—"

"Joke lang, Charlotte, masyado kang matampuhin," paglalambing ni Eva at tumakbo upang yakapin ito, "Alam ko namang mahal na mahal mo 'ko."

"Yuck!"

"'Luh? Maka-yuck ka! Ikaw nga diyan humahalik sa pisngi ko!"

"Oh bakit, gusto mo pa? Oh sige, 'eto."

"Dugyot, p're," reklamo ni Eva at nilayo ang mukha ng nakangusong si Charlotte. Lalo naman akong natawa dahil sa itsura nila. Umupo na rin ako sa tabi ni Tala at tinignan ang mga pagkaing dala nila.

Put—

"Bakit puro junk food?!"

Donna chuckled bago tignan si Rogue. Kasalukuyan siyang umiinom ng coke habang may chips ang kabilang kamay niya.

"What? Sabi niyo picnic!"

"P're, sa picnic kailangan may mga sandwiches din or fruits. Hindi yung puro tayo chichirya," natatawa kong paliwanag. Napakamot siya sa ulo niya bago ilabas ang basket mula sa likod nila ni Charlotte, "Sabi ko nga."

"Oh, babaita, isuot mo na 'to," sabi ni Tala at isinuot sa 'kin ang isa pang party hat.

"Tama na 'yang harutan, kumain na tayo," saway ni Donna kena Eva't Charlotte. Tinawanan muna namin sila bago magsimulang kumain.

—————

"Hoy! Sino yung nanulak?!"

"Hulaan mo! Hahaha!"

"Hindi mo kami mahahanap, Eva! Alululu!"

"Ano ba 'yan, ang tagal maghanap!"

"Teka lang may piring ho ako 'no?!"

I giggled while listening to their conversation. Naglalaro kasi kami ng taguan— oo, sa gubat. Hindi naman mawawala si Eva dahil gumawa ng invisible barrier sina Tala at Aize para hindi siya lumagpas mula sa mga pinagtataguan namin.

Kanina pa rin naghahanap si Eva kaya ginugulo na siya nina Charlotte at Rogue. Ewan ko ba kung bakit di niya pa rin nahahanap yung dalawa eh nasa likod lang naman niya—

I froze on my spot nang tumapat sa 'kin si Eva. Bwisit! Bakit sa'kin pa?!

"May naaamoy ako dito," sabi niya at kumapa-kapa. Dahan-dahan akong lumalayo sa kaniya kaso may natapakan ako na gumawa ng ingay.

"Aha!"

"Ahh!" I shrieked at napatakip sa dibdib ko kasabay ng pagtumba ko sa lupa.

NAHAWAKAN NIYA YUNG— Jusko! Naitulak niya kasi ako pagkahawak niya sa dibdib ko. Amp!

Tinanggal ni Eva ang piring niya at tinignan ako. Halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Flat na nga yung nahawakan ko, magiging flat pa yung pwet mo," natatawa niyang asar. Agad na nagsalubong ang kilay ko kaya nawala ang ngiti niya.

"Ah— eh— Nykei kumalma ka— Wahhh! Sorry na!" sigaw niya habang tumatakbo. Agad ko siyang hinabol at pinagbabasa ng tubig.

"Hoy, sali kami!" rinig naming sabi ng iba. Napatingin ako sa kanila kaya nakita ko kung pano malaglag si Aize mula sa pinagkakapitan niyang puno. Tumawa nang malakas si Donna kaya binasa siya ni Aize ng tubig.

And yes— just like that, Eva's birthday became messy.

—————

Pagkatapos ng mga harutan namin ay nagpahinga kami ng saglit sa mga kumot. We enjoyed the quiet atmosphere na sinabayan ng panonood namin sa mga ulap.

Nagpakawala ng hangin si Rogue bago mag-inat at humiga sa hita ni Eva. Gano'n rin ang ginawa ni Charlotte. Si Donna naman ay isinandal ang ulo niya sa balikat ni Eva bago ipikit ang mga mata. Si Aize ay kanina pang nakahiga sa kumot at nakangiting pinagmamasdan ang paligid.

I smiled while looking at them. Naiinggit ako. Sana all nakahiga.

Kaya naman humiga rin ako sa hita ni Tala. Medyo napasimangot siya kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Wala na siyang nagawa kun'di ang pabayaan ako.

Unlike before, we feel much more comfortable around each other. No more guilt, confusion, nor secrets between us. Because of that one wish I made, we finally understood each other. We knew how hard it was to be in each other's shoes, and our bond became stronger because of that.

Muli ko silang tinignan. A beam of happiness formed on my face as I saw their faces. The six of them are my friends, my second family, and my home. Alam kong kapag isang araw ay may dumating na problema, nandyan sila para sumoporta sa 'kin.

My friends will always be with me through my journey. They have always been with me from the start, and I know they'll be here 'til the end.

—————

End

—————

That Sweet 16th Wish
©2020 pijjustine

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon