CHAPTER 17

17 2 3
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 17

—————

Tala's P. O. V

"Tala." Nagitla ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sumalubong sa 'kin ang mukha ni Aize. Nakikita ko ang pag-aalala aa mga mata niya.

I showed her a faint smile, "I'm fine, Aize."

"Sigurado ka ba? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo," aniya. Natahimik ako. Saglit kong tinignan sina Vort at Charlotte na nasa unahan namin.

"Mamaya ko na lang sasabihin," mahina kong sagot. She sighed at tumango na lamang.

I looked at my surroundings. Nasa Winbourne village kami. Ang sabi nina Rogue ay nakapagtanong na raw sila dito ngunit gusto lang naming makasigurado. Baka kasi may hindi pa sila napagtatanungan.

Napansin kong tahimik ngayon sa lugar na ito. Sarado ang mga bintana at pintuan. Wala kang maririnig na kahit ano. Nakakabingi. Nakakalungkot.

"It's witching hour," rinig naming banggit ni Vort. Nakatingin siya sa relo niya habang sinasabi iyon.

Wait— it's only 2:45 p.m. Mula tanghali pa kami umalis ng school. Isn't the witching hour supposed to start at 3 a.m.?

"The time here is different. Tala, can't you feel the heavy presence?" tanong niya sa 'kin. Umiling ako. I looked at Aize at natulala siya.

"Well, now that you've pointed it out..." she paused, "I can feel something else."

We looked at each other. My eyes rounded nang mapansin kong nag-iba ang tingin niya.

Shit.

I sharply looked at Vort and Charlotte, "Let's find Ruby. Now."

Nagtaka silang dalawa. I know na dapat si Emerald ang hanapin namin. But Ruby has different knowledge in magic.

"Red house... along the foot of the mountain. Let's go."

—————

Chapter 17
Reasons

—————

Nykei's P. O. V

Muli akong napabuga ng hangin habang nakasalumbaba sa lamesa. Kunot-noo naman akong nilingon ng kasama ko.

"Hoy babae! Anong binubusangot mo diyan?" tanong ni Rogue bago muling sumubo ng cake. I glimpsed at her but she didn't notice. Patuloy pa rin siyang kumakain. Baka naman mabulunan 'to.

"You told Aize na 'wag akong isama," I snorted. She frowned before looking at me. Nilunok niya muna ang nasa bibig niya bago magsalita, "Ako ba si Eva?"

Muli akong napabuga ng hangin at sumandal sa upuan habang nakahalukipkip. I just can't help but worry. Paano kung may mangyari sa kanila?

"Don't worry. Vort is with them." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Trevor. Hinila niya ang upuan sa tapat namin ni Rogue at umupo do'n. May hawak siyang tinidor at kukuha na sana ng cake kay Rogue kung hindi lang nito hinampas ang kamay niya.

Ngumuso si Trevor, "Damot."

Rogue rolled her eyes bago ipagpatuloy ang pagkain. Muli niyang binaling ang atensyon niya sa 'kin, "Anyway, 'wag ka nang sumimangot diyan. Alam kong ligtas sila."

"I sure hope so. Hindi ko kasi maiwasang mapaisip. I want to help kasi alam ko namang sa 'kin nagsimula ang problemang 'to," malumanay kong sabi. I sighed at napahilot sa noo ko.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon