CHAPTER 6

37 5 24
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 6

—————

Charlotte's P. O. V

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko. May naririnig na naman akong mga sigawan mula sa labas. Tinignan ko ang orasan sa side table. 4:45 a.m pa lang pero nagsisigawan na agad sila? Argh!

What could possibly be the reason of their fighting this time?

Bumangon ako at nagkukusot ng matang naglakad papunta sa sala ng dorm namin. Muntik pa ako matalisod. Tinignan ko ang paligid at nakita ang kalat-kalat na labada, mga chips, magazines, pillowcase and feathers, mga lata ng coke, pizza boxes, at madami pang iba.

Lintek na— nag-party ba sila kagabi?! Natulog lang kami ta's ganto ang maaabutan namin sa umaga?

"Lactum 'yan!"

"Lactum ka diyan?! Bonakid! Wala pa nga atang bagong commercial ang Lactum eh!"

"Ah basta! Sure akong Lactum 'yan."

"Mag Bonakid Preschool 3+!"

"Oh! Hahaha sabi sa 'yo eh! Pa-Lactum-Lactum ka pa diyan!" sabi ni Rogue at binatukan si Eva. Anong ginagawa nila? Naghuhulaan lang naman ng commercial.

"Hoy! Ang aga-aga ang dami niyo nang kalat!" nakapamewang kong sumbat sakanila. Sabay silang lumingon sa 'kin. Grabe! Gulo-gulo ang mga buhok nila at si Eva naman ay nagdudugo ang gilid ng labi. Ano bang nangyari sakanila?

"Donna did that," sabi ni Eva habang tinitignan ang mga nakakalat. 'Lah? Pinagbintangan pa si Donna.

"Anong si Donna? Tulog pa kaya yung tao!" sabi ko na nagpa-irap sa kanilang dalawa. Tumayo si Rogue at hinawakan ang kamay ko, "I'll show you."

Hinigit niya ako papunta sa kwarto niya at nakasunod naman si Eva. Napatingin ako sa braso ni Rogue at napansing may kalmot siya dito. Yung mga kalat naman ay papunta nga sa kwarto niya. Binuksan namin ang pinto ng kwarto at bumungad sa 'kin si Donna na nakatali sa kama ni Rogue.

"What the—" agad na tinakpan ni Eva ang bibig ko.

"Baka magising siya. Mamaya na kami magkuk'wento. For now, tulungan mo muna kaming linisin yung mga kinalat niya." Tumango ako sa sinabi niya at tahimik naming sinarado ang pintuan ng kwarto.

—————

Chapter 6
Invitation

—————

Charlotte's P. O. V

"Okay, so what happened?" tanong ko bago sumalampak ng upo. Ganun din ang ginawa nila sa mga bean bag.

Andami naming nilinis! Nagtagal pa nga kami sa pagtatapon ng basura. Hindi kasi namin mapagkasya sa pagdaan sa labas ng pinto. At dahil may angking kalokohan si Eva ay sabi niyang sa bintana na lang namin idaan. Eh ang nangyari, sumabog naman yung laman ng garbage bag ta's nasaktohan pa'ng may tao sa baba.

So smart eh?

"Oo na! Di makapag-hintay 'te?" Sabi ni Eva at huminga ng malalim, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi akong maagang gumising dati at si Rogue ang pinakahuli?"

Napa-isip ako sa tanong niya. Oo nga, siya ang laging nauunang gumising sa 'ming pito. Siya na nga din ang nag-luluto ng agahan. Si Rogue naman ay lagi naming pinagbibintangang puyat o tulog mantika. Naisip nga namin na dahil sa si Eva ang pinakamatanda ay kaya siya ang nauunang gumising at dahil pinakabata si Rogue, siya ang parating nahuhuli.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon