CHAPTER 16

20 2 5
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 16

—————

Tala's P. O. V

"To change elenxi to animals, the spell that is safest to use is Allata," Angela recited habang tinatakpan ang mata niya.

I nodded habang nakatingin sa notebook na binigay niya sa 'kin. She's reviewing for her next class dahil may test sila ngayon. Parehas kaming sorceress so I thought I could help her kahit sa simpleng pagrereview lang sa kaniya. But since Nykei is a wolf, it might be weird that she decided to help a sorceress review.

Pero curious din naman sa mga bagay-bagay si Nykei kaya hindi ako pagdududahan ng iba. I can just use the excuse that I want to know what sorceresses do.

Napasabunot siya sa buhok niya habang pilit na inaalala ang iba pang spell. Nagpakawala siya ng hininga bago magsalita muli, "Reversion spells are complex and only those who have been studying sorcery for a long time could be able to perform the spell correctly."

Napahinto ako nang mabasa ko sa notebook ang sinabi niya. I forgot about this spell. Matutulungan kaya kami ng spell na 'to? I can ask for Aize's help, right!

"Wooh! I think 'yun lang naman ang mga kailangan ko," sabi niya't pinaypayan ang sarili niya gamit ang kamay niya, "Salamat sa pagtulong ah?"

Tumango ako muli at ngumiti. Kinuha niya sa 'kin ang notebook niya at nag-ayos ng gamit.

"Ah, angela," I called her. Tumingin siya sa 'kin ng saglit bago muling nag-ayos, "Bakit?"

"Do you happen to have a copy of the Reversion spells? Can I have a copy too?" kagat-labi kong tanong. Nagtaka siya at tinignan akong muli, "Why? Where would you use it?"

"Well, kilala mo si Tala diba? She needs to have a quick review dahil isa yon sa lessons nila. Gusto niya daw mag-advance study eh," palusot ko, "Don't worry, ibabalik ko rin pagkatapos niya."

"Hmm," naghalungkat siya sa bag niya at mukhang hinahanap niya ito. She hissed nang hindi niya ito makita, "Damn it, Marius."

Napakunot ang noo ko, "Bakit?"

Angela sighed before looking at me, "Hiniram din kasi 'yon ni Marius sa 'kin kasi may kung ano daw na ginawa si Trevor sa dorm nila. Hanggang ngayon hindi pa niya ibinabalik."

"Ah," nasabi ko na lang habang tumatango. Palihim akong sumulyap kay Marius na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. We haven't talked for long.

"Don't worry, I'll—" saglit siyang napatingin sa orasan at nanlaki ang mata, "Hala! Late na ako!"

Nagmamadali niyang inayos ang mga gamit na dadalhin niya. Isinukbit niya ang bag sa balikat habang may bitbit na mga libro ang kabilang braso. "Sorry, Nykei... siguro mamaya na lang, or if Tala really needs it maybe you can borrow it from him?"

Ngumiti ako bago tumango, "Sure... Don't worry about it. Pumunta ka na sa class mo."

She waved goodbye bago tuluyang lumabas ng classroom. Napabuntong hininga ako bago tignan si Marius mula sa malayo. We are not in good terms and I feel bad. Feeling ko sinasabotahe ko ang pagkakaibigan nila ni Nykei, and I can't deny it.

Sa lahat ng pwede mong magustuhan, bakit kaibigan ko pa?

—————

Chapter 16
Hidden Feelings

—————

Katatapos lang ng period at nadatnan ko si Marius sa tapat ng classroom namin. Tahimik siyang nakasandal sa dingding at nakayuko. Mukhang malalim ang iniisip niya. Tumikhim muna ako bago siya lapitan.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon