CHAPTER 13

11 2 1
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 13

—————

Nykei's P. O. V

I sighed deeply as I entered the room. Madaming mga estudyanteng naghaharutan sa bawat sulok ng classroom. Naghanap ako ng mauupuan at napatigil sa paglalakad nang mapansing isang upuan na lang ang bakante. I looked at the person na nakaupo sa tabi no'n. He smirked when our eyes met.

I frowned. Shit.

—————

Chapter 13
Different from First Look

—————

"Are you still not gonna let me help you?" rinig kong tanong ni Night. I ignored him at nagkunwari muling natutulog. I really don't want to talk to him nor look at him kaya dumukdok na lang ako sa desk ko.

"I know you're not sleeping. At para sa kaalaman mo, pinagtitinginan ka ng iba nating kaklase," muli niyang bulong na nagpamulat sa 'kin. Itinaas ko ang mukha ko at halos sabay-sabay na nagsialisan ng tingin ang iba.

I looked at Night and whispered, "What's their problem, Mortel?"

He shrugged, "No offense but... We know Eva is usually weird, pero she's even weirder today. Ang sungit niyang tignan."

I frowned. Did he just insult my friend to my face? To think na naging crush siya ni Eva ng ilang taon, tapos ganito pala ugali niya? Argh! Kumukulo dugo ko sa mukha ng lalaking 'to.

"What's even weirder is her crush is talking to her right now, yet she's frowning like she just stepped on a crap," dagdag niya. I let my mind process what he just said.

So he was not insulting Eva. He's referring to me! Hindi ko alam kung mahihiya ako o maiinsulto sa mga una niyang nasabi.

Huminga ako ng malalim bago siya tignan ng masama, "Oh really? What makes you say na mukha akong masungit?"

"Well, for starters," he crossed his legs and talked casually, "hindi siya tatabi sa 'kin, but since wala nang natitirang pwesto that can't be questionable. She would also come inside with a smile and greet some of her friends."

Kumunot ang noo ko, "Why won't she sit beside you?"

"Oh come on, sino ba'ng makakapagfocus kapag katabi crush nila?" he asked as if it was so obvious. I rolled my eyes. He actually has a point. Ayaw ni Eva na nadidistract kapag nag-seseryoso siyang mag-aral.

"Wait— how long have you known na crush ka niya?" tanong ko out of curiosity. Wala naman kasi akong maalala na nagkwento sa 'min si Eva na umamin na siya kay Night.

He raised an eyebrow, "How would I not know kung sa tuwing lumalabas ako may nakikita akong nagtititili sa gilid at hinahampas ang mga kaibigan niya?"

"Hindi ba pwedeng nakakita lang ng gagamba—"

"Omayghad si Night pinulot yung hinulog kong ballpen!" he whisper shouted in a high pitched tone. Nagpigil ako ng tawa. Okay, si Eva nga 'yon.

Bakit mas magaling rin siya manggaya ng iba kesa sa 'kin. I pouted. Dapat nagpapractice ako mag-isa sa dorm, aish!

"Did you know na nalungkot siya nung tinapon mo yung ballpen? You could've kept it, you know?"

"Really? Kahit ubos na yung ink?"

Parehas kaming natawa. Hindi naman pala gano'n kasungit ang lalaking 'to tulad ng sinasabi ng iba. And I guess we started at the wrong foot. We just had a bad first impression of each other.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon