CHAPTER 10

26 5 11
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 10

—————

3rd Person's P. O. V

"Bagal!" reklamo ni Trevor at tumingin sa relos niya. Sa totoo lang ay kararating niya lang at pinag-t'tripan lamang ang mga babae. Kumatok ito ng malakas sa pintuan.

"Sandali! Atat ka ba?!" rinig niya mula sa loob. Pinag-buksan siya ng pintuan ni Charlotte.

Sumalubong sakanya ang bagot na mukha nito. Naka-curler pa ang buhok at halatang hindi pa naaayusan. Naka-roba lang din ito kaya napatakip sa mata si Trevor.

"'Wag kang OA, naka-sando at shorts ako sa loob, psh!" Sabi niya at pumasok sa loob. Pumasok na rin si Trevor sa loob at muntik pang matamaan ng sapatos sa mukha.

"What the hell are you doing in here?!" inis na tanong ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya nang mapansing hindi pa pala naka-ayos ang mga dalaga.

"Hindi pa ba kayo tapos?! 5:30 p.m na oh! 6:00 p.m magsisimula yung ball!"

"Bopols! 4:30 pa lang! Masyado kang advance mag-isip," irap ni Nykei at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok ni Rogue. Nag-tawanan ang iba kaya napakamot sa batok si Trevor, "Jeez, fine. Tawagan niyo na lang ako 'pag tapos na kayo."

Napa-iling na lang sila nang tuluyan na ngang umalis ang lalaki.

—————

Chapter 10
The Party

—————

"Damn, Eva. Kailangan ba talagang labas cleavage ang piliin mo?" Nakangiwing sabi ni Donna sa kaibigan.

"'Di ko nga din alam na malalim pala 'to huhu," mangiyak-ngiyak na sabi ni Eva habang tinatakpan ang dibdib niya.

"Wag ka mag-alala, wala namang makikita diyan. Hahaha!" asar ni Rogue sakanya.

"Nagsalita ang meron," sabi ni Eva't umirap. Nag-tawanan sila nang malakas na hinampas ni Rogue si Eva.

"Tawagan niyo na nga yung boys," utos ni Tala.

"Ba't 'di ikaw? Ikaw naka-isip eh," ngising sagot ni Charlotte sakanya.

Tala smiled mockingly, "Sige. Ikaw magpa-labas kay Aize, ha? Tignan natin kung di mo mapunit yung damit kakahila sakanya, tsk."

"Ako na tatawag sa boys. Mag-aaway pa kayo eh," pokerfaced na sabi ni Nykei at tumayo.

"Mag-chill kasi kayo," malambing na sabi ni Eva. Lumabas na si Nykei para tawagin ang mga lalaki sa kabilang dorm.

"'Asan ba si Aize?" tanong ni Donna sa dalawa. Sabay naman nilang tinuro ang kwarto ni Tala. Nagkatinginan silang lima bago napag-desisyunang puntahan na ito.

"Hoy, di ka pa ba lalabas diyan?" mataray na tanong ni Charlotte sa babaeng nakatalikod. Umiling lang ito at hindi manlang sila hinarap.

"You know, hindi lang naman ikaw ang flat na nag-suot ng kita ang cleavage," ngising sabi ni Rogue habang nakatingin kay Eva. Inirapan lamang siya nito. Nakanguso silang hinarap ng babae at lumabas na mula sa kwarto ni Tala.

"Anong inaarte-arte mo diyan? Eh ang ganda na nga ng pinili ni Tala sa'yo eh!"

"'Di mo ko gets, Charlotte! Hindi naman bagay sa 'kin eh!"

"'Di mo naman sinuot sa katawan mo eh!" katwiran ni Eva. Sumang-ayon naman ang mga kaibigan niya.

"You cannot say na hindi bagay sa 'yo ang isang damit hangga't di mo pa nasusubukang mahalin ito habang suot mo," nakapamewang na pangaral ni Tala. Ngumuso muli si Aize at saka tumango, "Oo na. I'll try to enjoy wearing this gown."

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon