CHAPTER 4

62 7 9
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 4

—————

Donna's P. O. V

"Eva, p'wede mo ba akong samahan bukas? May kailangan kasi akong puntahan. Act like me okay?" sabi ko na nagpa-taas ng kilay nila.

—————

Chapter 04
Being You Is Easy

—————

Donna's P. O. V

"Sa'n ba tayo pupunta, lalabs?" tanong ni Eva.

"Imi-meet natin yung bestfriend ko. Magugulat ka pa sa makikita mo, haha!" sabi ko at ngumiti. Naguluhan naman siya. Kanina pa kasi kami nag-lalakad papunta sa kung sa'n mang lugar nandoon ang bestfriend ko. Baka matuwa pa nga siya sa kasama niya eh.

Finally, nakita ko na ang café na sinasabi niya. Agad akong nagpunta sa tapat nun at sumunod rin si Eva habang tinitignan yung café. Hinila ko siya kasi parang ayaw niya pa pumasok.

"Lalabs naman! Chill ka lang, okay? Masyado kang excited eh!" Natatawa niyang sabi.

"Bagal mo kasi! Haha," sabi ko at hinanap yung bestfriend ko.

"Donna!" napalingon kami ni Eva sa tumawag sa 'kin. Lumaki ang ngiti ko nang makita ko siya. Tinignan ko si Eva at nginisian siya, "Sabi sa 'yo eh."

Hindi niya ako pinansin at parang gulat na naka-tingin lang sa bestfriend ko. Ni hindi nga niya ata napansin ang crush niya na pinsan nito. Sadyang nakatingin lang siya ng diretso.

Ilang minuto din bago niya ako tinignan at bumulong, "He's your bestfriend?"

—————

Eva's P. O. V

"He's your bestfriend?"

Nakangiting tumango si Donna sa tanong ko. Tinignan ko ulit ang lalaking nasa harap namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magtititili ba ako dahil kasama niya yung crush ko o kaya ay maiinis dahil sa presensya niya?

"Long time no see, haha!" sabi ni Sid at niyakap ako. Nag-aalangang tinignan ko si Donna. Nginitian niya ako at tumango.

Labag man sa kalooban ko ay niyakap ko siya pabalik. Bumibilis ng tibok ng puso ko. Hindi nag-tagal ay kumalas din naman siya agad kaya nakahinga ako ng maluwag. Hanggang ngayon pa rin pala ay hindi pa ako handang makita siya.

Sid, he's my asshole ex-boyfriend.

"Hi Rogue!" ngiti niyang bati kay Donna. At dahil nga nasa katawan siya ni Rogue ay tumango siya ng nakangiti.

"I hope you don't mind... sabi kasi ni mommy i-sama ko si Night. Okay lang ba?" sabi niya habang naka-akbay kay crush— este kay Night. Tinignan naman ako ni Night at ngumiti ng matamis. Letsugas! Pa'no ba mag-pigil ng kilig?!

Buti na lang napigilan ko. Nakita ko mukha ni Sid eh... nakaka-irita. Hindi ko na alam kung sa'n ako magcoconcentrate, huhu!

"Earth to Donna?" Tawag pansin sa 'kin ni Sid habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha ko.

"H-ha? Ah oo, okay lang," nakangiti kong sabi. Wooh, keep it up Eva. Para kay Donna 'to!

"Oh, edi tara na!" excited niyang sabi. Tahimik si Night kaya napatingin kaming tatlo sakanya. He was looking at me. Eye to eye! Bakit niya ako tinitignan?

"I think mas maganda kung kayong dalawa na lang. Para mas ma-enjoy niyo ang quality time niyo kasama ang isa't-isa," he chuckled. Nanlaki naman ang mata ko. Kaming dalawa ni Sid? Iiwan nila kami?! Ayoko! Okay sana kung siya ang kasama ko! Mas gugustuhin ko pang magpa-iwan kasama siya.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon