CHAPTER 12

32 4 4
                                    

That Sweet 16th Wish
Chapter 12

—————

Donna's P. O. V

It's been weeks since the incident. Nakalabas rin agad ng ospital sina Aize. Wala eh, strong sila. Kahit pilitin pa namin silang magpahinga ay nagpupumilit pa rin silang makalabas. Sina Eva na rin ang nag-ayos ng enrollment namin habang nasa ospital sina Charlotte.

I prepared the breakfast para mamaya ay makakain agad kami't makaalis na. Maaga kasi ang pasok namin. May mga event pang inihanda ang school organization para ma-welcome ang mga bagong papasok do'n. It's like an acquaintance party for all of us. Sa una, masaya naman kaso habang tumatagal nagiging boring na. Pa-boring na ng pa-boring yung events nila. Siguro kasi nasanay na kami.

"Oh, ang aga mo naman ata?" I looked behind me and saw Eva. I rolled my eyes jokingly, "Says the one who's already wearing her school uniform."

She looked at herself and pouted. Inayos niya ang palda niya at ngumiti sa 'kin.

"Hindi ka naman excited niyan?" natatawa kong asar.

Tumawa rin siya at lumapit sa 'kin, "Sige na, ako nang bahala diyan. Mag-ayos ka na rin."

Tumango ako at tumungo sa kwarto ni Rogue. Inihanda ko na ang mga isusuot ko. Kinuha ko na ang towel at mga undies na gagamitin ko at pumasok sa banyo.

—————

Chapter 12
Back to School

—————

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ng ingay nila. Nag-tatawanan sila habang inaasar si Charlotte. It feels good na makita silang masaya.

"'Andyan na pala si Donna! Tara kumain na tayo," pagyaya ni Nykei. Umupo na ako sa tabi nila at nagsimula na kaming kumain.

"Nakakagutom mang-asar!" reklamo ni Tala habang sumasandok ng kanin.

"Kaya nga tumataba si Eva eh," asar ni Rogue.

"Eh? Nag-d'diet na nga ako! Ba't ikaw 'di tumataba?"

"Kase cute ako," full of confidence na sagot ni Rogue.

Kumunot ang noo ni Aize, "Ano'ng connect nun?"

Sasagot na sana si Rogue kaso napatahimik siya. Natawa kami nang nag-kibit balikat lang siya at sumubo na ulit. Pagkatapos kumain ay niligpit na namin ang mga pinagkainan. We grabbed our bags at sabay-sabay nang lumabas.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Paglabas kasi naming ng dorm ay nakita namin sina Marius at Kurt na nagsasayaw na parang cheerleader. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao ditto sa labas. Mabuti at kaunti pa lang ang gising ngayon.

Nagkatinginan kaming mga babae. Di ba nila kami napapansin? Sina Rogue at Tala ay nagpipigil ng tawa habang vinivideohan sila. Si Eva naman ay tinatakpan ang bibig ni Charlotte na kaunti na lang ay hahagalpak na ng tawa. Napatingin kami sa kalalabas lang na si Night. Taas kilay niya kaming tinignan kaya itinuro namin yung dalawa. Tinanggal niya ang earphones niya at kunot noong tinignan sina Kurt. Lumabas rin si Trevor kasunod niya.

"Ang ingay niyo naman." Reklamo ni Trevor sakanila. Napatigil sila sa pagsasayaw at tinignan kami. Namula ang tenga ni Marius at napakamot sa batok. At ayun na nga, humagalpak na kami ng tawa.

"Nagpapalipas oras lang kami! Ang tagal niyo kasi eh," sabi ni Kurt at umirap.

"Nagpapalipas oras nga lang ba? Feel na feel mo nga eh," nakangisi kong saad.

That Sweet 16th Wish ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon