When I'm still a kid, my parents always remind me that I have to pursue my studies. Dahil sa maliban sa only child ako, ako rin ang tagapagmana ng business ng pamilya ko. My dad is a succesful business man, while my mom is a famous designer.
Gusto nila na maging katulad ako sa kanila. Maging succesful. Dahil sa pagiging succesful, kilala ang mga magulang ko. They don't want a stupid child. Like me.
Hindi man nila diretsyong sabihin pero nararamdaman ko. Alam kong kulang pa ang galing na pinapakita ko sa kanila.
That's why I did all my best to maintain my grades.
I was the top in class, mayor, and the same time, the muse.
They put too much pressure on my head. But still, I manage it all. I almost have everything. Exept him...
Akin na dapat siya. Pero bigla siyang umiksena.
And in just one snap, nawala ang lahat sa akin.
Because of her.
But its not a problem anymore, because now she's gone. Gone forever.
"Hi Van, masyado kana namang seryoso" inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.
This. This relation is a secret. Ayaw ng parents ko na magkaroon ako ng kahit anong relasyon kahit kanino.
Dahil ang sabi nila magiging distraction lang daw ang lalake para sa akin. But its not.
Napatingin ako sa paligid, baka may makakita na naman sa amin.
"Seth, nasa classroom tayo yung kamay mo" inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Wala namang teacher, tsaka para akbay lang eh" reklamo niya.
"Kahit na. Baka may makakita sa atin"
"Okay. Okay. So labas tayo mamaya?" Napatingin ako sa kanya.
"Hindi pwede. Magrereview ako mamaya dahil may test tayo bukas" tiningnan ko ulit ang librong binabasa ko.
"What? Have you forgotten?"
"Forgotten what?" Takang tanong ko
"Its our anniversary" sagot niya
Napatingin ako sa kanya. Shit! Nawala sa isip ko, masyado akong naging busy sa pagrereview.
"I-I'm sorry nakalimutan ko. Promise babawi ako nextime" hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa.
"Nextime. And then makakalimutan mo na naman. Nextime again" sagot niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Babawi naman ako eh. I promise nextime" sagot ko
"No need. Lalabas nalang kami nila Kevin mamaya" sagot niya saka tumayo at umalis.
Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon at dirediretsyo lang sa paglalakad. Napabuntong hininga nalang ako.
This past few months his getting cold to me. Hindi na siya ang tulad ng dating Seth, na malawak ang pang-unawa.
I understand if his mad at me. This is not the first time na nakalimutan ko ang monthsarry namin. And now our anniversary. Gusto kong bumawi pero kailangan ko magreview.
"Ano nag-away na naman ba kayo?" Napatingin ako kay Cris. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala 'to.
"Yeah" pag-amin ko.
"You know what? minsan bawas-bawasan mo rin ang pagiging masipag mo sa pag-aaral. Hindi nakakamatay yun. Sa pagiging sobrang masipag mo nakakalimutan mo na ang boyfriend mo. Just like now" sabi niya.
Huminga ako ng malalim. Kahit gaano ko ka gusto ay hindi pwede.
"You know that I can't, Cris" sagot ko.
"If you really love him, you will give him time kahit sandali lang. Kahit naman ako, Van. Gusto ko rin ng oras galing sa babaeng mahal ko. This day is especial for the both of you, Van. Kahit sandali lang bigyan mo siya ng time" sabi nito.
"Even if I want to, I still can't. Alam mo namang sikreto lang ang kung anong meron sa amin"
"If you love my bestfriend, gagawa ka ng paraan"
"Gumagawa ako, hindi lang talaga pwede ngayon!" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa sinabi niya.
I want to date him. I want to surprise him. I want to hug him in public. I want to hold his hand while we're walking. I want him to introduce to my family. Pero lahat 'yun hindi pwede. Because this relation is f-cking secret!
"Pag-isipan mo ng mabuti. Ikaw rin, mamaya makahanap yan ng iba. Baka magsisi ka" ngumisi siya.
"He can't do that!"
"We can't say that. Kahit sabihin nating kilala natin ang isang tao, hindi parin natin alam kung anong kaya niyang gawin" kumunit ang noo ko sa sinabi niya.
Lagi niya yang sinasabi lalo na kapag nag-aaway kami ni Seth. Its just that parang may alam siya na hindi ko alam.
Is he saying na kaya akong ipagpalit ni Seth? No way! May tiwala ako kay Seth. I love him and I know that he love me too. And there's no way na ipagpapalit niya ako.
"Don't think too much, Van. Sundan mo na siya" pagputol niya sa iniisip ko.
"I don't even know where is he" sagot ko.
"Baka pumunta sa music room. Don yun lagi tumatambay" sagot niya.
Tumango ako at inayos ang mga gamit ko. May isang oras pa bago mag simula ang afternoon class namin. Lumabas ako ng room at naglakad papuntang cafeteria, bumili ako ng dalawang choco shake.
This may sound hilarious but because of this choco shake nakilala ko si Seth. Napangiti ako ng maalala ang alaalang 'yun.
Nung aksidente niyang maitapon sa akin ang choco shake niya, nagmukha akong sisiw na tinapon sa putikan that time. But I can't make myself mad at him, instead napangiti ako ng makita ko siya.
Kinilig pa ako ng pinunasan niya ang uniform ko, I don't know. Basta masaya ako dahil natapon sa akin yung choco shake. Diba dapat magalit ako? But no, I was happy. Masaya ako sa hindi malamang dahilan.
Kahit na napagalitan ako ni mommy pagkauwi ko. Sabi niya parang wala daw akong pamilyang nag-aalaga sa akin, para daw akong taong kalye. Pero hindi ko nalang siya pinansin, basta masaya parin ako.
Sanay na ako sa mga sinasabi sa akin ni mommy. Lalo na kay daddy.
Lagi nilang sinasabi na pag-igihin ko ang pag-aaral ko at baka masayang daw ang perang pinapaaral nila sa akin.
Kulang nalang na ipamukha nila sa akin na ang tanga ko. Na wala akong silbi.
Tanggap ko naman na hindi ko talaga mapantayan kung gaano sila kagaling, but alteast accept me as their child.
Tumigil ako sa pag-iisip ng makitang nandito na pala ako sa harap ng music room. Binuksan ko ang pinto at pumasok.
Pero napatulala ako sa nakita ko at nabitawan ko ang dala kong choco shake.
Seth... Seth is kissing my bestfriend Nisha.
Ramdan na ramdam ko ang luhang gumagapang pababa sa pisngi ko. Ni hindi nila napansin na may pumasok. Na nakikita ko sila.
Parang sinasaksak ang puso ko dahil sa nakikita ko. Napatigil lang sila ng makita ako ni Nisha.
Gulat gulat ang mukha niya.
"V-van..."

YOU ARE READING
11
RandomAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.