Vanessa's POV:
Kanina ko pa tinitingnan ang hawak kong testpaper sa geometric at arithmetic, na pinasagutan sa akin kanina ng tutor ko. I have 3 mistakes out of 50. And this is not good. Kapag may test kasi ako, ang gusto ni daddy 2 mistakes lang out of 50. Mas maganda kung 1 mistake, pero mas maganda kung perfect score.
Kanina ko pa rin tiningnan kung saan ako nagkamali, pero ang totoo ay isa lang ang mali ko. Alam ko ang sagot ko sa dalawa samantalang ang isa ay mali talaga. Mali kasi ang nailagay kong letter sa sagot ko. Hindi ko na rin pwedeng baguhin pa ang sagot ko dahil makikita ang bura, at ayaw ni daddy ng ganon. Masyado siyang maarte!
Napabuntong hininga ako bago ako tumayo para lumabas ng kwarto. Kailangan ko parin ipakita 'to kay daddy kahit alam kong mapaparusahan na naman ako. Bumaba ako ng hagdan papunta sa kusina. Naabutan ko sila ni mommy na nag-uusap tungkol sa business. Lumapit ako sa kanila, at napatingin sa akin si daddy.
"D-dad. . ." Inabot ko sa kanya ang test paper at tiningnan niya naman 'yun.
"What is that?" Tanong niya. Binaliktad ko kasi para hindi agad makita ang score ko.
"This is my test earlier" sagot ko.
Tumango naman siya bago tinanggap. Tiningnan niya 'yun, at agad kumunot ang noo niya ng makita ang score ko.
"Are you kidding me?" Seryosong tanong niya.
"D-dad. . ." Nauutal kong sabi.
Tumayo siya at tinaas ang test paper.
"Home study ka na pero ganito parin ang score mo? God Vanessa, your impossible!" Sabi ni daddy.
Tumayo si mommy at hinawaka sa dibdib si daddy. Napayuko nalang ako.
"Lets discuss this later, but now lets eat first" sabi ni mommy.
Tiningnan siya ni daddy at pinakita ang testpaper ko.
"Yang anak mo, masyado ng nagiging bobo! Hindi ko alam kung saan nagmana 'tong batang 'to. Pinapa-aral ka naman sa maayos na paaralan para matuto, pero bobo ka parin!"
Napakagat labi ako sa sinabi ni daddy. Kung pagsabihin niya ako ng ganyan ay parang hindi niya ako anak. I'm already used to it, but it still hurt the way na ipamukha niya pa sa akin.
"Arnold, thats enough. Lets eat first" sabi ni mommy.
"No! Your daughter should learn her lesson. Hindi ako gumagastos ng pera dyan sa pag-aaral mo para lang maging bobo ka! Ayokong maging bobo ang tagapagmana ng pinaghirapan ko" sabi ni daddy.
"Arnold!" Pinipigilan siya ni mommy.
Marahas niyang inalis ang kamay ni mommy na nakahawak sa braso niya at lumapit sa akin. Napatingin ako kay daddy ng itaas niya ang testpaper.
"This night, you can't eat your dinner! Don ka lang sa loob ng kwarto mo, mag-aral ka at ayusin mo!" Hinagis niya sa mukha ko ang testpaper.
Kinuha ko ang testpaper at pinigilan ang luhang gustong lumabas sa mata ko.
"B-ut dad. . ."
"No buts! Just go to your room!"
"Arnold, thats enough! Pagpahingahin mo naman ang anak natin" sabi ni mommy.
"Yan! Masyado mong tino-tolerate yang anak mo, kaya nagiging kampante at nagiging bobo na! Kung magiging ganyan lang kabobo ang anak ko, sana pala natuluyan ng mamatay yan nung dinugo ka habang pinagbubuntis mo palang yan!"
Natigilan ako sa sinabi ni daddy. Napatingin ako kay mommy, napatakip siya ng bibig niya. I never tought that dad will gonna be this evil. Its beyond my imagination. Im his daughter, pero kaya niyang sabihin na sana namatay nalang ako.
Ganito pala kasakit yung pakiramdam na parang kinahihiya ka ng tatay mo. Sana pala namatay nalang ako dati nung pinagbubuntis palang ako ni mommy. Kesa paulit ulit akong sabihan ng bobo.
Napapitlag ako gulat ng marinig ko ang pagsampal ni mommy sa pisngi ni daddy.
"How could you say that?" Ramdam ko ang sakit sa boses ni mommy.
Hindi sumagot si daddy at napatingin lang kay mommy. Ngayon ko lang nakitang pinagbuhatan niya ng kamay si daddy.
"Yang sinasabihan mo ng bobo, she's your child. She's our child. Hindi siya kung sino sino para sabihin mo na sana namatay nalang siya nung pinagbubuntis ko palang siya. She's not a dog to demand whatever you want to her. She's our child. At ang anak natin, kahit gaano pa katalino may limitasyon rin ang kakayahan niya. Wag mong ipagpilitan 'yang gusto mong maging siya kung hindi niya naman kaya at ayaw niya!"
Tumulo ang luha ni mommy pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"May karapatan akong ipagawa sa kanya ang gusto kong maging siya, because I'm her father! At dapat lang na gawin ko 'yun dahil siya ang tagapagmana ko!" Sagot ni daddy.
"Hindi lahat tungkol dyan sa tagapagmana mo!" Sabi ni mommy.
"It matters to me, dahil pinaghirapan ko 'yon"
"Yan! Yan lang naman talaga ang importante sayo eh. Yang kayamanan mo!"
I don't know if they're fighting because of me, o nag-aaway ba sila sa kung anong mas importante kay daddy.
"Its important to me dahil ayoko na masayang ang pinaghirapan ko!"
"Wala ka bang tiwala sa anak mo?"
Hindi ko alam kung ano bang dapat kung maramadaman, dahil ngayon ay napagtanggol ako ni mommy kay daddy. But I felt sad too, because of me they're fighting. Ngayon ko lang sila nakita ng ganito. Kadalasan kasi lagi ko silang nakikita na kalmado lang at laging nag-uusap tungkol sa business.
But now they're fighting. Because of me. Its my fault again. Wala na akong ginawang tama. Kung hindi magbigay ng sakit sa ulo ni daddy, ngayon naman ay pinag-away ko sila. Should I give my self award? Award of stupidity! Siguro kung may award lang pagiging bobo ay baka nakuha ko na lahat.
"Vanessa go to your room" narinig kong sabi ni daddy.
Tumingin ako kay daddy at tumango bago naglakad paakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto.
Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko. Maayos naman ang buhay ko pero bakit ganito naman ang pamilya ko? Mayaman nga kami. Madami kaming pera. Pero kulang na kulang kami sa yaman ng pagmamahal.
Biglang kumulo ang tyan ko. Kaya napahawak ako dito. Sandwich lang ang kinain ko kaninang hapon kaya tumutunog na siya ngayon.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at naglakad palapit sa closet ko. Binuksan ko 'to at may nahulog. Napatingin ako sa nahulog, picture pala namin ni Seth. Napatingin ako sa likod ng pinto ng closet ko, nandito ang ibang picture namin ni Seth na dinikit ko. Ito yung mga picture na nakuha habang nagdi-date kami. Pareho kaming nakangiti dito. Nakaakbay at magkahawak ang kamay habang nakangiti.
Biglang may kumurot sa dibdib ko. Napangiti nalang ako ng mapait. Hanggang pagsasariwa nalang ako ng mga memory namin. Dahil iniwan niya na ako. Literal na iniwan. Naramdaman ko nalang na may luha na pala sa pisngi ko.
Pinusan ko 'yon agad at sinarado ang closet ko at mabilis na lumapit sa kama at humilata. Habang tumatagal na tinititigan ko ang mga picture namin ay naalala ko lang kung paano nagsimula yung story namin ni Seth.
Its not a typical story dahil alam kong pinagpustahan lang nila ako ni Cris, pero desperada na ako nung time na yun kaya pumayag ako kahit alam ko na sa huli ay iiyak lang ako.
Wala eh mahal ko. Ganon ako katanga at bobo.

YOU ARE READING
11
DiversosAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.