Claudette's POV:
"Seriously Kaye? Papayag ka lang na sabihan tayo ng bad influence?" Di makapaniwalang tanong ko.
Nakakagigil kasi yung matandang yun eh! Sabihan ba naman kami ng bad influence? Like duhh? Tinutulungan lang namin yung anak niya na magmove-on. Tapos kami pa ang masama. Seriously?
"Dette, its natural na magalit si tito sa atin. Remember? dinala natin sa bar ang anak niya. Pinainom natin" sagot niya.
Umikot ang mata ko sa ere. Masyado siyang mabait.
"That's bullsh-t!" Sabi ko.
"Hey! Tumigil ka na nga!" Saway niya.
"Okay fine. Pasalamat talaga yung matandang yun, gwapo pa. . . OH MOTHER F-CKER, KAYE!"
Halos subsob ako dahil sa pagkakapreno ni Kaye, mabuti nalang at nakaseatbelt ako. Habol ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko at tumingin sa harapan.
"Kaye, whats's happening?" Takang tanong ko.
May nakatayong taong nakaitim sa harapan ng kotse at may hawak na kutsilyo. Hindi namin makita ang mukha niya dahil sa nakatakip na hood.
Siya ang dahilan kung bakit bigla pumreno si Kaye.
"Oh god" napatakip siya sa bibig niya.
"F-ck! Is that a k-killer?" Napalunok ako sa tanong ko.
Nakakatakot ang tindig niya. Ang laki pa ng kutsilyong hawak hawak niya. Kinakabahan na talaga ako! Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Naglakad siya palapit sa kotse.
"AAAHH!" Halos napapitlag kami nang ihampas niya ang dalawang palad niya sa harapan ng kotse.
"F-CK, KAYE SAGASAAN MO NA YAN!" sigaw ko dahil sa takot.
"I CAN'T DO THAT!" Sagot niya
"JUST DO IT KUNG AYAW MONG TAYO ANG MAMAMATAY!" sigaw ko.
"AYOKONG MAGING MAMAMATAY TAO!" sigaw niya
Napakagat ako ng labi ko.
"Then I'll do it!" Tinanggal ko ang seatbelt ko at tiningnan si Kaye, takang tiningnan niya ako.
"Dette, stop it!"
Hindi ko siya pinansin at pilit na inaabot ang manibela, pero hinaharangan niya ako.
"F-ck! Claudette, stop it!"
Pilit ko paring inaabot ang manibela pero pilit niya ring hinaharangan.
"AAHHH!"
Napatakip kami ng tenga nang makarinig kami ng parang kinikiskis na bakal. Ang sakit sa tenga!
Napatingin kami sa harapan at nakita namin yung taong nakahood na parang may sinusulat sa unahan ng kotse gamit ang kutsilyo.
"F-ck! anong ginagawa niya sa kotse ko?" Tanong ni Kaye.
Napakunot ako ng noo ko dahil sa sinulat niya. Teka, numbers? Tinagilid ko ang ulo ko para matingnan ang sinulat niya. Oo nga numbers.
Pagkatapos niyang isulat yun ay tumayo siya ng maayos. Hindi namin makita ang mata at ilong dahil sa nakatakip na hood, pero sigurado ako nakatingin siya sa amin. Tanging bibig niya lang ang nakikita namin.
Ilang segundo pa siya tumayo don bago siya umalis. Pero bago niya kami tuluyang talikuran ay ngumisi muna siya sa amin. Kinilabutan ako sa ngisi niya, ramdam kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok.
YOU ARE READING
11
AléatoireAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.