Cris POV:
K-kapatid? Magkapatid sila? Kelan pa? Bakit hindi namin alam? Bakit wala kaming alam? Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.
Lalo na nung nakita kong lumabas ang luha niya, pero mabilis niya ring pinunasan.
"Magkapatid kayo?" Takang tanong ko.
"Oo. Kaya nakikiusap ako sayo, Cris. Kung ikaw ang pumatay sa kanya, sabihin mo na" desperado niyang sabi.
Umiling ako. Paano ako aamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa? At isa pa hindi ko kayang pumatay, kahit pa sabihing ang sarap niyang bugbugin.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya, Neth" sagot ko.
Nag-iwas siya ng tingin at nag-igting ang panga niya.
"Nakita kita, Cris" tumungin siya sa akin. "Nakita ko kayo na nag-aaway. At nakita ko rin kung paano mo siya sinaksak!" Dumilim ang tingin niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Kung ganon nakita niya kami? Pero bakit hindi niya alam na hindi ako ang pumatay kay Seth?
"Nakita mo kami, pero hindi mo alam na hindi ako ang pumatay sa kanya? Neth, hindi tapos ang nakita mo!" Sabi ko sa kanya.
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo.
"What do you mean?" Takang tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya.
Flashback
Pinangsangga ko ang braso ko sa mga suntok niya, pero masyadong malakas ang bawat binibitawan niya suntok.
Ramdam na ramdam ko ang galit niya. At alam kong kapag hindi ko siya napigilan ay baka mapatay niya ako. Shit!
Pero bago pa man niya ako mapuruhan ng sobra ay mabilis ko ng nailabas ang ballpen ko na may ice pick sa loob. Sinaksak ko siya sa tagiliran ng dalawang beses at tinulak siya sa paalis sa pagkakadagan sa akin, at saka ako tumayo.
Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko bago ko siya tingnan. Namimilipit siya sa sakit pero kaunting dugo lang ang lumalabas. Sinadya kong sa tagiliran para hindi siya masyadong mapuruhan.
"F-fvck you!" Sabi niya sa akin sa kabila ng pamimilipit niya.
"I don't fvck boys" sagot ko sa kanya bago siya tinalikuran"
End of flashback
"Sinaksak ko siya pero hindi ko siya pinatay" sagot ko
Napasabunot siya sa buhok niya at napaupo sa sofa. Alam kong nahihirapan siya. Kitang kita ko ang frustration sa mukha niya. Pero ganon din kami, hindi rin namin lubos maisip na mangyayari 'yun sa kanya. Katulad ni Neth, gusto rin namin ng hustisya, para sa pagkamatay ni Seth.
Oo hindi kami malapit sa isa't-isa, pero tao rin ako na nakokonsensya. Lahat naman kami gusto ng hustisya para kay Seth. Lalo na si Vanessa. Alam kong nasasaktan parin siya hanggang ngayon, hindi lang dahil sa pagkamatay ni Seth, kundi dahil na rin sa paghihiwalay nila Seth, na pustahan namin.
"Gulong-gulo na ako, Cris" napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ikaw ang pumatay sa kanya, sino?"
"Walang may alam" sagot ko.
Bigla siyang tumayo at naglakad.
"Aalis na ako" yun lang ang sinabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto.
YOU ARE READING
11
RandomAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.